Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pista ng mga bwitre

 Read this article in English

Sadyang inilimita ng imperyalismong US sa mga kumpanyang Amerikano ang pagbibigay ng mga kontrata sa kagustuhang masolo ang mga pakinabang at yaman ng Iraq. Kaya�t nagrereklamo ang mas maliliit na bwitreng hindi naambunan ng pakinabang sa gera. Kabilang dito ang mga kumpanyang British at Australian na isinaisantabi ngayon ng US sa kabila ng kanilang pangangayupapa sa kasagsagan ng gera sa Iraq. Marami rin ang reklamo sa US mismo tungkol sa kroniismo, pagluluto ng mga kontrata, at iba pang katiwalian sa "pamamahagi" ng mga kontrata.

Kabilang ang sumusunod sa mga biniyayaan ng matatabang kontrata:

  • Bechtel Corporation, isang kumpanyang nakasuso sa Republican Party at nagbibigay ng malalaking donasyon rito tuwing eleksyon mula pa noong dekada 1980. Dating pinamumunuan ni George Shultz, Secretary of State ng rehimeng Reagan at ngayon ay pinamumunuan ng isang myembro ng Presidential Export Council ng rehimeng Bush. Sa tulong ng mahigpit na ugnay ng Bechtel sa US Defense Policy Board at sa pinuno ng USAID na si Andrew Natsios, niluto ng mga ito ang pagpapalobo at pagtitiyak sa pagpunta sa Bechtel ang pinakamalaking kontrata sa muling pagtatayo ng mga pampublikong utility ng Iraq. Bilang panimula, nagkakahalaga ang kontrata ng $680 milyon. Inaasahang malalaking tipak pa ang makukuha nito sa papalaki pang gastos sa "rekonstruksyon" ng Iraq, na tinatayang aabot nang $100-200 billion.
  • Kellogg Brown & Root, isang kumpanya sa ilalim ng Haliburton na pinamunuan ni Richard Cheney bago siya naging bise-presidente ni Presidente Bush ng US. Inalok ng USAID sa Kellogg ang $7 bilyong kontratang upang linisin ang mga oil field ng Iraq.
  • Stevedoring Services of America, kilalang matagal nang nag-aambag ang kumpanya sa kampanyang elektoral ng partido ni Bush. Ibinigay sa kumpanya ang $4.8 milyong kontrata upang pangasiwaan ang mga daungan ng Umm Qasr. Sa pamamahagi ng kontrata, isinaisantabi ang interes ng UK samantalang mga pwersang British ang nakipagpukpukan sa Umm Qasr at ngayon ay tumatayong tagapangasiwa ng daungan.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Abril 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Biguin ang pagpataw ng US ng imperyalistang kapangyarihan sa buong daigdig

Mga aral sa 12 taong imperyalistang kampanya ng paglupig sa Iraq
Ang pagpataw ng bagong "Pax Americana"
Denasyunalisasyon, pribatisasyon at pandarambong sa ngalan ng "rekonstruksyon"
Pista ng mga bwitre
Sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag
NDF: Di magigibang moog ng pakikibaka ng sambayanang Pilipino

Mga Ulat Koresponsal:
Lumalakas ang BHB sa Mindanao

Matagumpay na opensiba ng BHB:
Aktibong depensa sa Bulacan

Matagumpay na opensiba ng BHB:
Armadong pagkikibaka, patuloy na sumusulong

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.