![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Isang M60, isang M203, dalawang M14 at dalawang M16 ang nasamsam ng mga Pulang mandirigma ng Arnulfo Ortiz Command ng BHB nang lipulin nila ang isang anim-kataong tim mula sa 62nd IB sa isang ambus sa pagitan ng Barangay Canilungan at Barangay Hindang sa Calbiga, Samar nitong Abril 8. Pabalik ang mga sundalo sa kanilang kampo matapos dumalo sa pista sa baryo sa kalagitnaan ng kanilang operasyong militar. Kabilang sa mga napatay si Lt. Williamson Tan, ang lider ng tim. ![]() Samantala, mabangis na atake sa mga sibilyan ang naging tugon ng militar sa ambus. Dalawang magsasaka ang pinaslang ng kaaway bilang ganti sa pananambang. Sinunog din ang isang bahay at iligal na ikinulong at hinaras ang tatlong magsasaka. Trenta hanggang animnapung porsyento (30-60%) na ng mga residente sa dalawang baryo ng Calbiga ang sapilitang namakwit dahil sa pandarahas ng militar. Ayon sa National Democratic Front sa Eastern Visayas, kaiba sa BHB na umaatake lamang sa mga lehitimong target sa mga taktikal na opensiba nito, ang reaksyunaryong militar ay matingkad na lumalabag sa karapatang-tao at pandaigdigang makataong batas sa sadya at paulit-ulit nitong pang-aatake sa mga sibilyan at kanilang mga komunidad. ![]()
|
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|