Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Desisyon na pormal na kilanlin ang de facto nang terminasyon ng gubyernong Estrada sa negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP

Komite Sentral
Partido Komunista ng Pilipinas

Pambansang Konseho
Pambansang Demokratikong Prente ng Pilipinas (NDFP)

Pormal naming kinikilala sa pamamagitan ng desisyong ito ang katotohanang winakasan na ng gubyernong Estrada ang negosasyong pangkapayapaan sa pamamagitan ng sumusunod na sinadyang mga akto:

1. Walang pakundangang paglabag sa Pinagsamang Deklarasyon ng The Hague ng Setyembre 1, 1992

  • 1.1 nang ipinilit ng gubyernong Estrada bilang paunang kundisyon sa pagpapatuloy ng negosasyong pangkapayapaan ang pagsuko ng NDFP sa GRP sa pamamagitan ng pagpapataw ng konstitusyon ng GRP sa NDFP, at ang pagkriminalisa nito sa sarili at pagpapailalim ng NDFP sa sistemang ligal at hudisyal ng GRP, at"

  • 1.2 nang ipinagkanulo at pinagtaksilan ng gubyernong Estrada ang pambansang kasarinlan sa pamamagitan ng pagpapatibay sa Visiting Forces Agreement."

2. Walang pakundangang paglabag sa Pinagsamang Kasunduan sa mga Garantiya sa Kaligtasan at Imunidad (Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees o JASIG) ng Pebrero 24, 1995

  • 2.1 nang tahasang ipinakita ng gubyernong Estrada ang natural na hilig nitong traydurin ang NDFP sa pamamagitan ng naunang "pagsuspindi" sa mga garantiya sa kaligtasan at imunidad ng mga tauhan ng NDFP na sangkot sa negosasyong pangkapayapaan, nang mayroon lamang 24 na oras na paunang pasabi, at sadyang paglalagay sa buhay at kalayaan ng mga nabanggit na tauhan ng NDFP sa malubhang panganib, sa maling batayan na ang JASIG ay isang makaisang-panig na dokumentong nagbibigay ng pabor mula sa GRP para sa NDFP sa halip na isang kasunduang bilateral ng magkatugong mga karapatan at obligasyon na tuwirang gumagalang sa mga prinsipyo ng pagkakapantay, mutwalidad at tumbasang pakinabang, at sa rebolusyonaryong integridad ng NDFP

  • 2.2 nang ipinataw ng gubyernong Estrada bilang paunang kundisyon para sa pagpapatuloy ng negosasyong pangkapayapaan na dapat idaos sa Maynila ang pormal na mga pulong ng mga panel sa negosasyon ng GRP at NDFP sa ilalim ng pagmamanman ng GRP at sa banta ng mga aksyong pamparusa, na labag sa tuwiran at maybisang kasunduan ng dalawang panig sa Artikulo III, Seksyon 6 ng JASIG na idaraos ang pormal na usapan sa isang nyutral na lugar sa ibayong dagat, at

  • 2.3 nang ipinailalim ng GRP sa pangkalahatan, at ng gubyernong Estrada sa partikular, ang mga tagapayo ng NDFP at ibang mga tauhan ng NDFP sa negosasyong pangkapayaan sa pagmamanman, paghahalughog at pag-aarestong labag sa batas, detensyon, interogasyon at iba pang mga aksyong pamparusa, sa kabila ng tuwirang mga garantiya sa JASIG.

3. Labag sa Komprehensibong Kasunduan sa Paggalang sa Karapatang-tao at sa Internasyunal na Makataong Batas (CARHRIHL) ng GRP at NDFP, ang buong layang pagsagawa at patuloy na pagsasagawa ng GRP ng malulubhang paglabag sa karapatang-tao at internasyunal na makataong batas, na kinabibilangan ng sumusunod:

  • 3.1 Pagtortyur at pagmasaker ng mga pwersa ng pulisya at paramilitar nito sa mga bihag at sibilyang pinagsususpetsahang tauhan, kapanalig at tagasuporta ng NDFP,

  • 3.2 Patuloy nitong pagkukulong, pagsasakdal at pagkakait ng karapatang magpyansa at makatarungang proseso sa mahigit sa 140 na bilanggong pulitikal batay sa gawa-gawang habla ng karaniwang mga krimen, na labag sa sarili nitong doktrinang Hernandez na dapat lamang isakdal ang mga rebolusyonaryo sa mga salang pampulitika,

  • 3.3 Pakikipagsabwatan nito sa pamilyang Marcos at huwad na mga tagapagtaguyod at abugado ng karapatang-tao para subain ang mga biktima ng paglabag sa karapatang-tao sa ilalim ng rehimeng Marcos sa pamamagitan ng palsong pangako ng indemnipikasyon para pawalang-sala ang mga Marcos sa mga paglabag sa karapatang-tao at pandarambong ng yaman at patrimonya ng bansa, at tiwaling paghatian ang nakaw na yaman ng mga Marcos,

  • 3.4 Pagtangging gumawa ng mga hakbang upang ipawalambisa ang mga mapanupil na dekreto at batas na kumikitil sa saligang kalayaang sibil at pampulitika, at patuloy na paggamit at pagpapatupad sa mga ito,

  • 3.5 Pagtanggi ntong wakasan ang mga patakaran, kampanya, programa at proyekto na nagdudulot ng malawakang paglabag sa mga karapatang-tao at internasyunal na makataong batas na bumibiktima sa populasyong sibilyan at buu-buong mga komunidad, laluna sa kanayunan,

  • 3.6 Sadyang pagtangging magtalaga ng mga kinatawan nito at maghirang ng mga tagamasid sa Pinagsamang Komite sa Pagmomonitor, at

  • 3.7 Pagtanggi nitong pag-usapan ang ilang mga akto ng digma katulad ng pagpapalaya sa mga nabihag o inaresto ng BHB sa kabila ng alok ng NDFP para sa negosasyong bilateral at naunang mga karanasan na ang pinag-usapang pagpapalaya ay subok na mga hakbang ng kabutihang loob at sa pagbubuo ng pagtitiwalaan na nakakatulong sa proseso ng negosasyong pangkapayapaan.

4. Labag sa Pinagsamang Kasunduan sa Pagbubuo, Pagkakasunud-sunod at Operasyunalisasyon ng mga Magkatugong Komiteng Gumagawa ng Hunyo 26, 1995 at Suplemental na Kasunduan nito na may petsang Marso 18, 1997 ay

  • 4.1 matigas na pumusisyon ang gubyernong Estrada na walang bisa at hindi napapailalim ang GRP sa CARHRIHL kung hindi susuko ang NDFP sa GRP; at sa kabila ng walang pasubaling pagpapatibay ng nabanggit na Kasunduan para sa kagyat at magkakahiwalay na implementasyon kapwa ng GRP at NDFP, alinsunod sa Artikulo 5 Bahagi VI nito, at

  • 4.2 sa pamamagitan ng tatak nitong pagiging mapagmataas at lantarang pananakot, nag-abiso ng ultimatum ang gubyernong Estrada sa NDFP na tapusin ang buong negosasyong pangkapayapaan bago magtapos ang 1999.

Sa pamamagitan ng pormal na pagkilala sa katotohanang winakasan na ng gubyernong Estrada ang negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP, pinagpapasyahan naming ipaabot sa gubyernong Estrada na dapat nitong pormal na ipahayag ang gayong terminasyon o di kaya'y pormal na ideklara na patuloy na may bisa para sa Gubyerno ng Republika ng Pilipinas ang lahat ng umiiral na kasunduang bilateral sa pagitan ng GRP at NDFP at gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang iwasto ang patuloy na paglabag ng GRP sa mga nabanggit na Kasunduan.

Ituturing namin bilang pinal na kumpirmasyon ng gubyernong Estrada sa terminasyon ng negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP ang pagpapatuloy ng nabanggit na mga paglabag, o ang pagkabigo ng GRP na iwasto ang gayong mga paglabag sa mga kasunduang bilateral o ang kawalang-aksyon ng GRP kahit walang anumang pormal na pahayag ng terminasyon.

Hindi papasok ang NDFP sa negosasyong pangkapayapaan sa gubyernong Estrada hangga't hindi nito rerespetuhin at ipatutupad ang umiiral at may-bisang mga kasunduang bilateral, at hindi iwinawasto ang patuloy na mga paglabag sa mga ito.

Dapat patnubayan ng kasalukuyang desisyon ang lahat ng rebolusyonaryong pwersa at mamamayan. Dapat silang maging mapagmatyag at militante laban sa malulupit na atake at taktikang psy-war ng kaaway, at dapat nilang paigtingin ang digmang bayan para sa pambansang pagpapalaya at demokrasya.

Pinagtibay sa teritoryo ng demokratikong gubyernong bayan, Pilipinas, Mayo 29, 1999.

 


Previous articleBack to topNext article

00 Mayo 1999
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Pagkaisahin ang mamamayan, labanan at gapiin ang pasistang kampanya ng rehimeng Estrada!

Desisyon na pormal na kilanlin ang de facto nang terminasyon ng gubyernong Estrada sa negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP
Taktikal na opensiba ng BHB laban sa panrehiyong kampo ng pulisya sa Bohol:
84 na armas, nasamsam ng BHB

Mga Pahayag
Patraydor na pag-aresto kay Vicente Ladlad, kinundena ng PKP
Isa pang taong krisis at paghihirap...
Paghuhubad sa lumalagong estadistika ng gubyerno

Isa pang taong krisis at paghihirap...
Pagsusuri sa ekonomya: lagpas sa usapin ng estadistika

Isa pang taong krisis at paghihirap...
Ipaglaban ang kagalingang pang-ekonomya ng mamamayan!

Bangayang Lastimoso-Lacson:
Away ng mga sindikatong kriminal sa PNP

Ang maralitang-lunsod:
Lugmok sa kahirapan

Laban ng maralitang-lunsod, laban ng uring manggagawa
Kalayaan ng mamamayang Timores:
Patuloy ang laban sa East Timor

Sumusulong:
Sa Cagayan-Apayao

Sumusulong:
Sa Silangang Kabisayaan

Ubos kayang labanan ang VFA!
Pahayag hinggil sa Visiting Forces Agreement
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.