Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

National Socio-Economic Summit: Higit pang pasismo at pagtatali ng Pilipinas sa neokolonyalismo [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]

 Read this article in English

Isang hudyat para sa ibayong pasismo at lalong pagsuko ng kasarinlang pang-ekonomya ng Pilipinas ang National Socio-Economic Summit na ipinatawag ni Macapagal-Arroyo nitong Disyembre 10. Tinipon dito ang mga pangunahing burukrata, teknokrata, kinatawan ng malaking burgesyang kumprador at lider ng mga dilawang unyon para diumano'y tukuyin at pagkaisahan ang solusyon sa krisis ng ekonomya. Ginamit ang pinagarbong okasyon upang palaganapin ang walang batayang optimismo sa hinaharap ng ekonomya ng Pilipinas.

Subalit wala itong inialok na bago. Inulit at sinagad lamang ang dati nang mga patakarang gumigipit sa mamamayan at naglalagay sa ekonomya sa kasalukuyang lugmok nitong katayuan. Sinikap nitong buuin ang konsensus sa pagpapataw ng mga patakaran at batas na ibayong magtatali sa Pilipinas sa neokolonyal na katayuan nito. Kabilang dito ang panukalang batas para sa ibayo pang pribatisasyon at denasyunalisasyon ng mga empresa sa Pilipinas, pag-endorso sa mga grupong vigilante at iba pa.

Para sa mamamayang Pilipino, laluna para sa masang manggagawa at magsasaka, walang ihahatid na anumang kaginhawaan, o panandaliang kaluwagan man lamang, ang mga resolusyon ng Economic Summit. Walang ibang ihahatid ang mga patakarang nais na patuloy na ipataw ng rehimeng Macapagal-Arroyo sa bansa at sa mamamayan, kundi ibayong disempleyo, mas matinding pagsasamantala sa mga manggagawa, mas malawak na dislokasyon sa kanayunan, kagutuman at pang-aapi sa mamamayang matagal nang hirap at api.

 


Previous articleBack to topNext article

Disyembre 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal: Isang taon ng pagpapahirap at pagmamalupit sa mamamayan
National Socio-Economic Summit: Higit pang pasismo at pagtatali ng Pilipinas sa neokolonyalismo [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Special Purpose Assets Vehicle: Pagsagad sa neokolonyal na katayuan ng Pilipinas [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Pambansang badyet para sa 2002: Pondo para sa pasismo at pagpapakatuta [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Krisis sa ekonomya: Ilang mahahalagang datos [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Ang salamangka sa datos sa disempleyo [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Resesyon sa US, Japan at Germany: Krisis sa mga sentro ng kapitalismo [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Danding Cojuangco namamayagpag pa rin: Nakapamamayagpag pa rin si Danding sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo
Kasunduang SMC-Kirin: Maniobra para konsolidahin ang kontrol ni Danding sa SMC
Pinakamalaki sa kasaysayan ng papet na republika: Danding, nangangamkam ng lupa sa Isabela
Mga Ulat Koresponsal: Rebolusyong agraryo, umaani ng tagumpay sa Isabela
Mga Ulat Koresponsal: Ka Haren at Ka Baste: Rebolusyonaryong kagitingan sa harap ng kaaway
Mga Ulat Koresponsal: Paglilinaw hinggil sa kalagayan ng mga bihag ng digma sa Dulong Timog Mindanao
Pananalanta ng pasistang estado: Labing-isang buwang kalbaryo ng militarisasyon sa kanayunan
Sa suporta ng imperyalismong US: Pinaiigting ang pananalakay ng Israel sa mamamayang Palestino
Bunsod ng napakalubhang krisis: Pag-aalsa, sumiklab sa Argentina
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.