Kaguluhan sa mga malakolonya
Tuluy-tuloy na niyayanig ng matinding bangayan sa hanay ng magkakatunggaling paksyon sa naghaharing uri at ng mariing pagbatikos at paglaban ng mamamayan sa kabulukan at pagpapakatuta ng mga nasa poder ang mga reaksyunaryong papet na estado ng Peru, Indonesia, Pilipinas, Thailand at iba pang malakolonya.
Nitong Disyembre 7, sinimulan na ang paglilitis ni Joseph Estrada, presidente ng Pilipinas, sa mga kasong panunuhol at katiwalian sa gitna ng papalaking mga demonstrasyon sa lansangan na nananawagan para sa kanyang pagpapatalsik.
Sa Thailand, kinukundena ng mamamayan ang patuloy na pagkalugmok ng ekonomya, malawakang korupsyon ng partidong nasa poder at kahirapang dinaranas nila sa mga �reporma� ng gubyerno. Inaasahang matatalo ang nasabing partido sa darating na eleksyon sa Enero 2001.
Sa Indonesia, nahaharap sa mga kaso ng panunuhol si Abdurahhman Wahid, presidente nito nang 13 buwan pa lamang. Dagdag ito sa marami pang kaso ng katiwalian na hindi malayong hahantong din sa prosesong impeachment. Matatandaang napilitang magbitiw sa katungkulan ang sinundan nitong presidente na si Suharto sa harap ng malawakan at mararahas na demonstrasyon laban sa kanya noong nakaraang taon.
Sa Taiwan, nagsasagawa na ng hakbang ang oposisyon para sa impeachment ng presidente nito nang pitong buwan pa lamang na si Chen Shui-bian dulot ng kainutilan nitong ibangon ang kanilang ekonomya.
Sariwa pa sa alaala ang pagpapatalsik kay Alberto Fujimori, presidente ng Peru nang 10 taon, bunga ng pagkamuhi sa kanya ng mamamayang Peruvian. Nanatili si Fujimori sa Japan habang pinatatalsik siya sa Peru upang takasan ang mga kaso ng katiwalian, panunuhol at malawakang paglabag sa karapatang-tao na nakasampa laban sa kanya doon.
Sa bahaging Eurasia, pinakamatingkad ang pagguho ng ilusyong istabilidad ng bagong tatag na gubyernong koalisyon ng Turkey nang mabunyag ang mga katiwaliang kinasasangkutan ng pamilya ng bagong presidente nito.
Lumalakas ang mga di armado at armadong kilusan ng mamamayan. Maramihang nagtutungo sa lansangan ang mamamayan upang igiit ang kagyat na pagbitiw ng mga nasa poder. Ngunit higit pa rito, namumuo na bilang isang materyal na pwersa ang matinding disgusto ng mamamayan sa mga reaksyunaryong gubyernong hindi tumupad sa kanilang ipinangakong kasaganaan at ibayong nagpahirap sa kanila.
Sa Pilipinas, nagbuklod ang pinakamalawak na pwersang anti-Estrada upang ipanawagan ang kanyang pagpapatalsik, kundenahin ang kanyang mga patakaran sa ekonomya at igiit ang karapatan at kagalingan ng mga inaaping sektor. Kaalinsabay ito sa paglakas ng rebolusyonaryong armadong pakikibaka sa kanayunan.
Sa Indonesia, bukod sa m a l a w a k a n g demonstrasyon ng mga manggagawa, estudyante at mga Hindi lingid sa kaalaman ng imperyalismong US ang burukratikong korupsyon ng mga papet nito, taliwas sa kasalukuyang asta nitong �kontrakorupsyon�. Sa katunayan, kinukunsinte ito ng US kapalit ng masugid na pagsunod at pagpapatupad ng mga tuta nito sa pinakamasasahol na maka-imperyalistang patakaran. | reaksyunaryong pulitikong anti- Wahid, umaani ng lakas at suporta ang mga armadong kilusan sa Aceh at Maluku na nakikipaglaban para sa kanilang karapatan sa pagpapasya-sa-sarili, sa inspirasyon ng magtagumpay ang pakikibaka para sa pagpapalaya ng mamamayan ng East Timor.
Sa Peru, lumalawak kapwa ang ligal at armadong pakikibaka ng mamamayan na tumapos sa pasistang paghahari ni Fujimori. Gayundin, militanteng naninindigan ang mamamayan ng Cote d� Ivore (Ivory Coast, isang bansa sa Africa), Israel, Colombia, Fiji at Solomon Islands laban sa mga pasistang patakaran ng mga reaksyunaryong nasa poder. Pumuputok din ang mga welga ng mga manggagawa at iba pang pagkilos ng mamamayan mula South Korea hanggang Argentina upang ipaglaban ang kanilang mga trabaho sa harap ng malawakang pagsasara ng mga empresa at mataas na tantos ng kawalan ng trabaho.
Ang panibagong kaguluhan sa pulitika sa mga malakolonya ng imperyalismong US ay kapwa produkto at paglala ng krisis ng pandaigdigang sistema ng kapitalismo. Karamihan sa mga papet na gubyerno ay bangkarote sanhi ng mga patakarang �neoliberal� na ibinabandera ng imperyalismo. Dulot ng matinding krisis sa ekonomya, lalong tumitindi ang bangayan ng mga reaksyunaryo hindi lamang dahil kumikitid ang yaman na maaari nilang paghati-hatian kundi dahil sinosolo pa ito ng pangkating nasa poder.
Likas ang katiwalian at korupsyon ng mga burukratang kapitalistang nakaluklok sa mga estadong neokolonyal. Bahagi ng burukratikong katiwalian ng mga reaksyunaryo ang kanilang direktang pamumuno o di kaya�y pagkandili sa mga kroni at mga sindikatong kriminal na malakihang nag-aambag sa kani-kanilang pondong pangkampanya at maluhong pamumuhay. Sa kaso ng Colombia, Russia at Pilipinas, ang estado ay pinatatakbo ng malalaking sindikatong kriminal na pinamumunuan ng mismong presidente ng bansa.
Hindi lingid sa kaalaman ng imperyalismong US ang burukratikong korupsyon ng mga papet nito, taliwas sa kasalukuyang asta nitong �kontrakorupsyon�. Sa katunayan, kinukunsinte ito ng US kapalit ng masugid na pagsunod at pagpapatupad ng mga tuta nito sa pinakamasasahol na makaimperyalistang patakaran. Madali lamang naman para rito ang magpalit ng tuta oras na sumingaw ang baho ng pangunahing mga tauhan nito at maging sagabal sila sa interes ng imperyalismo.
Mabilis na kumikilos ang imperyalismong US upang resolbahin ang sigalot sa pagitan ng mga reaksyunaryong pangkatin at hadlangan ang bwelo ng mga kilusan ng mamamayan. Hangga�t maaari, inaalis ang nasa poder sa pinakamabilis at pinakamahinahong paraan at iniuupo ang bagong papet na kadalasa�y mas masugid pang tuta kaysa sa pinalitan nito. Sa garantiya ng US, kusang nagbibitiw ang mga pinatatalsik kapalit ng pag-abswelto sa kanila sa mga kasong kriminal o di kaya�y ang pagkupkop sa mga ito ng mga �kaibigang� bansa katulad sa kaso ni Marcos (na niyakap ng US), Fujimori (na kinakandili ng Japan) at Nawaz Sharif ng Pakistan (na kinukupkop ng Saudi Arabia).
Ngunit katulad ng sinundan nitong mga reaksyunaryo, tiyak na haharapin ng bagong mga tuta ang palagiang krisis na likas sa mga malakolonya at ang patuloy na paglakas ng mga armado at di armadong kilusan ng mamamayan.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|