Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

PANANALANTA NG PASISTANG ESTADO

 Read this article in English

Bawat araw ay nadaragdagan ang mga kaso ng paglabag ng rehimeng Estrada sa mga karapatang-tao sa desperasyong manatili ito sa poder. Kabilang dito ang walang pakundangang pag-atake ng rehimen sa paparaming mga anti-Estradang elementong banta sa pananatili nito sa kapangyarihan: mga kaso ng pagdukot, pananakot sa mga testigo sa kasalukuyang impeachment trial, ang mararahas na pagbuwag sa mga piket, rali at iba pang pagkilos ng nagkakaisang prenteng anti-Estrada sa kalunsuran.

Tuluy-tuloy ang pagpapatupad ng todo-larga at mapanalantang kontra-rebolusyonaryong digma sa kanayunan, patunay na hungkag ang unilateral na Suspension of Offensive Military Operations o SOMO na idineklara ng berdugong AFP. Samantala, ang kamakailan lamang na pangakong pagpapalaya sa daandaang bilanggong pulitikal bunga ng �kasunduang pangkapayapaan� ng gubyerno at mga rebisyunistang taksil ay malinaw na isang palabas lamang. Nitong Oktubre, 212 bilanggong pulitikal na ang nakatalang nakapiit sa iba�t ibang sulok ng bansa.

Nananatili ring walang-kibo si Estrada para maigawad ang kumpensasyon at indemnipikasyon ng 9,539 biktima ng mga paglabag sa karapatang-tao ng diktadurang Marcos.

Ang sumusunod ay ilan sa mga paglabag ng rehimeng US-Estrada mula Setyembre hanggang Disyembre 2000:

DISYEMBRE 26. Pagpatay ng mga tropa ng 54th IB sa pamumuno ni 2Lt. Michael Glen Manansala sa mga magkamag-anak na sina Luis at Roger de la Cruz sa Sityo Sangaydi, Barangay Villa Gracia, Maddela, Quirino. Ang dalawa ay mga sibilyan na pinagbabaril sa simpleng hinala na sila ay mga mandirigma ng BHB . Ito�y matapos mabigong lipulin ng mga sundalo ang naka-engkwentrong grupo ng BHB sa naturang lugar.

DISYEMBRE 11. Marahas na pagbuwag ng mga armadong bantay mula sa ahensyang pag-aari ni Mayor Oscar Jaro ng Imus, Cavite sa piket ng Unyong Cottrell Network Phils.- Metal Industries Inc., sa Trece Martirez, Cavite City at walang pakundangang pagbaril kina Diosdado Marquez at Primo Fabricante, mga myembro ng naturang unyon na tumututol sa iligal na pagtanggal sa 41 ng 80 manggagawa sa Cottrell.

Noong Disyembre 13, nireimpors pa ng lokal na pulisya ng Trece Martirez ang mga naturang bantay upang supilin ang may 150 demonstrador na kumundena sa marahas na pagbuwag sa piket ng mga manggagawa.

NOBYEMBRE 27. Sapilitang pagpapalikas sa may 50 pamilya sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pambobomba ng mga sundalo ng 2nd Infantry Division sa mga sityo ng Montililian, Bua at Mokahil ng Barangay Pandan at mga sityo ng Tuquian at Bangkod ng Barangay Kaskas, lahat sa Ligao,Albay, bilang ganti sa pagreyd ng BHB sa isang detatsment ng 22nd IB sa Barangay Kaskas noong Nobyembre 26.

NOBYEMBRE 20. Pagpaslang kay Olimpio Jalapit Jr., isang brodkaster ng Radio Mindanao Network sa Pagadian City at kilalang kritiko ng rehimeng Estrada. Kahit ang pinsan ni Jalapit na saksi sa krimen ay pinagbantaan ng mga salarin.

NOBYEMBRE 15. Marahas na pagbuwag ng mga elemento ng Special Weapons and Tactics (SWAT), PNP at mga bayarang gwardya sa pangunguna ni S/Supt. Manuel Cabigon sa barikada ng may 200 manggagawa ng Light Rail Transit at mga tagasuporta nito mula sa kabataan at sektor ng paggawa. Pinagpapalo ng batuta ang mga welgista. Labingtatlo ang dinakip at kinasuhan ng trespassing at malicious mischief.

NOBYEMBRE 14. Marahas na pagbuwag ng airport police sa pangunguna ni Airport Police Chief Edgar Gatumbao at mga pribadong gwardya sa raling anti-Estrada ng may 50 myembro ng Philippine Air Lines Employees Association o PALEA sa departure area ng NAIA Centennial Terminal II. Nagtamo ng mga sugat sa ulo ang mga manggagawang sina Jimmy Nakar at George dela Rosa.

NOBYEMBRE 12. Pagmasaker sa limang myembro ng pamilyang Eleccio ng isang anti-komunistang armadong kulto na itinayo ng mga kapatid ng pusakal na si Norberto Manero. Pinagbabaril sina Luzviminda Eleccio, 35 taong gulang; ang mga anak niyang sina Richard, 16; Gemma, 18 at kasintahan nitong si Allan Seroco, 34; at pamangkin ni Luzviminda na si Benjie Sujede, 5 taong gulang, sa kanilang bahay sa Barangay Lasak, Columbio, Sultan Kudarat. Ang tanging nabuhay ang sugatan na si Geronimo Eleccio, asawa ni Luzviminda at pinaghihinalaang tagasuporta ng rebolusyonaryong kilusan. Pinagbabantaan din ng magkakapatid na Manero na aambusin ang mga pari ng Columbio, Sultan Kudarat dahil sa pagsuporta nila diumano sa BHB.

HULING LINGGO NG NOBYEMBRE. Sapilitang pagpapagiya ng 54th IB sa mga bihag ng digmang sina Mar �Ka Mar� Rodriguez at JR �Ka CJ� Bulosan, mga mandirigma ng BHB na nadakip sa Echague, Isabela noong Nobyembre 18.

OKTUBRE 23. Pagbuwag ng mga elemento ng SWAT at PNP sa hanay ng mahigit 50 myembro ng July 10 Payatas Victims Organization (J10PVO) na nakatakdang magkampo nang isang linggo sa paligid ng Quezon City Hall upang magprotesta sa patuloy na pagkakabimbin sa mga bangkay ng kanilang mga kamag-anak na natabunan ng basura noong Hulyo 10 sa Payatas dumpsite sa Quezon City.

SAPUL NITONG IKATLONG LINGGO NG NOBYEMBRE, tuluy-tuloy ang mga operasyong militar at psywar sa kanayunan at mga lunsod at sentrong bayan ng Cagayan Valley laluna sa mga lugar na lunsaran ng mga aksyong protesta. Ayon sa pahayag ng Benito Tesorio Command ng Bagong Hukbong Bayan sa Hilaga- Silangang Luzon, desperado ang AFP at PNP na pigilin ang malawakang pagkilos ng mamamayan laban sa rehimen. Kaakibat nito, pinalalakas at dinadagdagan pa ang 270 CAFGU sa Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.

Pugad naman ng walang-habas na paniniktik ang Kamaynilaan, Timog Katagalugan at iba pang mga sentrong bayan sa buong kapuluan. Nitong huling bahagi ng Oktubre, muling napabalita ang lantarang paniniktik ng mga elemento ng AFP sa mga progresibo at militanteng organisasyon sa Timog Katagalugan kabilang ang upisina ng Alyansa sa Pagsusulong ng Karapatan ng Mamamayan sa Timog Katagalugan. Gayundin, ang upisina ng Rural Missionaries of the Philippines sa Imus, Cavite at upisina ng Katipunan ng Samahang Magbubukid sa Los Banos, Laguna, ay isinailalim sa garapalang paniniktik at kamakaila�y pinasok ng di kilalang kalalakihan na pilit na nagtatanong kung sinu-sino ang mga lalaking madalas bumisita rito.

Nabunyag din ang iligal na pagmamanman ng AFP sa mga lider at myembro ng mga kilusan sa pagpapatalsik sa rehimeng USEstrada, gayundin sa mga tinaguriang kontra-Estradang mga senador at personalidad. Isinasailalim sila sa elektronikong paniniktik (pakikinig sa mga usapan sa telepono atbp.) na isinasagawa mula sa binansagang �war room� sa mga kampong Crame at Aguinaldo.


TALAAN NG MGA KASO NG PAGLABAG SA KARAPATANG-TAO SA ILALIM NG REHIMENG US-ESTRADA
Mga kaso

Paglabag sa mga karapatang-tao

Iligal na pag-aresto at pagbilanggo

Desaparesido at pananalbeyds

Masaker

(Hul. �98 - Dis. �99/18 buwan)

538

84 kaso, 282 biktima


23 kaso, 27 biktima

9 insidente, 39 biktima

(Ene. - Nob. 2000/ 11 buwan)

436

85 kaso, 269 biktima, 1 barangay

17 kaso, 39 biktima

5 insidente, 45 biktima, 18 nakaligtas


...at 321 kaso ng istraping, bigo at tangkang pagpatay, pagdukot, panghaharas, panghahalughog at pagnanakaw, koersyon, paginteroga, pambobomba, pagmamanman, pang-aabusong sekswal, paglabag sa internasyunal na makataong batas, ebakwasyon, paninira ng ari-arian at pangungubkob, na bumiktima sa may 39,000 indibidwal bukod pa sa 20 barangay mula Enero hanggang Nobyembre 2000. (mula sa Karapatan)

 


Previous articleBack to topNext article

Disyembre 2000
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Iluwal sa pagpasok ng 2001 ang makapangyarihang unos na magwawakas sa rehimeng US-Estrada

Mga sipi:
Pakilusin ang malawak na masa ng sambayanan upang igawad ang pamatay na dagok sa rehimeng Estrada �Armando Liwanag

Rehimeng Estrada: nasa bingit ng kamatayan:
Mabilis na pagsadsad ng krisis ng ekonomya

Rehimeng Estrada sa bingit ng kamatayan:
Papet, bulok, pasista

PANANALANTA NG PASISTANG ESTADO
Kaguluhan sa mga malakolonya
Liga ng mga pakikibaka ng mamamayan ng daigdig, pinaghahandaan
Mga balita sa pakikibaka
Karagdagang balita mula sa Kabikulan
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.