Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Hacienda Luisita, niyayanig ng protesta

 Read this article in English

Mahigit 300 manggagawang bukid mula sa Hacienda Luisita sa Tarlac ang nagpiket sa harap ng Department of Agrarian Reform sa Quezon City mula nitong Oktubre 28 upang igiit ang pagbasura sa stock distribution option (SDO) sa ilalim ng iskemang non-land transfer ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Pinangungunahan ang pagkilos ng Alyansa ng mga Manggagawang-Bukid sa Hacienda Luisita (AMBALA).

Ang SDO ay isang iskemang niluto ng rehimeng Aquino noong 1987. Layunin dito ni Pres. Corazon Cojuangco Aquino na ilibre ang 6,453-ektaryang Hacienda Luisita, na pag-aari ng kanyang pamilya, sa pamamahagi ng lupa sa ilalim ng CARP. Sa halip na lupa ang ipamahagi sa mga manggagawang bukid, ipinamahagi sa ilalim ng iskemang SDO ang mga sapi ng korporasyon sa mga manggagawang bukid na mapanlinlang na itinuring na kabilang sa mga may-ari ng asyenda.

Sa pamamagitan ng mga dagdag na maniobra, lalo lamang pinahihigpit ng SDO ang monopolyo at kontrol ng mga Cojuangco sa malawak na lupaing malaon nang sinasaka ng mga ninuno ng mga manggagawang bukid. Ayon kay Ben Pampoza, tagapangulo ng AMBALA, nakasaad sa kasunduan hinggil sa mga sapi sa asyenda na ibibigay ang P118-milyon sapi sa mga benepisyaryo taun-taon sa loob ng 30 taon. Subalit aniya, ang halagang ito ay 33.29% lamang ng kabuuang pag-aari ng Hacienda Luisita, Inc. (HLI). Ibig sabihin, hawak pa rin ng mga Cojuangco ang 66.7% ng mga sapi at ang absolutong kontrol sa mga corporate farm. Ang 33.29% ng sapi na para umano sa mga manggagawang bukid ay katumbas lamang ng 1,633 ektarya mula sa kabuuang 6,431 ektarya ng asyenda.

Bukod rito, ang mga dibidendo na ipinamamahagi umano sa mga manggagawang bukid ay nakabatay sa mga araw na itinrabaho nila sa mga sakahan at hindi sa kabuuang tubo ng korporasyon. Mula sa pagkwentang ito, P200 lamang bawat taon ang natatanggap ng mga api at pinagsasamantalahang manggagawang bukid.

Noong nakaraang buwan, binoykot ng AMBALA, mga regular na manggagawa at superbisor sa Central Azucarera de Tarlac (CAT) at ng mga manggagawang bukid ang eleksyon para sa mga representante sa board of directors ng HLI. Dahil sa boykot, 15.77% lamang ng 55.418 milyong sapi ng 6,296 manggagawang bukid na umano'y benepisyaryo ng SDO ang nagamit sa botohan. Ayon kay Pampoza, sinalamin ng resulta ng eleksyon ang sentimyento ng mga manggagawang bukid sa asyenda. Aniya, habang nabubuhay sa luho ang pamilyang Cojuangco, ang mga pamilya naman ng mga manggagawang bukid ay dumaranas ng labis na kahirapan.

Bukod sa HLI at CAT, kabilang sa mga kumpanyang pinagkukunan ng milyun-milyong pisong kita ng mga Cojuangco ang Tarlac Development Corp.; Jose Cojuangco & Sons, Inc.; Luisita Marketing Corp. at Tarlac Distillery Corp.

Ang asyendang ipinagmayabang ng dating pangulong Aquino bilang modelo ng kanyang CARP sa halip ay naging modelo ng malawakan at walang kahiya-hiyang pagpapasasa sa lupaing dapat ay pinakikinabangan ng mga manggagawang bukid. Wasto lamang na ibayong patatagin ng mga manggagawang bukid mula sa Hacienda Luisita ang kanilang hanay upang ibayong maisulong ang kanilang laban para sa tunay na reporma sa lupa.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Nobyembre 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Labanan ang kontra-mamamayang maniobrahan ng mga reaksyunaryo

Gubyernong US, negatibo ang pagtaya sa ekonomya ng Pilipinas
Matatagumpay na Opensiba ng BHB:
38 armas nasamsam ng BHB sa mga taktikal na opensiba

Hacienda Luisita, niyayanig ng protesta
Mga Ulat Koresponsal:
Naglalagablab ang Daba-daba sa Panay

Sa Ibayong Dagat:
Mga atake ng mga gerilyang Iraqi sa mga pwersa ng US, tumitindi

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.