![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Kinumpiskahan ng BHB ng tatlong armas ang dalawang badigard ni Rep. Jose Solis (2nd District ng Sorsogon) noong Enero 8 sa Barangay Union, Gubat, Sorsogon. Kinumpiska ng mga kasapi ng Romulo Jallores Command (RJC) ang isang Ingram machine pistol, dalawang .9 mm at dalawang cellphone. Ayon kay Ka Jose Buenaobra, tagapagsalita ng RJC, sina Solis, "ay pumasok sa sonang gerilya upang tusong makauna sa pangangampanya." Dahil wala silang pahintulot, mahinahon silang kinumpronta ng BHB. Pero nagtangkang manlaban ang pangkat ni Solis. Tinamaan sa kamay ang isang badigard ni Solis na nagtangkang bumunot ng baril. Si Solis ay dating koronel ng Philippine Army. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|