Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Operasyong militar sa panahon ng tigil putukan:
230 pamilyang Aeta nagsilikas

 Read this article in English

Nagsilikas mula noong Disyembre 10 ang 230 pamilyang Aeta mula sa kanilang mga tahanan sa hangganan ng Zambales at Pampanga upang umiwas sa matitinding operasyong inilulunsad ng 24th IB at 69th IB. Inilunsad ang mga operasyon labag sa tigil-putukan na idineklara ni Gloria Arroyo mula Disyembre 10, 2003 hanggang Enero 6, 2004.

Noong Disyembre 15 ay nagsimulang magkampo ang mga katutubo sa labas ng kapitolyo ng Pampanga upang igiit ang pag-atras ng nag-ooperasyong militar at ang pagbuwag sa lahat ng detatsment sa lugar. Ang aksyong masa ay inorganisa ng Central Luzon Aeta Association (CLAA) at suportado ng Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon at ng partidong Anakpawis.

Ayon kay Nelson Mallari, tagapangulo ng CLAA, ang mga lumikas na Aeta ay mula sa mga sityo ng Balangkas, Sentro at Barsola sa Barangay Kamias, Porac at Barangay Nabuklod, Floridablanca. Inoperasyon ang naturang mga lugar habang nasa kasagsagan ang mga Aeta ng pag-aani ng palay.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Disyembre 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Bagong programang amnestiya ng rehimeng Arroyo

Isa na namang pagtraydor sa mamamayan

Usapang NDFP-GRP
Wala pa ring kaisahan

Paglabag sa mga karapatang pangmanggagawa
General Agreement on Trade in Services
Ibayong pagsasamantala, ibayong pahirap

Operasyong militar sa panahon ng tigil putukan:
230 pamilyang Aeta nagsilikas
Mga Ulat Koresponsal
Christians for National Liberation

Lumalakas, sumusulong

Mga Ulat Koresponsal
Radyo Gil-ayab sa Cagayan

Dagdag na armas sa gawaing edukasyon, propaganda at kultura

Pagtatanghal ng kambal-dula
Pagsasabuhay sa makauring kultura at sa diwa ni Gat Amado

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.