![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Pinagtatakpan ni Brig. Gen. Rodolfo Alvarado ang pagkakasangkot ng 5th ID sa illegal logging sa Diden sa hangganang San Mariano-San Guillermo, Isabela. Buong kasinungalingan nitong ipinangangalandakang naroroon ang kanilang tropa upang pigilan ang pagtotroso ng BHB. Sa pahayag na inilabas ni Kasamang Salvador del Pueblo noong Disyembre 8, 2001, sinabi niyang ginagamit ang 5th ID ng malalaking kapitalista sa pagtotroso tulad ng pamilya Dy sa Isabela. Nagsisilbi silang gwardya ng mga sawmill. Tagapagbantay din sila ng mga labasan ng mga troso sa Maconacon, Dinapigue, Masipi, Cabagan at San Mariano sa prubinsya ng Isabela; at sa Rizal, Lasam, Piat, Sto. Ni�o at Baggao sa prubinsya ng Cagayan. Ginugwardyahan nila sa byahe ang mga trak na may kargadang tablon at troso. Limpak-limpak ang kinikita ni Alvarado at ng kanyang mga tauhang kasapakat sa payola mula sa iligal na pagtotroso. Daan-daang libo ang kanilang kinikita sa mga "nakukumpiskang" kahoy. Hindi lingid sa masa na mas mababa kaysa sa aktwal na bilang ng mga kahoy ang iniuulat ng mga tauhan ng 5th ID sa lingguhang programa ng militar sa radyo. Ani Kasamang del Pueblo, "ang New People�s Army ay mahigpit at lubos na nagbabawal sa logging ng malalaking kapitalista at imperyalista sa mga lugar na may sapat nang inabot na lakas sa pulitika at militar ang Partido, Hukbong Bayan at Demokratikong Gubyernong Bayan." Ang tanging pinahihintulutan, aniya, ay ang pagtotroso para sa pagtatayo ng bahay ng mamamayan sa lugar at pambenta ng mga may pangangailangang pangkagipitan. Ang mga ito ay dapat may kaukulang pahintulot ng mga komite ng Partidong may saklaw sa lugar. Ayon din kay del Pueblo, "para sa rebolusyonaryong kilusan, ang kagubatan at kalikasan ay dapat na pangunahing magsilbi sa interes ng mamamayan. Ipinagtatanggol at pinangangalagaan ito alang-alang sa kapakanan, pangangailangan, kaligtasan at kinabukasan ng kasalukuyan at susunod na henerasyon ng masa ng sambayanan." ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|