Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Rehimeng Estrada sa bingit ng kamatayan:
Papet, bulok, pasista

 Read this article in English

Ang dalawa�t kalahating taong pag-iral ng rehimeng Estrada ay kinatangian ng walang patumanggang kabulukan, pasismo at pagkapapet na nagdulot ng walang kaparis na pagsasamantala at pang-aapi sa mamamayang Pilipino, laluna sa masang anakpawis.

Sa loob rin ng relatibong maikling panahon, ang reaksyunaryong estado

sa pangangasiwa ni Estrada ay naging batbat ng walang kasintinding krisis sa pulitika�krisis na ibayong sumambulat nitong Oktubre nang ibunyag ng dating kasapakat ni Estrada na si Gob. Luis �Chavit� Singson ang lawak at lalim ng kabulukan at kabuktutan ng rehimen.

GARAPALANG KRONI-ISMO AT KABULUKAN. Di mapasusubaliang tatak ng rehimeng Estrada sa kasaysayan ng reaksyunaryong pulitika sa bansa ang napakagarapal nitong kroni-ismo at ubod nang iskandalosong kabulukan.

Isa sa mga kauna-unahang ginawa ni Estrada nang siya�y maging presidente ay ang magbayad ng utang na loob sa mga nagpondo sa kanyang kampanya at nagluklok sa kanya sa poder.

Sa unang buwan pa lamang ng kanyang rehimen, naibalik na ni Estrada ang kanyang padrino at pinakamalaking kroni ni Marcos na si Eduardo �Danding� Cojuangco sa board ng San Miguel Corp. (SMC) at inatasan ang mga kinatawan ng gubyerno sa kumpanya na iboto siya bilang tagapangulo ng SMC. Nabawi rin ni Cojuangco nitong Nobyembre sa pamamagitan ng isang executive order ni Estrada ang ninakaw niyang pondo ng coco levy at gumugulong na ang proseso ng pag-areglo sa mga kasong isinampa sa kanya. Upang pagtakpan si Cojuangco sa kanyang masahol na pangangamkam ng lupa, binansagan siya ni Estrada bilang �padrino ng reporma sa lupa� at upisyal na itinaguyod ang kanyang �corporative scheme�.

Kasabay nito, tumanaw ng utang na loob si Estrada sa pamilyang Marcos na malaon na niyang kaalyado. Tinangka niyang baligtarin ang hatol ng kasaysayan nang tanghalin niyang bayani ang kinamumuhiang yumaong diktador. Sa pagtangkilik ni Estrada, lubusang nakapanumbalik sa poder ang pamilyang Marcos. Kakutsaba rin si Estrada ng mga reaksyunaryong

Makailang ulit na napatunayan ng rehimeng Estrada ang pagiging matapat na tuta nito ng imperyalismong US.
korte at mga rebisyunistang taksil sa patuloy na pagprotekta sa pamilyang Marcos upang di sila managot sa mabibigat nilang kasalanan sa bayan, manatali sa kanilang kamay ang kanilang nakaw na yaman, mabawi nila yaong mga ari-ariang sekwestrado ng gubyerno at pagkaitan ng karampatang danyos ang puong libong mga biktima ng batas militar.

Sunud-sunod na hakbang ang ginawa ni Estrada upang paboran ang isa pang mayor na kontribyutor sa kanyang kampanya, ang malaking burgesyang kumprador na si Lucio Tan. Nitong Agosto, sa atas ni Estrada ay inabswelto ng korte si Tan sa kasong di pagbayad ng P25-bilyong buwis. Nang magwelga naman noong Setyembre 1998 ang mga manggagawa ng Philippine Airlines (PAL) na pagmamay-ari ni Tan, binraso ni Estrada ang pagpirma ng mga lider ng unyon sa isang kasunduang nagbabawal sa mga manggagawa ng PAL na magwelga at maggiit ng pagtaas sa sahod sa loob ng 10 taon. Minaniobra rin ng Malakanyang ang isang kasunduang naglimita sa dami ng mga pasaherong maaaring isakay patungong Taiwan ng karibal ng PAL na Eva Air.

Kabilang din sa mga kroni ni Estrada nina William Gatchalian, Jaime Dichavez, Jacinto Ng, Lucio Co, Mark Jimenez, Dante Tan at Charlie �Atong� Ang. Lahat sila ay pinaboran ni Estrada sa pagbibigay ng mga kontrata, mga kota sa pag-import at pag-utang ng pondo mula sa mga bangko at institusyong pampinansya ng gubyerno. Bilang kapalit, sila ang pumopronta para kay Estrada sa iligal na pangangamkam nito ng iba�t ibang ari-arian.

Di rin mabilang na mga kapamilya, kamag-anak, kabit at kaibigan ni Estrada ang nakakuha ng sarisaring pabor at pribilehiyo mula sa gubyerno.

Nagmamadali si Estrada na mapasakamay ang lahat ng pakinabang ng poder. Ipinagbawal ang pagbibigay ng pork barrel sa mga kongresista para masentralisa sa Malakanyang ang pagkamal ng mga komisyon mula sa malalaking proyekto. Ginamit din ang pondo upang bigyang pabor ang kanyang mga kapartidong pulitiko. Sa kabilang banda, inipit o pinagkaitan niya ng rekurso ang kanyang mga kalaban.

Higit dito, sinentralisa ni Estrada mula sa Malakanyang ang pagpapatakbo ng mga gawaing kriminal. Ipinagpatuloy at pinalawak niya ang dating negosyong kidnap for ransom na sinimulan nila ni Gen. Panfilo Lacson nang magkasama pa sila sa Presidential Anti-Crime Commission. Binuo niya ang Task Force Aduana upang buwagin ang mga kalabang sindikato sa ismagling, laluna sa Subic, at masolo niya ang pakinabang dito.

Ibinunyag naman ni Singson ang pagbubuo ni Estrada ng pambansang koleksyon sa hweteng kapalit ng proteksyon. Hindi pa nasapatan, kalauna�y ginawang ligal ang hweteng (sa pamamagitan ng sugal na �Bingo 2-balls� na dinisenyo ni Atong Ang) para mas madaling bantayan ang pagpapatakbo nito at makatiyak si Estrada na walang ibang basta-bastang makababahagi sa daan-daan milyong kinikita mula rito.

Sa sobrang pagkasugapa nito sa pera, walang pinalampas si Estrada na maaaring pagkakwartahan. Nitong huli, nalantad ang pagkopo ni Estrada ng 40% (o US$8 milyon) ng $20-milyong ransom na ibinayad para tubusin ang 20 turistang dinukot ng bandidong Abu Sayyaf mula sa Malaysia noong Marso. Hiningi itong komisyon ni Estrada kapalit ng pakikipagnegosasyon ng rehimen para sa pagpapalaya ng mga bihag. Ang sugong negosyador ni Estrada na si Robert Aventajado ay tumabo naman ng 10% (o US$2 milyon).

Sukdulan ang korupsyon ng rehimen upang sustentuhan ang napakaluhong pamumuhay ni Estrada at ng kanyang pamilya at mga kabit sa gitna ng malawakang kahirapan ng mamamayan. Subalit ang pagkakalantad ng mga iskandalong kinasasangkutan ng kanyang rehimen ang siya ring nagiging daan ng kanyang pagbagsak.

DUGUANG REKORD NG PASISMO. Maagang kinonsolida ni Estrada ang pasistang makinarya ng kanyang rehimen at ipinamalas ang pagkahumaling sa militaristang pamamaraan ng pagsupil sa paglaban ng mamamayan.

Itinalaga niya bilang hepe ng pulisya ang pinakapinagkakatiwalaan niyang si Gen. Panfilo Lacson, isang sagad-sagarang pasistang maraming utang na dugo sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan. Pinagkalooban niya ito ng malawak na kapangyarihan, kabilang ang pagtatalaga rin sa kanya bilang pinuno ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force. Bumuo rin si Estrada ng sarili niyang base sa reaksyunaryong militar sa pamamagitan ng promosyon sa namumunong mga pusisyon ng kanyang mga tapat na tauhan katulad nina Gen. Angelo Reyes (hepe ng Armed Forces of the Philippines o AFP) at Lt. Gen. Jose Calimlim (pangalawang hepe ng AFP at pinuno ng Intelligence Service of the AFP).

Pinirmahan niya ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) noong Agosto 1998 na siyang unang punto sa substantibong adyenda ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP). Subalit karakaraka rin itong ibinasura. Tinapos ng rehimen ang negosasyong pangkapayapaan at tuluyang ibinasura ang lahat ng kasunduan sa pagitan ng NDFP at GRP na nabuo sa loob ng halos 10-taong paguusap ng panel ng dalawang panig.

Di nagtagal ay lansakang nilabag ng rehimeng Estrada ang kasunduan sa tigilputukan sa pagitan ng GRP at Moro Islamic Liberation Front (MILF). Upang piliting magsurender ang MILF, iniutos ni Estrada ang pag-atake ng ilampung libong tropa di lamang sa mga kampo ng MILF sa iba�t ibang bahagi ng Mindanao kundi sa mga komunidad ng mamamayang Moro. Kasabay nito, ginamit ng rehimeng Estrada ang mga insidente ng hostage-taking ng Abu Sayyaf upang pag-ibayuhin ang gerang anti-Moro.

Hindi nilimitahan ng rehimen sa Mindanao ang gerang anti-Moro at ang paghahasik nito ng lagim. Sa Metro Manila, dalawang manggagawang Moro ang sinalbeyds at 26 na inosenteng sibilyang Moro ang dinampot at pinagbintangang responsable sa mga pambobombang pakana ng gubyernong Estrada.

Ibinasura ng gubyerno ang pakikipagnegosasyon upang walang hadlang nitong maipatupad ang kontrarebolusyonaryong Oplan Makabayan laban sa NDFP at Oplan Pisces Alpha laban sa MILF.

 


Previous articleBack to topNext article

Disyembre 2000
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Iluwal sa pagpasok ng 2001 ang makapangyarihang unos na magwawakas sa rehimeng US-Estrada

Mga sipi:
Pakilusin ang malawak na masa ng sambayanan upang igawad ang pamatay na dagok sa rehimeng Estrada �Armando Liwanag

Rehimeng Estrada: nasa bingit ng kamatayan:
Mabilis na pagsadsad ng krisis ng ekonomya

Rehimeng Estrada sa bingit ng kamatayan:
Papet, bulok, pasista
PANANALANTA NG PASISTANG ESTADO
Kaguluhan sa mga malakolonya
Liga ng mga pakikibaka ng mamamayan ng daigdig, pinaghahandaan
Mga balita sa pakikibaka
Karagdagang balita mula sa Kabikulan
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.