Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Singil sa serbisyong tubig, tataas

 Read this article in English

Hindi pagbaba kundi pagtaas ng presyo ng mga batayang serbisyo ang ibubunga ng pribatisasyon ng public utilities. Pinatutunayan ito ngayon ng karanasan sa Maynilad Water Services, ang pribadong kunsesyunaryo na nagseserbisyo sa kanlurang bahagi ng Metro Manila mula nang isapribado ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System noong 1997 sa utos ng IMF. Ang Maynilad Water Services ay magkasosyong pagmamay-ari ng Benpres Holdings Corp. ng mga Lopez at ng Suez des Lyonnaise des Eaux, isang kumpanyang Pranses.

Halos hindi pa natutuyo ang tintang ginamit ni Gloria Macapagal-Arroyo sa paglagda sa Power Reform Act nang pumasok sa isang Memorandum of Cooperation nitong Hunyo 9 ang Malakanyang at ang Maynilad. Nilalaman ng memorandum na ito ang pagtataas nang P5 bawat metro kubiko sa singil sa serbisyong tubig. Katumbas ito ng 73% pagtaas sa batayang singilin sa tubig na P6.58 bawat metro kubiko. Ito na ang pangalawang pagtaas na hiniling ng Maynilad ngayong taon. Noong Enero ay nagtaas ito nang 45 sentimo bawat metro kubiko.

Dahil sa inaning matitinding pagbatikos ng mamamayan sa hakbanging ito, pansamantalang binawi ng Malakanyang nitong Hunyo 13 ang pahintulot sa Maynilad para sa biglaang pagtaas ng singil sa tubig. Pahihintulutan pa rin ang pagtataas ngunit paunti-unti lamang upang umano'y makaiwas sa malakas na pagtutol ng mamamayan.

Samantala, mariing tinututulan ng mga empleyado sa Maynilad ang plano ng maneydsment na kaltasan nang 10% ang sahod ng bawat manggagawa at superbisor at ang pagkansela sa kanilang vacation pay. Nagbanta ang Maynilad na patatalsikin ang mga tututol na empleyado.

 


Previous articleBack to topNext article

Hunyo 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Ilantad at labanan ang mga maka-imperyalista at anti-mamamayang patakaran at hakbangin ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo

Power Reform Act:
Nagbibigay-daan sa higit na dayuhang dominasyon sa ekonomya

Singil sa serbisyong tubig, tataas
Pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo:
Patuloy na pagkakamal ng superganansya ng mga dambuhalang kumpanya ng langis

Pananalanta ng pasistang estado:
Sa ikalawang kwarto ng taon

Mga Ulat Koresponsal:
Tinuligsa, tumitinding militarisasyon sa Oriental Mindoro

Mga Ulat Koresponsal:
Makatarungan ang pagpaparusa kina Mayor Platon at Rep. Punzalan -- Melito Glor Command

Pagsuspinde ng GRP sa usapang pangkapayapaan, binatikos ng NDFP
Bwitre ng Cagayan
Col. Aguinaldo, pinarusahan ng BHB

Hudyat sa pag-iibayo ng pandaigdigang pakikibaka:
Pandaigdigang liga sa pakikibaka ng mga mamamayan, itinatag

Mga balita ng pakikibaka
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.