![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Lalong nangangabulok ang latak ng lumang rebisyunistang partido. Sa ilalim ng pamumuno ni Pedro Baguisa, ang pangkalahatang-kalihim nito, ang lumang partido ay tuluyan nang pumaling sa pasismo. Katulad ng CAFGU at mga armadong anti-komunistang kulto, ang armadong grupo nito ay nagsisilbing pwersang paramilitar ng First Scout Ranger Regiment sa San Miguel, Bulacan, kumikilos laban sa Bagong Hukbong Bayan at nananalanta sa mamamayan. Noong Oktubre 1999, isinuplong sa militar ng mga tukoy na lider at kasapi ng lumang partido sa Do�a Remedios Trinidad, Bulacan, ang pagkilos ng isang yunit ng BHB. Humantong ito sa pagkasawi ng dalawang mandirigma. Kasabay ng mga tropa ng 7th Scout Ranger Coy, sinalakay ng mga armadong tauhan ng lumang partido ang isang kooperatiba ng mga Dumagat sa bahaging Ipo Dam. Tinakot nila ang masang katutubo at ninakaw ang saku-sakong bigas. Pinuntirya ang kooperatiba ng mga Dumagat na ginagamit ng mga katutubo upang makaligtas sa mga komersyante-usurerong dating kumukontrol sa pamimili ng kinakalap nilang yantok. Ilang lider ng lumang partido ang pangunahing mga komersyanteusurerong nagsasamantala sa mga katutubo sa lugar. Noong Enero 21, pumasok ang 10 nakilalang mga pinuno at kasapi ng Aniban ng mga Manggagawa sa Agrikultura na nakabonet at nakaarmas sa ilang komunidad sa hangganan ng Norzagaray at Do�a Remedios Trinidad, Bulacan at tinakot ang mga magsasaka at mangingisda roon. Isang pinaghihinalaan nilang sumusuporta sa BHB ang kanilang iginapos, binugbog at pinilit na magturo sa yunit ng BHB. Kinabukasan, tinambangan nila ang isang tim ng BHB na lumaban at ligtas na nakaatras. Sa kasalukuyan, patuloy na nanliligalig sa hangganan ng dalawang bayang ito ang pasistang pangkatin ng lumang partido. Patuloy silang nakikipagsabwatan sa mga tropa ng AFP at PNP sa panliligalig sa mamamayan sa iba't ibang bahagi ng Sierra Madre sa Bulacan. Lubusan nang nalantad at nangabulok ang lumang partido matapos itong malunod sa rebisyunismo at nang tahasan itong sumuko at makipagsabwatan sa diktadurang US-Marcos noong 1973. Gayunpaman, noong huling bahagi ng dekada '80, dahil sa ating pagaatubili sa linyang anti-rebisyunista at sa ibinunga nitong Kanang oportunistang pakikipag-alyansa sa mga anti-komunistang grupong petiburges, nabigyang-pagkakataon ang lumang partido na pagtagpi-tagpiin ang kanilang gulagulanit nang reputasyon at ipagsiksikan ang kanilang sarili sa hanay ng demokratikong kilusan. Pansamantala silang nagdiwang, kakoro ng reaksyunaryong rehimen at ng mga anti-komunistang grupong petiburges, nang ilarga ang todo-todong anti-Partidong operasyong demolisyon noong 1993. Subalit sa pamamagitan ng muling pagpapatibay sa paninindigang anti-rebisyunista at sa mga saligang prinsipyong Marxista-Leninista-Maoista, at sa muling pagsigla ng rebolusyonaryong pakikibaka, matalas na nailalantad ng Partido ang kabulukan at pagkabangkarote ng lumang partido, sampu ng rebisyunismo at oportunismo ng mga elemento at maliliit na grupong anti-komunista. Sa kasalukuyan, ang labi ng lumang partido ay isang papaliit na kaharian ng mga oportunistang lider nito. Nagkakasya na lamang ito sa ilang lugar sa Bulacan, nakikipagsabwatan sa kontra-rebolusyonaryong kampanya ng militar at nananalanta sa mamamayan. Ang pag-aastang komunista ni Baguisa at pagdurugtungdugtong niya ng mga salitang "Marxista-Leninista", ay desperadong pagtatangkang ikubli ang kanyang pagkahulog sa pasismo at pagyuko sa imperyalismo at reaksyon. Subalit gaanupaman kahaba ang hibla ng mga kasinungalingang hahabiin ni Baguisa, hindi na niya maitatago ang kanyang pagiging balat-ahas. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|