Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Kasunduang SMC-Kirin: Maniobra para konsolidahin ang kontrol ni Danding sa SMC

 Read this article in English

Patuloy na makapangingibabaw si Danding Cojuangco sa San Miguel Corporation (SMC) sa pinakabagong pakikipagkasundo nito sa Kirin Brewery, isang monopolyong korporasyong Hapones. Ibinenta ni Cojuangco sa Kirin ang 443 milyong bagong sapi na nagkakahalaga ng $540 milyon (P27.88 bilyon) o 15% ng kumpanya. Maniobra ito ni Cojuangco para patuloy at mas matatag niyang makontrol ang SMC. Matapos ang sandaling alingasngas, buung-buong sinuportahan ito ng rehimeng Macapagal-Arroyo.

Ang paglalabas ng mga bagong sapi ng SMC ay magpaparami ng kabuuang sapi kaya liliit ang porsyentong hawak ng mga kasalukuyang may-ari ng mga sapi rito. Dulot nito, lalabnaw ang angking bahagi ng gubyerno at hihina ang pusisyon nito sa lupon ng mga direktor ng kumpanya. Ang porsyento ng mga sekwestradong sapi na hawak ng gubyerno ay liliit mula 27% patungong 24%. Ang 11% pang sapi ng gubyerno sa pangalan ng SSS at GSIS ay magiging 9.6%. Kaya ang kabuuang bloke ng mga saping hawak ng gubyerno ay magiging 33.6% na lamang mula sa dating 38%.

Ang tuwirang hawak ni Cojuangco sa SMC ay liliit din mula 20% tungong 17.4%. Pero sa ilalim ng kasunduan, obligadong sang-ayunan ng Kirin ang lahat ng boto ni Cojuangco sa lupon kaya magkakaroon ng 37.4% minimum na solidong kontrol si Cojuangco sa kumpanya, mas malaki na kaysa sa gubyerno. May 30% pang blokeng kinakatawan at sa gayo'y nasa kontrol ng maneydsment ng SMC. Binubuo ito ng pondo para sa pagreretiro ng mga manidyer at empleyado ng SMC at ng maliliit na nagmamay-ari ng mga sapi sa SMC. Sa pagdagdag pa nito sa solidong blokeng Cojuangco-Kirin, makokontrol nila ang 67.4% ng mga sapi ng SMC at boto sa lupon ng mga direktor nito.

Dahil ang malalaking blokeng ito ay may kaukulang bilang ng pwesto sa 15-kataong lupon ng mga direktor sa SMC, susi sa mahigpit na labanan para sa kontrol ng SMC ang bilangan ng boto sa lupon. Bunga ng pagbenta sa Kirin ng 15% sapi sa kumpanya, makakapagpwesto ang Kirin ng dalawang kinatawan sa lupon nito. Sa ilalim ng kasunduan sa naturang bilihan, sa loob ng limang taon ang dalawang kinatawan ng Kirin at ang kasalukuyang tatlong kinatawan ni Cojuangco ay obligadong bumoto nang magkasanib. Gayundin, obligado ang Kirin na unang ialok kay Cojuangco ang mga saping hawak nito sakaling magdesisyon itong ibenta ang bahagi nito sa kumpanya. Ang retirement fund at iba't ibang maliliit na mga stockholder sa SMC ay may tatlong botong proxy (kinatawan) na hawak ng tatlong kinatawan ng maneydsment sa lupon kayat hawak din ni Cojuangco. Sa minimum kung gayon, may kontrol si Cojuangco sa walong boto sa lupon. Lamang ito nang isa sa pitong boto ng bloke ng gubyerno, kahit pa man ang limang maka-Cojuangco na kinatawan nitong hinirang pa ng pinatalsik na presidente Estrada ay mapalitan na ng mga kinatawan ng PCGG.

Sa halip na tutulan ang maniobrang ito ni Cojuangco, pinuri pa ito ni Macapagal-Arroyo bilang "unang mayor na direktang dayuhang pamumuhunan" sa bansa nitong taon. Inianunsyo pa ni Macapagal-Arroyo na hindi nito nais na palitan si Cojuangco sa pamumuno ng SMC. Dahil dito, nagiging palabas na lamang ang anupamang hakbangin ng gubyerno na hawakan ang SMC.

 


Previous articleBack to topNext article

Disyembre 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal: Isang taon ng pagpapahirap at pagmamalupit sa mamamayan
National Socio-Economic Summit: Higit pang pasismo at pagtatali ng Pilipinas sa neokolonyalismo [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Special Purpose Assets Vehicle: Pagsagad sa neokolonyal na katayuan ng Pilipinas [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Pambansang badyet para sa 2002: Pondo para sa pasismo at pagpapakatuta [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Krisis sa ekonomya: Ilang mahahalagang datos [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Ang salamangka sa datos sa disempleyo [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Resesyon sa US, Japan at Germany: Krisis sa mga sentro ng kapitalismo [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Danding Cojuangco namamayagpag pa rin: Nakapamamayagpag pa rin si Danding sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo
Kasunduang SMC-Kirin: Maniobra para konsolidahin ang kontrol ni Danding sa SMC
Pinakamalaki sa kasaysayan ng papet na republika: Danding, nangangamkam ng lupa sa Isabela
Mga Ulat Koresponsal: Rebolusyong agraryo, umaani ng tagumpay sa Isabela
Mga Ulat Koresponsal: Ka Haren at Ka Baste: Rebolusyonaryong kagitingan sa harap ng kaaway
Mga Ulat Koresponsal: Paglilinaw hinggil sa kalagayan ng mga bihag ng digma sa Dulong Timog Mindanao
Pananalanta ng pasistang estado: Labing-isang buwang kalbaryo ng militarisasyon sa kanayunan
Sa suporta ng imperyalismong US: Pinaiigting ang pananalakay ng Israel sa mamamayang Palestino
Bunsod ng napakalubhang krisis: Pag-aalsa, sumiklab sa Argentina
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.