Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Ulat Koresponsal: Mga pakikibaka ng mamamayan laban sa Lepanto Mines

 Read this article in English

Sobra-sobra ang panghuhuthot ng likas na yaman at supertubo ng Lepanto Consolidated Mining Corporation (Lepanto Mines) sa Mankayan, Benguet. Kapalit nito, pagkawasak ng lupang ninuno, buhay at kabuhayan naman ang sinasapit ng mamamayan ng Mankayan at mga nakapaligid na lugar, na karamiha�y mga magsasakang Kankanaey Igorot. Sumusunod ang salaysay ng iba�t ibang pakikibaka ng mamamayan sa Mankayan at iba pang komunidad sa paligid laban sa dambuhala at makapangyarihang Lepanto Mines.

Sa Barangay Bulalacao, Mankayan, tatlong buwang nagrali at nagbarikada noong 1999 ang Barangay Bulalacao Movement for the Protection of Land, Life and Natural Resources o BBM (Kilusan sa Barangay Bulalacao para sa Pagtatanggol ng Lupa, Buhay at Likas na Yaman). Bunga nito, napigilan nila ang pagbubutas sa lupa (drilling operations) na binabalak ng Lepanto Mines sa Sityo Tabbac, Bulalacao sa pamamagitan ng subsidyaryo nitong Diamond Drilling Corporation of the Philippines (DDCP). Ginawa ng mga residente ang mga pagkilos na ito upang di na maulit ang pagkasaid ng tubig sa mga sakahan sa Caew, Colocol at Manaba noong dekada 1960 dulot ng paggawa ng Lepanto Mines ng 123 butas malapit sa pinagkukunan ng tubig pang-irigasyon. Noong 1995, sa tindi ng galit ng ilang mamamayan, pinasabog nila ang mga kagamitan sa drilling ng Lepanto Mines sa parehong barangay.

Dahil sa barikada, nalugi raw ang Lepanto Mines kaya sinampahan nito ng kasong paglabag sa Philippine Mining Act of 1995 ang mga lider-masa ng Tabbac at Bulalacao Central. Sa halip na matakot, naglunsad ng iba�t ibang anyo ng pagkilos ang mamamayan ng Tabbac. Hindi rin nilubayan ng mga taga-Bulalacao Central ang mga kababayan nilang nasakdal. Disyembre 1999 nang magdesisyon ang hukuman para huwag nang ituloy ng Lepanto Mines ang pagbubutas at ipinatigil din ang mga barikada. Sa kabila nito, nanatiling mapagbantay ang mamamayan upang mapigilan ang kumpanya, sakaling muli itong maglunsad ng drilling operations. Nagsampa sila ng mga petisyon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at nakipag-usap sa mga lokal na upisyal na magbuo ng mga resolusyon kaugnay nito. Nagpadala rin ang mga upisyal ng barangay ng resolusyon sa Lepanto Mines at DENR, na nagpapahayag na kailanman ay hindi sila pumayag sa pagmimina ng Lepanto Mines sa lugar, taliwas sa sinasabi ng kumpanya at ng DENR.

Sa Barangay Poblacion noong Agosto 1999, binuo ng mga residente ang Mankayan Sinking Victims Association o MSVA (Samahan ng mga Biktima ng Paglubog ng Mankayan). Naghain sila ng petisyon sa Lepanto Mines, DENR at mga upisina ng gubyerno bilang reklamo sa paglubog nang mahigit tatlong metro ng lupang kinatitirikan ng mga bahay sa tabi ng 60 metrong Aurora St. na nasa tapat ng pasukan ng Lepanto Mines. Lumubog din ang lupang kinatatayuan ng Mankayan Central School at nabitak ang lupang kinatatayuan ng Mankayan National High School sa Sityo Panad. Kaya naging delikado nang gamitin pa ang mga ito. Ayon sa datihan nang mga manggagawa, dulot ito ng pagguho ng nagtatagusang mga tunnel ng Lepanto Mines sa ilalim ng komunidad. Inabandona na ng kumpanya ang mga ito ngunit hindi maayos na tinabunan ng lupa.

Noon ding 1999 inorganisa sa Barangay Colalo ang Colalo Victims Association (Samahan ng mga Biktima sa Colalo). Ito�y matapos mawasak ang isang eskwelahan, limang bahay, mga sakahan at bahagi ng Mankayan-Cervantes National Road nang gumuho noong Hulyo 1999 ang 14 na ektarya ng lupang malapit sa catchment basin (malaking salaan ng latak) ng Tailings Dam 5-A ng Lepanto Mines. Nagkalamat ang mismong dam. Isang residente ang nalibing nang buhay at di na muling natagpuan. Itong Tailings Dam 5-A din ang humaharang sa maraming natural na bukal sa paanan ng bundok. Dulot nito, lumambot sa pagkabasa ang lupang tinitirikan ng komunidad sa Colalo. Puu-puong bahay dito at sa kanugnog na Barangay Cabiten, pati ang malalaking sakahan sa may dam, ang nanganganib na gumuho laluna�t tuluy-tuloy pang tinataasan ng kumpanya ang dam gamit ang lupang hinuhukay mula sa Colalo at Cabiten. Kahit dalawang taon na makalipas ang naunang pagguho sa Colalo, tuluy-tuloy pa rin ang paggalaw ng lupa, laluna sa Sityo Let-angan. Nagprotesta ang CVA sa pamamagitan ng petisyon at naggiit ng danyos perwisyos mula sa lokal na gubyerno at Lepanto Mines. Bagamat hindi inako ng Lepanto Mines ang responsibilidad sa pangyayari, napilitan itong magbigay ng "tulong" sa mamamayan "sa dahilang makatao". At nang tangkain ng Lepanto Mines na muling humukay ng pampuno sa dam mula sa barangay, binarikadahan ng CVA ang buldoser. Pinayagan lamang ito ng mga nagbarikada na makabalik nang mangako ang mga upisyal at kinatawan ng kumpanya na hindi na ito mauulit.

Noong Pebrero 2001, itinransporma ang CVA sa Colalo Residents Organization upang magkaisa laban sa Lepanto Mines di na lamang ang mga biktima ng pagguho kundi pati ang iba pang mga residente ng Colalo at upang mapalawak ang programa ng organisasyon. Kaisa ang BBM at Mankayan Leaders� Forum o MLF (Porum ng mga Lider ng Mankayan), itinaguyod ng CRO ang pagdiriwang ng makasaysayang Araw ng Kordilyera 2001 sa Colalo. Sa pagdiriwang na ito, nakipagbahaginan ang mamamayan ng Mankayan sa iba pang mamamayan ng Kordilyera at sa mga bisita at tagasuporta mula sa iba pang bahagi ng bansa at daigdig. Natuto sila mula sa karanasan ng bawat isa at ibayo pang lumawak ang suporta para sa kanilang pakikibaka.

Nakikiisa na rin sa mamamayan ng Mankayan ang mga naninirahan sa bayan ng Cervantes, Quirino at iba pang kalapit na bayan sa Ilocos Sur, na dinadaluyan palusong ng Mankayan River, gayundin ang mamamayan sa mga kalapit na bayan ng Abra kung saan nagsasanib ang Mankayan at Abra River. Dating mayayabong ang mga sakahan sa gilid ng mga ilog na ito at sa mga kasanga nitong sapa. Subalit tuluy-tuloy na naging tigang ang mga ito. Pinatay ang lupa ng deka-dekadang pagtatapon sa ilog at pag-apaw sa bukirin ng latak ng Lepanto Mines. Ang mga sakahang di na mapakinabangan ay tuluyan nang iniwan ng mga magsasaka.

Nagsampa ang mga magsasaka sa mga lugar na ito ng kaso laban sa Lepanto Mines noon pang maagang bahagi ng dekada �80 subalit ni isang sentimo ay wala silang nakuha mula sa kumpanya. Noon ding 1999, kinumbinsi ng mga magsasaka ang Sangguniang Bayan (SB) ng Cervantes, Ilocos Sur upang magpasa ng resolusyon para imbestigahan ang dam ng Lepanto Mines at patigilin ang ibayong pagpapataas nito. Inendorso rin ng SB ang petisyon ng mga residente ng Mankayan, Cervantes at iba pang mga komunidad sa paligid upang obligahin ang kumpanya na pigilin ang pagguho ng dam.

Noong maagang bahagi ng 2000, nasusuri na ng maraming lider masa sa Mankayan na hindi sasapat kung mananatiling antas komunidad, ispontanyo at hiwa-hiwalay ang pakikibaka ng mamamayan. Sa gayon, sa anibersaryo ng pagguho sa Colalo noong Hulyo 2000, nagdaos ng malawakang asembliya ang mamamayan ng Mankayan para talakayin ang bagay na ito. Nilagom sa asembliya ang mga karanasan ng mamamayan sa pakikibaka at humalaw ng mga aral. Napagkaisahan ang pagbubuo ng pambayang organisasyon para sa paglulunsad ng mas malalaking pakikibaka. Sa gayon, binuo ang Mankayan Leaders� Forum. Mula rito, tuluy-tuloy na naglunsad ang MLF ng saklaw-bayang mga aktibidad. Pinag-uusapan at sinusuri nila ang iba�t ibang taktika ng Lepanto Mines sa iba�t ibang barangay, upang makapagbalangkas ng kontra-taktika. Pinalalaganap nila ang isyu hinggil sa pagmimina sa pamamagitan ng midya at mga porum at nag-iisponsor ng dayalogo sa pagitan ng mga magsasaka at manggagawa sa minahan upang sila�y magkaunawaan at magtulungan sa halip na magtunggalian gaya ng ninanais ng Lepanto Mines. Gumugulong na ang pag-oorganisa ng mga unyon ng mga manggagawa sa loob ng kumpanya at ilang subsidyaryo nito.

Nagmamatigas ang Lepanto Mines na hindi nito kagagawan ang mga pagkawasak sa Mankayan. Bagkus, ito ay isinisisi ng Lepanto Mines sa "di istableng katangian ng kalupaan" ng munisipalidad. Sa kaisa-isang beses na inamin nito ang krimen, tinawag nitong mga "iskwater" sa lupa ng kumpanya ang mga residente ng lumubog na Sityo Pinagayan, Barangay Sapid. Ipinangalandakan pa nito sa midya ang pagbigay ng salapi sa mga biktima, samantalang napilitan lamang naman ito dahil sa mga kilos protesta ng mamamayan.

Ginagamit ng Lepanto Mines ang mga elemento ng AFP at PNP bilang tagapagtanggol ng mga operasyon at imprastruktura nito sa Mankayan. Ang pasukan ng Nayak Twine Decline ay binabantayan ng isang iskwad ng Special Mobile Force ng PNP. Ginugwardyahan naman ng mga militar at CAFGU sa Cabiten ang dam at hinaharas ng mga ito ang mamamayan doon. Nakikipagsabwatan din ang Lepanto Mines sa mga lokal na pulitiko at mga ahensya ng gubyerno upang matiyak ang tuluy-tuloy na operasyon nito sa harap ng umiigting at lumalawak na protesta ng mamamayan.

Kasabay nito, naglulunsad ng kampanyang panlilinlang ang Lepanto Mines sa pamamagitan ng mga "proyektong pangkaunlaran" at pagpapalabas na ito�y maka-kalikasan at may mahusay na ugnayan sa mga residente ng mga komunidad na pinagmiminahan nito.

Subalit hindi napaatras ng mga iskema ng Lepanto Mines ang pakikibaka ng mamamayan laban dito.

Nitong nakaraang Mayo, matagumpay na naipaatras ng MLF sa Sangguniang Bayan ang Resolution 243 na nagpapahintulot sa ibayong pagpapalawak ng Victoria Gold Project sa Mankayan. Nakamit ito sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pagpepetisyon at paggigiit ng mamamayan ng dayalogo sa mga lokal at pambansang upisyal.

Matagal pa bago matapos ang pakikibaka ng mamamayan sa Mankayan at sa paligid nito. Napakarami pang mga pakikibakang dapat nilang salungain at ipagtagumpay. Ngunit bunga ng marami na nilang natamo at naipagtagumpay na maliliit na pakikibaka, malaki ang tiwala ng mamamayan na sa kalauna�y mapagtatagumpayan nila ang dambuhalang nangwawasak sa kanilang lupang ninuno, buhay at kabuhayan.


Ang Lepanto Consolidated Mining Corporation

Ang Lepanto Consolidated Mining Corporation (LCMC o Lepanto Mines) sa Mankayan, Benguet ay isa sa pinakamalalaking imperyalistang kumpanya sa buong bansa. Itinatag ito noong 1936 mula sa kinonsolidang 150 mining claims (pag-aangkin ng karapatang magmina) sa Mankayan ng mga namumuhunan mula sa US, sa pamumuno ng isang malaking prospektor sa pagmimina na si Victor Lednicky. Noong dekada 1980, nahawakan nito ang isang malaking reserbang naglalaman ng 650 milyong toneladang dambuhalang deposito ng tansong porphyry o batong may grado ng 65% ng tanso at 1.33 gramo ng ginto kada tonelada. Bukod sa saklaw nito ngayong 949 ektarya ng Mankayan, may aplikasyon pa ito para sa 2,652 pang ektaryang kunsesyon.

Mula nang itatag, nakahango na ito ng mahigit 743,000 tonelada ng tanso, 92 toneladang ginto, at 390 toneladang pilak. Noong 1995, nadiskubre nito ang napakayamang reserba ng ginto sa Victoria ore body (deposito ng mga batong may mineral) ng Mankayan at sinimulan dito ang Victoria Gold Project. Matapos ang anim na dekadang pagkokonsentra nito sa pagmimina ng tanso, naging pinakamalaking tagapagmina na ito ng ginto sa bansa. Dahil dito, nagarantiyahan ang patuloy na pag-aani nito ng supertubo para sa 25 pang taon.

Kasalukuyang may 2,374 na manggagawa ang kumpanya. Sa halip na gawing regular, kalakhan ng mga manggagawa ay inuupahan mula sa mga ahensyang pang-empleyo. Apat na ahensya ang nagsusuplay ng mga kontraktwal na manggagawa sa Lepanto Mines.

 


Previous articleBack to topNext article

Oktubre 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal: Pag-ibayuhin ang mga rebolusyonaryong pagkilos sa harap ng gerang agresyon ng US at ng tumitinding reaksyon
Ang digmang agresyon ng US sa Afghanistan
Ano ang Northern Alliance?
Tuluy-tuloy ang protesta sa Pilipinas laban sa digmang agresyon at reaksyon
Nagngingitngit na galit laban sa gubyernong US at UK
Mga Ulat Koresponsal: Mga suliranin ng mga magsasaka�t manggagawang bukid sa mga niyugan sa Kabikulan
Mga Ulat Koresponsal: Mga pakikibaka ng mamamayan laban sa Lepanto Mines
Mga Ulat Koresponsal: Rebolusyong agraryo sumusulong sa Cagayan Valley
Mga Ulat Koresponsal: Paglalabas ng Kalatas habang nasa gawaing masa
Sagot sa tuluy-tuloy na atake ng kaaway sa Gitnang Luzon: Puspusang pagtangan at pagpapakahusay sa pakikidigmang gerilya
Pagpaparami at pagpapalaganap ng Ang Bayan: Kumbinasyon ng kilusang masa at paggamit ng modernong teknolohiya
Pananalanta ng pasistang estado: Mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao (Hulyo-Oktubre 2001)
Naghuhuramentado ang mga terorista at mersenaryong AFP at PNP ni Macapagal-Arroyo sa kanayunan:
Pahayag ni Gregorio "Ka Roger" Rosal, Tagapagsalita, Partido Komunista ng Pilipinas

Mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.