Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Ulat Koresponsal:
Naglalagablab ang Daba-daba sa Panay

 Read this article in English

Isa sa mga pangunahing pinagtutuunan ngayon ng pansin ng Partido sa gawaing propaganda sa Panay ang episyente at malawakang pagpaparami at pamamahagi ng Ang Bayan (AB) bilang pahayagan ng Partido at ng Daba-Daba bilang rebolusyonaryong pahayagang masa sa isla.

Unang nalathala bilang rebolusyonaryong pahayagang masa sa Northern Panay noong Pebrero 1977, ang Daba-Daba ay ginawang panrehiyong pahayagan noong Hunyo 1981. Mula noon, malalim na umugat ang Daba-Daba sa masa sa isla ng Panay bilang publikasyong nagdadala ng paninindigan at mga panawagan ng rebolusyonaryong kilusan sa maraming isyu.

Lubos na tinangkilik ng masa ang Daba-Daba. Tuwing dumarating ang kanilang kopya, nakahanda na ang nakalaang kontribusyon para sa publikasyon.

Naging pangunahing pinagkukunan din ito ng mga balita at impormasyon tungkol sa mga tampok na mga pangyayari at usapin sa bansa at rehiyon at tungkol sa pag-unlad ng rebolusyonaryong kilusan sa kalunsuran at kanayunan.

Kasabay nito, patuloy na isinasalin, pinararami at ipinamamahagi ang AB sa rehiyon.

Dahil sa impluwensya ng maling linya noong dekada 1980, dumalang ang paglalabas ng Daba-Daba hanggang tumigil ito noong 1987. Muli itong inilathala noong Pebrero 1998, bilang isa sa mga ibinunga sa rehiyon ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto ng Partido.

Sinimulang ilathala ang Daba-Daba tuwing tatlong buwan nang may 12 hanggang 16 pahina. Naglalabas din ito ng mga espesyal na isyu na may apat hanggang anim na pahina na naglalaman ng mga pagsusuri at mga panawagan kaugnay ng maiinit na isyu.

Ngayong taon, alinsunod sa direktiba ng pambansang liderato ng Partido ukol sa mas madalas na paglalabas ng AB, nagpasya ang panrehiyong liderato ng Partido na bigyang prayoridad ang pagpaparami at pamamahagi nito bilang pangunahing pahayagang ipinamamahagi sa rehiyon.

Kaalinsabay nito, pinagpasyahang ilabas ang Daba-Daba bilang rehiyunal na seksyon ng AB. Sa gayon, iniuulat ng Daba-Daba ang mga panawagan at paninindigan ng rebolusyonaryong kilusan tungkol sa mga isyung lokal. Inilalathala rin nito ang mga balita tungkol sa kilusang masa sa kalunsuran at kanayunan ng Panay na hindi sinaklaw ng pagbabalita sa AB.

Inilalathala ngayon ang Daba-Daba batay sa pangangailangan ng rehiyon na pinagpapasyahan ng panrehiyong pamunuan ng Partido. Sa kasalukuyan, dalawang beses na itong nakapagpalabas ng lima hanggang anim na pahinang isyu (Marso 7 at Agosto 21) na nakalakip sa mga regular na isyu ng AB.

May probisyong maaaring panapanahong maglabas ng mga espesyal na isyu. Tinatanaw pa rin ang paglalabas nito nang hiwalay sa AB batay sa pangangailangan at kakayahan.

Pinanatili ang masthead o simbolo ng Daba-Daba upang bigyan ng pagtatangi ang identidad nito bilang panrehiyong pahayagang masa.

Pinanatili rin ang komiks na "Caduy", isang regular na seksyon ng Daba-Daba na popular sa mga mambabasa. "Caduy" ang karaniwang palayaw sa mga batang lalaking taga-Antique.

Sa ganitong kaayusan, napagiisa, nagagawang mas simple at namamaksimisa ang makinarya, mga rekurso at mga pamamaraan ng rebolusyonaryong kilusan sa pagpaparami at pamamahagi ng mga publikasyon ng Partido at ng mga panrehiyong pahayagang masa. Higit nang naitutuon ng istap ng Daba-Daba ang kanilang pansin sa mga panrehiyong usapin at naipapartikularisa sa kalagayang panrehiyon ang pagsusuri sa mga pambansang isyu na lumalabas sa AB.

Nakakatulong din ang pagsisikap ng patnugutan ng AB sa pagdadala ng mga panrehiyong isyu at mga balita sa paraan ng mga koresponsal.

Gayunpaman, may mga suliranin at usaping kinakailangang pagtuunan ng pansin. Isa rito ang pagpapadalas ng paglabas ng Daba-Daba upang mas matugunan ang bumibilis na kumpas ng rebolusyonaryong gawain at ang umiigting na kontra-rebolusyonaryong propaganda ng kaaway sa rehiyon.

Kailangan ding pahigpitin ang koordinasyon ng mga patnugutan ng AB at Daba-Daba at bigyan ng partikular na pansin ang nilalaman ng dalawang pahayagan laluna ang mga balita mula sa rehiyon.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Nobyembre 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Labanan ang kontra-mamamayang maniobrahan ng mga reaksyunaryo

Gubyernong US, negatibo ang pagtaya sa ekonomya ng Pilipinas
Matatagumpay na Opensiba ng BHB:
38 armas nasamsam ng BHB sa mga taktikal na opensiba

Hacienda Luisita, niyayanig ng protesta
Mga Ulat Koresponsal:
Naglalagablab ang Daba-daba sa Panay
Sa Ibayong Dagat:
Mga atake ng mga gerilyang Iraqi sa mga pwersa ng US, tumitindi

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.