|
|
Otsenta porsyento (80%) ng mga manggagawa sa TI ay babae. Malakas ang diskriminasyon at sekswal na pang-aapi sa mga manggagawang babae. Habang ang kalalakihan ay karaniwang may mas matataas na pusisyon (mga manedyer, enhinyero, teknisyan, superbisor, atbp.), ang mayorya ng kababaihan ay mga sahurang manggagawa. Kaya ganito ang hatian ng trabaho, ayon sa kumpanya, ay dahil "pambabae ang trabahong pag-oopereyt ng maselang makina." Madalas na dumaranas ang mga manggagawang babae ng sekswal na harasment mula sa mga namamahalang lalaki, kabilang ang pagpapatupad ng di-nakasulat na patakarang "lay-off or lay-down" na siyang nagiging batayan para sa pananatili sa trabaho o mga promosyon. Rekisitos ng kumpanya sa mga kinukuhang manggagawa na silay mga bata pa, at kung babae ay walang asawa, sa pag-asang hindi kaagad sila mabubuntis. Malupit ang kumpanya laluna sa mga nabubuntis na animoy nagkasala at pinarurusahan sa pamamagitan ng paglilipat sa kanila sa Symbol Department, kung saan nakalalanghap at nakahahawak sila ng mas mabagsik at mas mapanganib pang mga kemikal na nakasasama sa kanilang kalagayan at sa magiging supling nila. Sadyang walang suportang sistema para sa mga nanay na nagpapasuso pa ng anak. Hindi rin naglalaan ang kumpanya ng mga pasilidad para sa pag-aalaga sa bata tulad ng mga day care center at narseri.
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|