![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Sinalubong ng protesta ng mga militanteng organisasyon at mamamayan ang abereyds na 42.25 sentimong pagtaas sa presyo ng bawat litro ng langis noong huling linggo ng Mayo. Nagpiket sa tapat ng upisina ng Petron, Caltex at Shell sa Makati ang mga militanteng organisasyong masa noong Mayo 25 upang igiit ang pagrolbak ng presyo ng langis, ipahayag ang masahol na epekto nito sa kanilang kabuhayan at ilantad ang pagpapakatuta ng gubyerno sa mga imperyalista. Ang Petron, Caltex at Shell ang tatlong pinakamalalaking kumpanya ng langis sa Pilipinas. Bunga ng pinakahuling pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas din nang 5-10% ang presyo ng mga bilihin tulad ng bigas, asukal, mantika at iba pa. Upang makaagapay sa pagbulusok ng kanilang kabuhayan, iginigiit ng mga manggagawa at kawani ang pagpapataas ng kanilang sahod. Gayundin, hinihiling ng mga drayber ang pagtataas ng pamasahe. Subalit sa halip na tugunan ang kahilingan ng masang anakpawis, lalo pang binibigyang-laya ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang mga kumpanya ng langis. Bago matapos ang Hunyo, nakatakdang muling itaas nang 90-96 sentimo bawat litro ang presyo ng gasolina. Ganid sa tuboPalasak na katwiran ng mga kumpanya ng langis na kailangan nilang magtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo upang bawiin ang umano'y nalugi sa kanila noong mga nakaraang buwan. Ngunit inaamin mismo ng tatlong higanteng kumpanya ng langis na kumita sila ng P6.7 bilyon noong taong 2000. Ang Shell, na pinakamalaki sa tatlo, ay nagkamal ng P270 milyon. Noong Nobyembre 2000, ang pandaigdigang presyo ng langis ay may abereyds na $30.32 kada bariles. Noong Disyembre 2000, bumagsak ang pandaigdigang presyo sa $21.65 kada bariles (o $8.67 pagbaba). Subalit noong Enero lamang ibinaba ng tatlong higanteng kumpanya ang presyo ng langis nang P0.50 bawat litro lamang, sa bisa umano ng pakiusap ni Estrada sa kanila. Sa kabila nito ay nagkamal pa rin ng superganansya ang mga monopolyong kumpanya sa langis dahil bukod sa pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan noong Disyembre 2000, pansamantalang inalis ni Estrada ang tatlong porsyentong (3%) taripa na obligadong bayaran ng sinumang importer ng mga produktong petrolyo. Pagtatanggol sa pagsasamantalaPansamantalang pinigilan ang pagtaas ng presyo ng langis mula Pebrero hanggang matapos ang eleksyon noong Mayo 14 sa layuning suportahan ang pagsisikap ng bagong rehimen at naghaharing sistema na makapagkonsolida matapos dumanas ito ng kombulsyon noong Enero. Ngayong may inabot nang isang antas ng konsolidasyon ang bagong rehimen, todo na ang pagtataguyod ni Macapagal-Arroyo sa batas sa deregulasyon na sumusuhay sa malalaking kumpanya ng langis na walang rendang magtaas ng presyo ng kanilang produkto. Pipigain nila nang husto ang dugo at pawis ng sambayanang Pilipino magkamal lamang sila ng dambuhalang tubo. Kung paanong walang renda ang mga kumpanyang ito sa pagtaas ng presyo ng kanilang produkto na ibayong nagpapahirap sa sambayanan, siya rin dapat ang determinasyon ng mamamayan sa paglaban. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|