Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Pahayag:
Hinggil sa pambobomba sa Metro Manila

 Read this article in English

Pahayag ng Komiteng Tagapagpaganap ng
Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas
Disyembre 31, 2000

Isang pakanang makademonyo ang sunud-sunod na pambobomba sa limang publikong lugar sa Metro Manila noong ika-30 ng Disyembre 2000. Buong higpit itong kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas at rebolusyonaryong kilusan. Buong higpit ding kinukundena namin ang garapal na pagtatangka ng Malakanyang na sisihin ang rebolusyonaryong kilusan kahit walang anumang imbestigasyon at kahit ang mga pangyayari at sirkunstansya ay nagpapahiwatig ng ganap na kabaligtaran.

Walang kinalaman sa kahayupang ito ang rebolusyonaryong kilusan o anumang bahagi nito. Ipinapangako namin sa mga pamilya ng mga biktima at sa taumbayan na gagawin ng rebolusyonaryong kilusan ang lahat ng abot ng makakaya para tukuyin at lubos na papanagutin ang utak at mga salarin sa karumal-dumal na krimeng ito.

Sa katunayan, ang Malakanyang, si Joseph Estrada mismo at mga kampon niyang sangkot sa mga kalupitang gaya ng sa Kuratong Baleleng, ang mga numero unong suspek na may pinakamalaking motibo, kakayahan, oportunidad at sikmura na gawin ang krimeng gaya nito.

Ang disenyo ng terorismong ito ay hindi lamang para pumatay, bumalda, manugat at manindak - kundi pumatay, bumalda, manugat at manindak nang malawakan at ubos-todo. Hangad nito hindi lamang ang kumuha ng pansin at ispasyo sa mga dyaryo - kundi ganap na baguhin ang laman ng mga dyaryo. Hangad nitong ganap na tabunan ang nakasusulasok na mga iskandalong nabunyag sa nakaraang tatlong buwan at ilusot mula sa sukol na sukol na kalagayan ang kinamumuhian at naghihingalong reaksyunaryo at papet na paghahari ni Estrada at mga kroni niya.

Ang eksplosibong ginamit ay malamang na C4 o plastic na tanging AFP at PNP ang may hawak-bukod sa inilusot ng RAM noong 1989. Sabay-sabay na inatake ang mga target, kabilang ang dalawa o tatlong mahigpit na gwardyado sa panahong nasa deklaradong maximum alert ang PNP. Ang kumplikasyon ng kabuuang operasyon ay nagtuturo sa isang pwersang may malaking organisasyon, mataas na antas ng kasanayang militar, mataas na uri ng mga kasangkapan sa koordinasyon at komunikasyon, at malapit na kaalaman sa sistema ng seguridad sa mga partikular na target at sa kabuuan ng Metro Manila.

Ang pambobomba sa katapusan ng Disyembre, pagkatapos ng tangkang pagdukot at pagliligpit kay Luis "Chavit" Singson noong Oktubre, ang pagdukot at pagpapatahimik kay Bubby Dacer noong Nobyembre, ang malawakang wiretapping sa mga senador, oposisyunista at mga elementong anti-Estrada na nabunyag noong kalagitnaan ng Disyembre, ang mga pagbabanta at pagmamanman sa mga testigo laban kay Estrada - lahat ng ito ay nagpapakita ng malinaw na padron ng tumitinding desperasyon ng kriminal na kaisipang mula sa walang pangingiming pangungurakot ay tumutungo sa aroganteng paglalaro sa karapatan at buhay ng mga kalaban sa pulitika at karaniwang mamamayan.

Dapat tukuyin agad at lubos na papanagutin sa katarungan ang utak at mga tunay na salarin at tulungan ang mga biktima. Kaalinsabay, dapat tiyaking mabibigo ang imbing layunin ng pambobomba. Huwag magpasindak sa pananakot. Huwag magpalansi sa madugong intriga.

Huwag hayaang madiskaril ng terorismo ang kilusang protesta. Matatag na isulong ang pakikibaka para patalsikin ang halimaw sa Malakanyang bago matapos ang unang kwarto ng taong 2001.

Gaya ng paulit-ulit na nilinaw ng Partido Komunista sa nakaraan, ang pakikibaka para patalsikin si Estrada ay nakasalalay at nakatuon, higit sa anupaman, sa ligal na kilusang protesta sa kalunsuran. Lalong totoo ito ngayon sa kabila ng mga pambobomba sa Metro Manila.

Dapat matatag na magpursige sa ligal na pakikibaka para patalsikin si Estrada. Alinsunod rito, muling ipinapahayag ng Partido Komunista ang pasya nito na sadyang pigilan ang mga aksyong militar sa Metro Manila para tiyakin ang pinakamaluwag na kundisyon para sa pagsulong ng ligal na kilusang protesta at hindi bigyan ang kinamumuhiang naghaharing rehimeng Estrada ng pagkakataong gamitin ang mga operasyong partisano ng Bagong Hukbong Bayan sa Metro Manila para supilin at guluhin ang kilusang protesta.

Gayunman, sa harap ng malinaw na padron ng tumitinding pasistang terorismo at banta ng panunupil sa di armadong kilusang masa, lalong pag-iibayuhin ng Bagong Hukbong Bayan ang mga taktikal na opensiba sa kanayunan. Kailangan ding palawakin at palakasin ang kilusang lihim sa kalunsuran. Ang mga ito ang magtitiyak na kahit tuluyang masiraan ng bait at maghuramentado ang halimaw sa Malakanyang - patuloy na makapagpupunyagi at susulong ang pakikibakang bayan.

 


Previous articleBack to topNext article

Enero 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Anihin ang mga tagumpay ng pakikibaka sa pagbabagsak sa rehimeng US-Estrada!
Patuloy na palakasin at paigtingin ang rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayang Pilipino sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo!

Parusahan si Estrada!
Bagong gubyernong Macapagal-Arroyo:
Nanunumbalik ang rehimeng US-Ramos

Paksyon-paksyon sa pulisya at militar
Ang papel ni Eduardo "Danding" Cojuangco sa huling mga buwan ni Estrada sa Malakanyang
Ang mga dambuhala, militante at mapayapang aksyong masa na nagpatalsik kay Estrada
Campaign Plan Balangai:
Patuloy na pasistang pananalakay sa Timog Katagalugan

Mga Pahayag:
Hinggil sa mga bihag ng digmang nasa pangangalaga ng BHB

Mga Pahayag:
Hinggil sa pambobomba sa Metro Manila
Mga Balita ng Pakikibaka
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.