Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pagpapatalsik kay Macapagal-Arroyo iginiit nitong Mayo Uno

 Read this article in English

Iginiit ng mga militanteng organisasyong manggagawa ang pagpapatalsik sa rehimeng Macapagal-Arroyo sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa at pagdiriwang ng sentenaryo ng pagkakatatag ng kilusang manggagawa sa Pilipinas nitong Mayo 1. Humigit-kumulang 75,000 ang lumahok sa mga raling pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) sa buong kapuluan. Tinuligsa nila si Macapagal-Arroyo bilang pangunahing kaaway ng uring manggagawa at ng sambayanan. Idineklara ng BAYAN na ang kilos protesta sa Mayo 1 ang "simula ng katapusan" ng rehimen ni Macapagal-Arroyo.

Sa Metro Manila, umabot sa 37,000 manggagawang kaanib ng KMU ang nagtipon sa Mendiola, kabilang ang mga delegasyon mula sa Timog Katagalugan at Gitnang Luzon.

Sa Bacolod City, mga 10,000 manggagawa sa ilalim ng KMU-National Federation of Sugar Workers ang nagrali sa sentro ng lunsod.

Sa Bukidnon, 6,000 manggagawa, na karamihan ay mga nagtatrabaho sa tubuhan at myembro ng BAYAN, ang matagumpay na nagrali sa Valencia City sa kabila ng harasment sa kanila ng militar.

Sa Bikol, libu-libong manggagawa at iba pang sektor ang nagsitipon sa mga lunsod ng Naga (5,000) at Legazpi (3,000). Nakiisa sa mga manggagawa ang mga organisasyon ng magsasaka, kawani ng gubyerno, drayber at iba pa.

Sa Leyte, umabot sa 5,000 ang nagrali sa mga lunsod ng Tacloban, Ormoc at Maasin at anim pang lunsod sa isla.

Sa Cebu City, 3,000 myembro ng KMU, BAYAN at GABRIELA ang nagrali sa may Metro Gaisano junction road. Nagwelga rin nang kalahating-araw ang mga drayber ng pampublikong sasakyan.

Sa Iloilo City, may 3,000 ring kasapi ng KMU, BAYAN at ng National Priests Organization ng Iglesia Filipina Independiente ang nagtipon sa Barangay Lapuz Norte sa La Paz, kung saan itinatag noong 1929 ang militanteng Federacion Obreras de Filipinas (FOF). Pinarangalan sa rali si Jose Ma. Nava, ang tagapagtatag ng FOF.

Sa Davao City, libu-libong militanteng manggagawa ang hinarang nang tangkain nilang magmartsa patungo sa Matina campus ng University of Mindanao, kung saan nagtatalumpati si Macapagal-Arroyo sa harap ng mga lider at myembro ng mga dilawang unyon. Inilunsad nila ang kanilang pamamahayag sa kalapit na Ateneo de Davao.

Sa Baguio City, daan-daang myembro ng KMU at Cordillera People's Alliance ang naglunsad ng martsa-rali sa Session Road.

Sa Timog Katagalugan, nagrali ang daan-daang manggagawa sa Lucena City at sa may Cavite Export Processing Zone.

Sa Gitnang Luzon, nagmartsa ang mga manggagawa patungong Clark Air Base sa Pampanga.

 


Previous articleBack to topNext article

Mayo 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Paghandaan at labanan ang tuluy-tuloy at papataas na antas ng interbensyong militar ng US sa Pilipinas

Panghihimasok ng imperyalismong US
Walang habas na paglabag sa karapatang-tao sa Sulu
Usapang pangkapayapaan, isinara ng rehimen
Samantalahin ang tumitinding mga hidwaan ng mga reaksyunaryo
Tungkol sa planong Constitutional Convention
Langis, Kuryente, Tubig:
Protesta ng mamamayan sa pagtataas ng presyo at singil

Pagpapatalsik kay Macapagal-Arroyo iginiit nitong Mayo Uno
Mga pagkilos sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa
Rebolusyonaryong armadong pakikibaka sa Nepal
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.