![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Mula sa kontribusyon ng PKP sa Ika-6 na Kumperensya ng Pandaigdigang Kumperensya ng mga Marxista-Leninistang Partido at Organisasyon: "Sa ilang aspeto, tayo ay nasa panahong kahalintulad ng panahon bago ang Unang Digmaang Pandaigdig at Rebolusyong Oktubre. Ngunit muling inuudyok ng krisis pang-ekonomya at panlipunan ng kapitalistang sistema, sa paraang wala pang kapantay, ang mga kontradiksyon sa pagitan ng mga imperyalista at aping mamamayan, sa pagitan ng monopolyo burgesya at ng proletaryado sa mga imperyalistang bansa at sa hanay mismo ng mga imperyalistang kapangyarihan." "Walang mga bagong kundisyon na nagpapahiwatig sa posibilidad na maaagaw ng proletaryado sa mga imperyalistang bansa ang kapangyarihan nang walang armadong rebolusyon at nang wala ang mga kundisyon ng inter-imperyalistang digmaan at mga antiimperyalistang digmang mapagpalaya sa mga atrasadong bansa." "Iilan pa rin lamang ang mga Marxista-Leninistang partido na naglulunsad ng digmang bayan. Ngunit kung wala sila, halos wala na ring magiging tunay na pundasyon ang pag-asa ng mamamayan para sa pagbabagsak ng mga imperyalista at lokal na reaksyunaryo at paglayon ng demokrasyang bayan at sosyalismo." "Natututo silang lumaban sa pamamagitan ng paglaban. Hinihingi sa kanila ng buhay-at-kamatayang pakikibaka na pukawin, organisahin at pakilusin ang sambayanan at itatag ang Partido, ang hukbong bayan at nagkakaisang prente. Kapag nagkakamali, maaaring magtuwid sa pamamagitan ng napapanahong pagpuna at pagpuna-sa-sarili at sa pamamagitan ng komprehensibo at malalim na kilusang pagwawasto." "Habang iniiwan natin ang ika-20 siglo �, sa pangkalahatan, nakatitiyak tayong higit na malalaking laban at higit na malalaking tagumpay ang naghihintay sa proletaryado at mamamayan sa ika-21 siglo." "Mahalaga ang mga pandaigdigang kumperensya at seminar ng mga Marxista-Leninistang partido at mga kilusang manggagawa upang tanglawan ang landas ng pagsulong ng pandaigdigang proletaryong rebolusyon at para sa pagpapahigpit ng koordinasyon ng mga rebolusyonaryong pakikibaka ng mga nagsasariling Marxista-Leninistang partido." ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|