Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Sabwatang Arroyo-Marcos-Akbayan:
Katarungan para sa mga biktima ng batas militar, hinaharang sa kongreso

 Read this article in English

Kung hindi lalabanan ang mga pakana ng rehimeng Arroyo at sabwatang Marcos-Akbayan sa Kongreso, tuluyan nang mapagkakaitan ng katarungan ang libu-libong biktima ng batas militar.

Marapat lamang ang mariing pagtuligsa ng Samahan ng mga ex-Detainee Laban sa Detensyon at para sa Amnestiya (SELDA), organisasyon ng mga dating bilanggong pulitikal, si Loretta Ann Rosales ng partidong Akbayan at ang pinamumunuan nitong Committee on Civil, Political and Human Rights ng Kongreso dahil sa pagtutulak nito ng House Bill 3315.

Sa pamamagitan ng panukalang batas na ito, binabago ni Rosales ang depinisyon ng pagiging biktma ng batas militar upang matanggal ang nakararami sa listahan ng mga marapat bigyan ng kumpensasyon.

Ang panukala ni Rosales ay kontra-karapatang-tao at hindi kumakatawan sa mga interes ng mga biktima ng batas militar, ayon kay Marie Hilao-Enriquez, pangkalahatang kalihim ng SELDA.

Kung masusunod si Rosales, ang bibigyan lamang ng kumpensasyon ay yaong mga naging biktima habang �mapayapang nagtataguyod ng kanilang mga karapatang sibil at pulitikal�. Tahasan nitong ipinupwera ang mga biktimang lumahok sa armadong pakikibaka o iba pang anyo ng paglaban na posibleng sabihing hindi mapayapa sa panahon ng diktadura.

Gusto rin ni Rosales na bumuo ng isang �independyenteng lupon� para sa pagbabayad-pinsala sa mga biktima. Sa kanyang panukala, sadyang binabalewala ni Rosales ang halos 10,000 biktima ng batas militar na pinamunuan ng SELDA na nanalo sa class action suit sa US Federal Court sa Hawaii noong 1993. Sa kasong ito, iginawad ang $1.2 bilyon sa mga biktima ng tortyur, pamamaslang at pagdukot na responsibilidad ng diktador na si Ferdinand Marcos.

Binabalewala at nilalabag ni Rosales ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL), partikular ang Bahagi III, Artikulo 5 na nagsasaad na "Nirerespeto at sinusuportahan ng dalawang panig ang mga karapatan ng mga biktima ng mga paglabag sa karapatang-tao noong panahon ng rehimeng Marcos, nang may konsiderasyon sa pinal na hatol ng US Federal Court System sa kaso laban kay Marcos..."

Sa panukala ni Rosales, muling sasailalim ang mga biktima sa masalimuot at matagal na proseso ng pagbibigay ng mga apidabit at dokumento upang patunayan ang mga paglabag na dinanas nila sa ilalim ng batas militar.

Malala pa, nais ni Rosales na Malaca�ang ang humirang sa tatlo sa limang myembro ng kanyang �independyenteng lupon�. Isang retiradong hukom ng Korte Suprema ang mamumuno, at hihiranging myembro ang pinuno ng Commission on Human Rights at ang Secretary of Justice. Kalamansi ito sa sugat ng mga biktima, kung tutuusin, dahil dati nang minamaniobra ng rehimeng Arroyo na ibulsa nito ang nakaw na yaman ng mga Marcos, sa halip na ipambayad bilang danyos.

Labis na galit ang nadarama ng mga biktima ng batas militar sa panukala ni Rosales. Sa kabilang panig, tuwang-tuwa naman ang mga Marcos dahil malamang na mabawasan nang mabawasan ang halagang ibabayad nila. Palabo na nang palabo ang pag-asang magawaran ng katarungan at indemnipikasyon ang mga biktima ng tortyur, pagpaslang, pagkawala at iba pang paglabag sa karapatang-tao sa panahon ng batas militar. Kung titingnan ang kasalukuyang antas na inabot ng mga hakbang ng pamahalaan hinggil sa kaso ng mga biktima, masalimuot at dadaan pa sa maraming butas ng karayom ang paglaban ng mga biktima at ng kanilang mga kapamilya.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Pebrero 2005
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Labanan ang mga pasistang hakbang ng rehimeng US-Arroyo

Matatagumpay na TO:
33 sundalo, napatay sa mga opensiba sa Compostela Valley at Isabela

Matatagumpay na TO:
Sa Southern Luzon

Matatagumpay na TO:
Tatlong tropa ng militar, pinatay ng dating mandirigma ng BHB

NAHRA, RPA-ABB:
Mga tagapagsalita ng pasistang rehimen

Sabwatang Arroyo-Marcos-Akbayan:
Katarungan para sa mga biktima ng batas militar, hinaharang sa kongreso
Sabwatang Arroyo-Marcos-Akbayan:
Maniobra ng mga magnanakaw

Kalagayan ng mga manggagawang bukid sa buong kapuluan
Makauring tunggalian sa Hacienda Luisita
Pakikiramay: Alay ng mga makata sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita:
Pagdamay, pakikiisa, paglaban

Sa Ibayong Dagat:
Imperyalistang agresyon sa Middle East
Iran, isusunod na?

Sa Ibayong Dagat:
�Outposts of tyranny� at iba pang katha ng guniguni ni Bush

Sa Ibayong Dagat:
Deklarasyon ng batas militar sa Nepal, tinututulan

Sa Ibayong Dagat:
Umiigting ang armadong pakikibaka sa Colombia

Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.