|
Maikling bidyo
Noong Marso 2003, ginawa ng mga kasama sa Panay ang isang maikling pelikulang Panait sang Tumanduk. Sa salitang Kinaray-a, ang ibig sabihin nito ay ritwal ng mga awitin at sayaw ng mga Tumanduk para sa ulan at masaganang ani.
Tinatalakay sa mahigit 20 minutong bidyo kung paano matagumpay na napagkaisa ang mga Tumanduk sa hangganan ng Aklan-Capiz-Iloilo laban sa pangangamkam ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army sa 33,310 ektaryang lupaing minana pa ng mga Tumanduk mula sa kanilang mga ninuno.
Binalikan nito ang epikong bayan ng Panay tungkol sa pakikihamok ni Labawdungon sa mga banyaga. Humantong ang pagsasalaysay sa pagsisimula ng gawaing pag-oorganisa ng BHB sa mga Tumanduk at kung paanong mula 1973 hanggang sa kasalukuyan ay itinuring nang katuwang ng mga Tumanduk ang BHB sa pakikibaka para bawiin ang kanilang lupang ninuno.
Patunay ng mahigpit na pagkakaisa ng mga Tumanduk at ng BHB ang pag-unlad ni Ka Bob (Ismael Giganto), mula sa pagiging kabataang aktibistang Tumanduk na nakikipaglaban para sa karapatan sa lupa ng kanilang tribo hanggang sa pagiging responsableng kadre ng Partido at Pulang kumander ng BHB. Namartir si Ka Bob sa isang matagumpay na ambus laban sa SOT ng Task Force Panay noong Pebrero 2003.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 21 Hulyo 2004 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|