Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

502th Brigade Salot!

 Read this article in English

Hulyo 16 sa Mapalad, San Agustin, Isabela. Sinalbeyds ng mga tropa ng Philippine Army sa ilalim ng 502nd Brigade si Kasamang Teresa Dayrit-Garcia, isang kadre ng Benito Tesorio Front. Si Garcia, na buhay pa nang makuha ng kaaway, ay nagtamo ng walong tama ng bala, isa rito sa likod ng kanyang ulo. Kasama niyang nahuli si Sheryll Arcilla, 22. Bagamat di armado, pinalalabas ng militar na si Arcilla ay nagsuko ng isang M16. Iligal siyang ibinibimbin at pinararatangang may kinalaman sa ambus kay Col. Josefino Manayao noong Hunyo 27 sa pagitan ng Barangay Linomot at Sta. Isabel sa Jones.

Salot sa mamamayan ng timog-silangang Isabela ang 502nd Brigade. Mahaba ang listahan ng teroristang krimen nito at mga nagdaan at kasalukuyang pinamumunuan nitong batalyon, tulad ng 77th IB, 21st IB, 45th IB at 54th IB.

Pinakahuli lamang si Garcia sa mga hors de combat na brutal na pinaslang ng mga pwersa nito. Ilan sa matitingkad na paglapastangan ng 502nd Brigade sa mga alituntunin ng digma ay ang pagpatay sa sugatan at wala nang labang si Kasamang Cesario "Ka Deo" Piesa noong Enero 30, 1998 sa kanilang kampo sa Barangay Sto. Domingo, Jones; ang pagsalbeyds sa nahuli at wala na ring labang Kasamang Marcelo "Ka Mega" Astraquillo noong Agosto 1999 sa Delfin Albano; ang pagbaril sa ulo ng maysakit at nakahigang si Kasamang Lydia "Ka Ren" Sicat noong Setyembre 7, 1999 sa Barangay Dicamay Dos, Jones; at ang pagsalbeyds kay "Ka Makie" matapos itong mahuli sa isang labanan sa Carmencita, Delfin Albano noong Mayo 25.

Ang pananambang ng isang sandatahang yunit pampropaganda ng Bagong Hukbong Bayan sa convoy ng 502nd Brigade, na ikinamatay ng 16 na sundalo (hindi 13 tulad ng unang iniulat), kabilang ang brigade commander nito na si Colonel Manayao at ang executive officer ng 54th IB na si 2Lt. Wilfredo Estanislao, ay pagpapataw ng karampatang parusa sa berdugong brigada ng Isabela.

May mahaba ring rekord ang 502nd Brigade ng pananakot sa masa, iligal na panghahalughog ng bahay, iligal na pang-aaresto at pambibimbin, panununog at pagbabantang manunog ng bahay at kamalig, pamumwersa ng sibilyan para maging giya sa operasyon, pambubugbog, panggagahasa at iba pang anyo ng pagsasamantala sa kababaihan, panunutok at pagpapaputok ng baril sa harap ng mga sibilyan.

Kilala rin ito bilang protektor ng malalaking kumpanya sa pagtotroso at iba pang negosyong kumprador sa prubinsya tulad ng mapangwasak-sakalikasang Royal Cement Corp. na itatayo sa Dicamay Uno at Dos sa Jones sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng mamamayan.

Muling ipinamalas ng 502nd Brigade ang sagad-sagarang pagkapasista nito nang parang asong ulol itong naghasik ng ibayong terorismo sa Jones at mga karatig-bayan pagkatapos ng ambus kay Colonel Manayao.

Nitong Hulyo 14 at 15 ay sinalakay ng mga pwersa ng 5th Recon Coy ng 5th ID at 502nd Brigade sa pamumuno ni Lieutenant Alburo at Captain Derla ang iba�t ibang sityo sa Barangay Villa Bello sa Jones.

Sa sentro ng barangay, iligal na hinalughog ang bahay nina Marcelo Arriola at Amajun Adsuara at sinira ang dingding ng bahay ng isang sibilyan para hindi raw ito pagtaguan ng mga mandirigma ng BHB. Hindi pa nagkasya, nagpaputok ng baril ang mga tropa dahil naiingayan daw ang mga ito sa kabataang nagkakasiyahan. Ginawa rin ang huli at iba pang uri ng pananakot sa masa sa mga karatig na sityo.

Sa kaugnay na pangyayari, sinunog ng mga tropa ng 502nd Brigade ang bahay ni Virgilio Bayot, isang maralitang magsasaka na taga-Linomot.

Bago nito, nagsagawa na rin ang militar ng iligal na panghahalughog at pagrerekisa ng mga bahay sa Villa Bello, Dicamay at mga karatig- baryo sa Jones noong Hunyo 28 at 29.

Nakaririmarim din ang mga paglabag ng 502nd Brigade sa mga demokratikong karapatan ng mamamayan sa nangyaring pagkubkob sa mga pwersa ng BHB sa Dapis, Napaliong, Jones kamakailan kung saan dalawang sibilyang pinaratangang tagasuporta ng hukbong bayan ang pinaslang at ilang kabahayan ang sinunog.

Subalit dahil dama ng mga tropa ng 502nd Brigade ang abot-langit na pagkasuklam ng mamamayan sa kanila, laganap sa kanilang hanay ang matinding dismoral. Tanda nito ang di pagsuporta ng dalawang platun ng kaaway nang ambusin ang convoy ng kanilang punong upisyal na si Colonel Manayao kahit wala pang tatlong kilometro ang layo ng pinupwestuhan ng isa at ang isa naman ay maaaring makarating sa loob ng dalawang oras lamang na lakaran.

Dalawang platun ng berdugong brigada ang hindi nakakilos sa takot nito sa nagngangalit na mamamayan.

 


Previous articleBack to topNext article

Hulyo 2000
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Ang pagsidhi ng mga pasistang atake ay tanda ng lalong pagkabulok ng rehimeng US-Estrada

Panukalang "emergency powers" ni Estrada:
Salamin ng lumulubhang krisis sa paghahari ng rehimen

Tumitinding pasismo sa Metro Manila
Pasismo laban sa mga manggagawa ng LRT
Malisyoso ang SOMO ng Hulyo 22
502th Brigade Salot!
Pagdukot at iligal na pagbimbin kina Nomer Kuan at Romeo Sanchez
Programang pabahay ng rehimeng US-Estrada:
Panlilinlang at pandarahas sa mga maralita sa Metro Manila

Katarungan para sa mga biktima ng Payatas!
San Roque Multipurpose Dam Project:
Dambuhalang pahirap sa mamamayan

Mga aral ng pakikibaka sa Hacienda Looc
Ang iskwad-pangkultura ng Timog Katagalugan:
Tagapamandila ng rebolusyonaryong sining

Sa panahon ng "walang kaparis na kasaganaan" sa US:
Kaapihan at pagkadusta ng mga manggagawa at mamamayang Amerikano

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.