![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Ang Mutual Logistics Support Agreement (MLSA) ang pinakabagong katawagan sa Acquisition and Cross Servicing Agreement (ACSA), isang borador na kasunduang itinutulak ng US mula pa noong 1992 subalit hindi pinirmahan dahil sa mariing pagtutol ng mamamayan at maging ng ilang reaksyunaryong pulitiko.
Nang bumisita sa US si Macapagal-Arroyo noong Nobyembre, paspasang binuo nila ni George W. Bush ang MLSA. Noong simula�y inilihim ito sa publiko at pilit na itinanggi ng Malakanyang na may ganitong kasunduan. Ngayong nabunyag na, inilulusot ito ni Macapagal-Arroyo bilang isang simpleng "aregluhan" sa pagitan ng mga kagawaran ng pambansang depensa ng US at Pilipinas. Ayaw nilang tawagin itong kasunduan upang umiwas sa masalimuot na proseso ng pagpapatibay muna sa Senado, ayon sa nakasaad sa reaksyunaryong konstitusyon. Pinirmahan ito ni Gen. Diomedio Villanueva, hepe ng AFP at ni Adm. Dennis Blair, kumander ng US Pacific Command. Ngunit ayon kay Villanueva, pinirmahan nila ito bilang "borador" lamang. Ang patraydor na pagpapatibay ni Gloria Macapagal-Arroyo sa MLSA ay tahasang pagbasura sa tagumpay ng ilang dekadang pakikibaka ng mamamayang Pilipino para patalsikin ang mga base militar ng US. Sa pamamagitan ng MLSA, palihim na ibinabalik ng rehimeng Macapagal-Arroyo sa US ang karapatang magmantine ng mga base militar at tropa sa bansa, kapalit ng kakarampot na ayuda at kagamitang militar mula sa US. Sa ilalim ng MLSA, bibigyan ng "suportang pambase" at hahayaan ang mga sundalo ng US na gamitin ang Clark, Subic at anupamang bahagi ng Pilipinas para sa kanilang mga layuning militar. Mas masahol pa, binibigyang-laya nito ang imperyalismong US na ibayong yurakan ang soberanya ng Pilipinas at panghimasukan ang mga internal na usapin nito sa pamamagitan ng pagtatalaga rito ng mga tropang militar na tutugis sa mga pwersang itinuturing nitong banta sa interes at seguridad ng US. (Tingnan ang kaugnay na artikulo hinggil sa ACSA, "Paggamit sa bansa bilang base militar, patuloy na iginigiit ng US", AB Hulyo 2001) ![]()
| ||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|