Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Makauring tunggalian sa Hacienda Luisita

 Read this article in English

Sa nakaraang tatlong buwan, naganap ang isa sa pinakamaiigting na makauring tunggalian sa pagitan ng mga panginoong maylupa at mga manggagawang bukid. Sa kabila ng tahasang pandarahas ng pamilyang Cojuangco, harap-harapang panlilinlang at pananakot, ni minsan ay hindi natinag ang mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita.

Matapos ang ilang buwang matatag na pakikitunggali, naaaninag na ang tagumpay ng kanilang welga. Ang welgang ito ay maitatala sa kasaysayan bilang isa sa pinakamalalaking tagumpay ng mga manggagawang bukid sa laban hindi lamang para sa mas mataas na sahod kundi para sa tunay na reporma sa lupa.

Cacique. Despotikong panginoong maylupa ang pamilyang Cojuangco na nagmamay-ari sa Hacienda Luisita. Limang sanga ng pamilyang ito ang direktang nakasuso sa katas ng produktong tubo ng asyenda. Pangunahing nagmumula ang kanilang yaman sa Hacienda Luisita Incorporated (HLI) na itinayo para iwasan ang pamamahagi sa lupa at sa kakabit nitong iluhan, ang Central Azucarera de Tarlac (CAT). Lahat ng kita mula sa dalawang kumpanya ay nauubos sa maluhong pamumuhay ng ilang henerasyon ng mga Cojuangco na nakatira ngayon sa asyenda at iba pang di produktibong aktibidad. Liban sa iilang makinang pansaka, hindi kailanman namuhunan ang pamilya para sa pagpapaunlad ng lupa.

Animo�y mga cacique o lokal na hepe noong panahon ng kolonyalismong Espanyol, malaon nang naghahari-harian ang mga ito sa asyenda. Pinapatakbo nila ang asyenda sa pamamagitan ng sistemang padrino. Ang kunway mga superbisor ng kumpanya ng HLI ay walang pinagkaiba sa mga kabo ng lumang sistema na nagsisilbing galamay ng mga panginoong maylupa. Sila ang nagtatakda kung sino, saan at kailan maaaring makapagtrabaho ang mga manggagawang bukid. Ang ikatlong henerasyon ng mga Cojuangco na namamahala sa asyenda na sabihin pa�y nagsipagtapos sa mga bantog na unibersidad sa labas ng bansa ay walang pinagkaiba sa kanilang mga ninuno sa pyudal na pakikitungo at pagtrato sa mga manggagawang bukid.

Napananatili ng mga Cojuangco ang kanilang paghahari sa pamamagitan ng paggamit ng reaksyunaryong batas, panlilinlang at pandarahas. Bukod sa kampo ng Northern Luzon Command na nakapwesto sa Tarlac, pinupugaran ng 69th IB, mga yunit ng CAFGU at maging ng paramilitar na Yellow Army ang mga baryo ng asyenda. Humantong na sa karumal-dumal na pagmasaker ng mga manggagawang bukid ang ugnayang ito.

Upang tuluy-tuloy na mapakinabangan ang asyenda sa harap ng pagbagsak ng industriya ng asukal, bumabaling sa malawakang pagpapalit-gamit ng lupa ang mga Cojuangco. Ngunit wala silang anumang hakbanging isinagawa upang mamuhunan sa industriya. Nalimita lamang ito sa pagpapaupa at pagbebenta ng lupa sa mga lokal at dayuhang kumpanya. Walang signipikanteng pamumuhunang isinagawa ang pamilya maging sa Luisita Industrial Park. Wala ring balak ang pamilya na direktang mamuhunan sa ibang industriya sa susunod na bugso ng pagpapalit-gamit.

Usapin ng lupa ang nasa ubod ng welga. Mayorya ng mga manggagawang bukid sa asyenda ay tradisyunal. Sila ang mga maralitang magsasaka na tunay na may-ari ng lupa at inagawan lamang ng mga Cojuangco. Ang pagmamay-ari nila sa lupa ay may batayan maging sa mga reaksyunaryong batas.

Ang kanilang kagamitan ay walang pinagkaiba sa gamit ng sinauna pang henerasyon ng mga tabasero. Nakasalalay ang kanilang kabuhayan sa siklo ng pananim. Maging ang mga modernong manggagawang bukid sa loob ng iluhan ay nakadugtong sa atrasadong produksyon sa mga tubuhan.

Pangunahin nilang kalaban sa asyenda ang despotikong pamilyang Cojuangco, ang reaksyunaryong estado at militar na sumusuhay dito at ang kanilang mga galamay sa loob at labas ng asyenda. Pangunahing laman ng kanilang laban ang pagpapataas ng sahod sa minimum at paggigiit ng karapatan sa lupa sa maksimum. Karugtong nito ang panawagan para sa pambansang industriyalisasyon. Magkatuwang sa labang ito ang unyon ng mga manggagawang bukid ng HLI (United Luisita Workers� Union o ULWU) at CAT (CATLU).

Matibay ang batayan ng mga manggagawang bukid na igiit ang kanilang pagmamay-ari sa lupa kung kaya�t ginagawa ng pamilyang Cojuangco ang lahat ng paraan para palayasin sila sa asyenda. Noong 1957, may kasunduan na ang pamilyang Cojuangco at ang Tabacalera, dating may-ari ng asyenda, na ipamamahagi ang lupa sa mga manggagawang bukid rito. Bukod rito, nasa kasunduan ding ito na hindi titulo ng asyenda ang isinalin sa mga Cojuanco kundi ang karapatan lamang na paupahan ang lupa. Ang saklaw din ng orihinal na kasunduan ay yaon lamang lupang natatamnan ng tubo at hindi kabilang ang ilang lupaing sinasaklaw ngayon ng HLI. Ang mga lupaing ito ay ipinailalim na sa reporma sa lupa noon pang 1947. Maging ang lupang kinatitirikan ng Luisita Mall sa Tarlac City ay hindi pagmamay-ari ng mga Cojuangco kundi pampublikong lupain na nagsilbing pastuhan ng base militar ng US noon sa lunsod!

Hindi maitanggi ng mga Cojuangco na may ligal na batayan ang karapatan ng mga manggagawang bukid sa asyenda. Sa isang banda, ang mapanlinlang na iskemang Stock Distribution Option ay pagkilala na rin sa karapatang ito. Nakasaad sa SDO kaugnay ng Hacienda Luisita na 33% ng sapi ng kumpanya ay pag-aari ng mga manggagawang bukid. Kaya naman bagamat pabor na pabor sa mga Cojuangco ang SDO sa pag-iwas nito sa reporma sa lupa, pilit pa rin silang naghahanap ng paraan para hindi ito kilalanin.

Noong Agosto 2003, lihim at iligal nilang pinapirma ang mga manggagawang bukid sa isang kasulatang nagsasaad na kung matatanggal sa trabaho ang isang manggagawang bukid, mawawala ang kanyang katayuan bilang may-ari ng sapi sa HLI. Ang totoo, isinasaad mismo ng reaksyunaryong batas na nananatiling stockholder ang isang manggagawang bukid kahit matanggal siya ng trabaho. Sa ilalim ng �buy-back option,� inaalok ng HLI ang mga tinanggal na manggagawang bukid ng P30,000-40,000 para isauli na sa pamilyang Cojuangco ang kanilang stock certificates. Kasabay nito, sinisante ang mahigit 300 manggagawang bukid at ang iba ay nalinlang kundi man napwersang ipatanggal ang kanilang mga pangalan sa listahan ng HLI stockholders.

Sa harap ng patung-patong na pagsasamantala at panggogoyo ng mga Cojuangco, tumpak at napapanahon ang paglulunsad ng welga ng mga manggagawang bukid. Malaking salik sa tagumpay ng welga ang pagtutulungan ng CATLU at ULWU. Sa gayon, lubos na naparalisa ang asyenda.

Mariing iginigiit ng mga manggagawang bukid ang kagyat na pagbabalik ng lahat ng sinisante ng mga Cojuangco. Bukod sa 76 na sinisante noong Agosto, sinipa rin ang 35 na kasapi ng CATLU nitong Enero sa pamamagitan ng isang kautusan mula sa DOLE. Malinaw din ang panawagan para sa dagdag na arawang sahod at iba pang benepisyo. Kaalinsabay nito, iginigiit ng mga manggagawang bukid na kilanlin ng mga Cojuangco ang lahat ng mga nakalistang stockholder ng HLI, aktibo man o nasisante.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Pebrero 2005
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Labanan ang mga pasistang hakbang ng rehimeng US-Arroyo

Matatagumpay na TO:
33 sundalo, napatay sa mga opensiba sa Compostela Valley at Isabela

Matatagumpay na TO:
Sa Southern Luzon

Matatagumpay na TO:
Tatlong tropa ng militar, pinatay ng dating mandirigma ng BHB

NAHRA, RPA-ABB:
Mga tagapagsalita ng pasistang rehimen

Sabwatang Arroyo-Marcos-Akbayan:
Katarungan para sa mga biktima ng batas militar, hinaharang sa kongreso

Sabwatang Arroyo-Marcos-Akbayan:
Maniobra ng mga magnanakaw

Kalagayan ng mga manggagawang bukid sa buong kapuluan
Makauring tunggalian sa Hacienda Luisita
Pakikiramay: Alay ng mga makata sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita:
Pagdamay, pakikiisa, paglaban

Sa Ibayong Dagat:
Imperyalistang agresyon sa Middle East
Iran, isusunod na?

Sa Ibayong Dagat:
�Outposts of tyranny� at iba pang katha ng guniguni ni Bush

Sa Ibayong Dagat:
Deklarasyon ng batas militar sa Nepal, tinututulan

Sa Ibayong Dagat:
Umiigting ang armadong pakikibaka sa Colombia

Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.