Danding Cojuangco, kinasuhan ng mga magniniyog
Sinampahan ng mga magniniyog ng kasong pandarambong si Eduardo �Danding� Cojuangco sa Office of the Ombudsman nitong Nobyembre 13. Pangunahing laman ng kaso ang paggamit ni Danding sa P130 bilyong pondong coco levy sa pagbili ng mga sapi sa First United Bank (FUB) noong 1975.
Inihapag ng mga magniniyog ang kaso sa pangunguna ng mga organisasyong Pinag-isang Lakas ng Magbubukid sa Quezon at Bicol Coconut Planters Association Inc. Kabilang din sa mga kinasuhan sina Juan Ponce Enrile na noo�y tagapangulo ng Philippine Coconut Authority (PCA) at Maria Clara Lobregat na noo�y isang direktor ng ahensya.
Isinasaad sa reklamo na binili ng mga akusado noong 1975 ang 72.2% ng authorized capital stock ng FUB, ngayo�y United Coconut Planters Bank. Pinabayaran ito sa PCA at kalauna�y kinubra mula sa pondong coco levy. Inilagay sa ngalan ng PCA ang 64.98% mula sa nabiling mga sapi para diumano sa pakinabang ng mga magniniyog. Ang natitirang 7.2% ay inangkin ni Cojuangco.
Ayon kay Atty. Jobert Pajilda, abugado ng mga magniniyog, �...naniniwala kaming si Cojuangco at ang iba pang akusado ay patuloy na nandarambong dahil patuloy nilang pinakikinabangan ang mga iligal nilang gawa noon.� Kaya may batayan ang isinampang kaso bagamat ang Plunder Law ay kaaapruba lamang at hindi aplikable sa mga krimeng ginawa bago ito naisabatas.
Bago ito, umapila ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa Sandiganbayan noong Nobyembre 4 na baligtarin ng hukuman ang desisyon nito kamakailan na nagpapawalambisa sa pagkakasekwester sa mga sapi ni Cojuangco sa San Miguel Corporation.
Ayon sa KMP, kagyat na dapat resolbahin ng korte ang usapin at baligtarin ang desisyon upang hadlangan ang sabwatang dambungin ang pondong coco levy.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|