![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Mayroong dalawang pangunahing grupo sa Darfur na humahamon sa gubyerno ng Sudan. Ang mga ito ay ang Sudanese Liberation Army (SLA) at ang Justice and Equality Movement (JEM). Nilalabanan ng SLA ang diskriminasyon at pang-aapi ng gubyerno sa mga Darfurian at pagkampi nito sa minoryang populasyong Arabo ng Sudan. Matagal nang may tensyon sa Darfur hinggil sa lupa sa pagitan ng mga Arabong nomadic at ng mga magsasakang Itim. Noong Abril 2003 ay sinalakay ng SLA at JEM ang ilang instalasyong gubyerno sa Darfur. Dahil sa matinding kahihiyang tinamo ng gubyerno ni Pres. Omar al-Bashir sa pag-atake ng mga rebelde, naglunsad ito ng ganting-salakay. Subalit hindi ang SLA at JEM ang inatake nito kundi ang mamamayan sa Darfur. Bukod sa pambobomba ng mga eroplano, pinakikilos ng gubyerno ang mga milisyang Arabong tinatawag na Janjaweed. Kilala ang Janjaweed sa pagpapatupad ng patakarang "scorched earth" o panununog sa mga pamayanan at pagtataboy sa mamamayan sa lugar. Pinapatay nila ang kalalakihan, ginagahasa ang kababaihan, ninanakaw ang mga ari-arian at sinusunog ang buu-buong kabahayan. Ayon sa mga pagtaya, umaabot na sa 50,000 mamamayan ang napapatay. Umaabot naman sa dalawang milyong Darfurian, mula sa tinatayang populasyon nitong 6 milyon, ang nagsilikas. Ang 125,000 nito ay nagsipunta sa kanugnog na bansang Chad. Kulang na kulang sa pagkain, tubig at gamot ang mga nagsilikas. Sa ngayon, 20% ng batang refugee ay biktima ng malnutrisyon. Marami sa kanila ang namamatay sanhi nito at ang iba naman ay dahil sa mga sakit tulad ng diarrhea. Kahit sa mga kampong pinuntahan ng mga nagsilikas, umaali-aligid ang mga myembro ng Janjaweed at pinapatay ang kalalakihan at ginagahasa ang kababaihang napapalayo dahil sa pag-iigib o paghahanap ng panggatong. Nitong nakaraang mga linggo, sa halip na lusawin ang Janjaweed, tinatanggap ng gubyerno ni al-Bashir ang mga elemento nito sa grupong paramilitar na Popular Defence Force (PDF) at sa pulisya. Sangkot din ang PDF sa panggugulo sa mamamayang Darfurian. ![]()
|
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|