Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Editoryal:
Agresyong US, BIGUIN

 Read this article in English

Ang bantang agresyong militar ng US ay tanda ng lalong pagkabulok ng naghaharing sistema

Agresyong US, BIGUIN!

Kasabay ng pang-uupat ng gerang agresyon ng US sa Iraq, walang tigil ang mga maniobra at pakana ng sabwatang US at papet na rehimeng Macapagal-Arroyo upang lalong palalain ang panghihimasok militar ng US laban sa rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas.

Sa harap nito, lalong lumalakas ang pagtutol at paglaban ng mga rebolusyonaryong pwersa at mamamayan. Kasabay ito sa lumalawak na pagtutol ng mamamayan sa Pilipinas at buong daigdig laban sa balak na pagsalakay ng US sa Iraq.

Bunsod ng malawakang pagtutol, buong-kahihiyang napaatras ang Malakanyang at US sa unang plano nitong papasukin nitong Pebrero ang mga tropang Amerikano sa Sulu, gamit ang Balikatan 03-1 at sa ngalan ng paglaban sa Abu Sayyaf.

Sa harap nito, bumuo ng isang iskema ang US State Department at Malakanyang upang lunurin ang mga sigaw ng pagtutol sa todo-todong teroristang digma at laban sa deployment ng mga tropang Amerikano. Pinagkaisahan ang planong ito ni Gen. Angelo Reyes at Defense Secretary Donald Rumsfeld ng US.

Upang palabasing kinakailangan ang pagpapaigting ng digma at ang �tulong ng Amerika,� naghahasik ngayon ang AFP ng isang madugong kampanya ng teror kasabay ng pampulitikang kampanya upang palabasing kailangan ang tulong ng US.

Kabilang sa pakanang ito ang pagpapasabog sa Davao International Airport noong Marso 4, na ikinamatay ng mahigit 20 inosenteng sibilyan at ikinasugat ng mahigit 100 pa. Kagyat pagkatapos nito, mabilis na pinaratangan ng AFP ang MILF at BHB. Mabilis ding nag-alok ng �tulong� ang US na tinugon naman ng koro ng AFP at mga pulitikong sumasamong papasukin ang mga tropang Amerikano.

Matagal nang kating-kati ang rehimeng Macapagal-Arroyo at amo nitong imperyalismong US na tuwirang ituon ang mga pwersang US laban sa rebolusyonaryong kilusan. Mismong si Macapagal-Arroyo ang unang naggiit na ilunsad ang Balikatan 03-1 sa Timog Katagalugan, kung saan matitingkad ang tagumpay ng rebolusyonaryong kilusan. Ang inianunsyong balak na isagawa ang Balikatan 03-1 sa Mindoro Occidental ay maaaring ituring na isang akto ng probokasyon ng mga dayuhang tropa sa rebolusyonaryong kilusan.

Sa kasalukuyan, mayroong di kukulangin sa 1,300 interbensyunistang tropang Amerikano na nasa iba�t ibang bahagi ng Pilipinas para sa umano�y mga pagsasanay. Subalit ang talagang pangmatagalang layunin nila ay maghanda para sa tuwirang pagsabak sa digmang kontra-gerilya laban sa BHB at MILF.

Isa sa mga posibilidad na pinagpaplanuhan ng US at ng papet nitong rehimen ay ang paglulunsad ng malakihang agresyong militar na katulad noon sa Vietnam. Sa harap ng patuloy na paglawak at paglakas ng rebolusyonaryong kilusan, nagmamadali ang reaksyunaryong rehimen na paigtingin ang digma. Desperado ito sa tulong at tuwirang paglahok ng militar ng US.

Hirap na hirap ang sabwatang Bush-Arroyo na isagasa ang kanilang mga plano para sa pagpapatindi ng interbensyong militar ng US sa harap ng lalong lumalakas at lumalawak na pagtutol dito.

Ang unang planong tuwirang ideploy sa kombat sa Sulu ang mga tropang Amerikano ay mariing tinuligsa ng iba�t ibang sektor, mga senador at kongresista. Idineklara itong �pinakaimbing anyo ng pagtataksil� ng rehimeng Macapagal-Arroyo. Hindi mabigyan ng katanggap-tanggap at ligal na batayan ang pagsabak sa kombat ng mga tropang Amerikano kahit pa gamiting dahilan ang gera laban sa Abu Sayyaf.

Tinuligsa rin ito ng mamamayan ng Sulu. Sinariwa nito ang mga alaala ng malupit na karahasang sinapit ng mamamayan sa isla sa kamay ng mga mapanakop na tropang Amerikano noong 1901 at muling nagtaas ng kanilang kamulatan laban sa dayuhang pananakop.

Nakahanda ang mamamayan at rebolusyonaryong kilusan na labanan ang mga hakbangin tungo sa tuwirang armadong agresyon ng US sa Pilipinas. Hindi matatakot ang mamamayan at rebolusyonaryong kilusan sa banta ng isang nabubulok na rehimen at ng imperyalistang lugmok sa krisis. Sa iba�t ibang bahagi ng Mindanao, nakahanda ring ubos-kayang lumaban ang mamamayang Moro. Ang mga tropang Amerikanong manghihimasok sa Sulu, anila, ay pagbabayarin sa kanilang mga utang na dugo.

Ang rebolusyonaryong kilusan, higit kailanman, ay mabilis na sumusulong at lumalakas. Upang biguin ang imbing pakana ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo, handa nitong suungin ang lahat ng larangan ng pakikibaka: armado at di armado, ligal at iligal, hayag at lihim, sa kanayunan at kalunsuran, sa loob at labas ng bansa.

Ang paglala ng interbensyong militar at ang lumalaking panganib ng tahasang agresyong militar ng US ay tanda ng malaking ibayong pagsahol ng bulok na malakolonyal at malapyudal na sistema.

Lalabanan ng mamamayan at rebolusyonaryong kilusan ang bawat pakana ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo na ipatupad at palawakin ang panghihimasok-militar ng US. At sakaling tuwirang maipatupad ang agresyong militar, ubos-kaya itong lalabanan hanggang maitaboy ang mga mapanalakay na tropang Amerikano.

 


 Back to topNext article

07 Marso 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Agresyong US, BIGUIN
Mula sa Komite Sentral
AB, dalawang beses bawat buwan

Usapang pangkapayapaan, ibinasura na ng GRP
Gerilyang digma laban sa AFP, inilunsad ng MILF
Ilang tampok na tagumpay sa paglalahathala ng AB
Lumalaking sagka
Pandaigdigang pagtutol sa gera
100,000, nagrali sa Luneta
Galamay ng US
Matatagumpay na opensiba ng BHB:
Sunud-sunod na mga opensiba, inilunsad ngayong Pebrero

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.