Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Balita ng Pakikibaka

 Read this article in English

Pulis sa Compostela Valley, dinisarmahan

Isang pulis ang dinisarmahan ng mga mandirigma ng BHB sa Barangay Langgam, Maco, Compostela Valley bandang gabi nitong Enero 30.

Sinamantala ng mga Pulang mandirigma ang pagkakataong nagpapahinga si SPO4 Ernesto Cudal sa kanyang bahay. Nagulat ito nang bungaran ng BHB at walang nagawa kundi isuko ang kanyang .45 at cellphone. Sakay sa kanyang sariling dyip, nakapagpahatid pa ang mga mandirigma kay Cudal hanggang haywey.

Detatsment ng CAFGU sa Sarangani, sinalakay

Limang M14, apat na ripleng Garand at mga kagamitang pangkomunikasyon ang nasamsam ng mga Pulang mandirigma nang kanilang salakayin ang detatsment ng CAFGU sa Barangay Kenam, Malapatan, Sarangani nitong Enero 29. Sa tulong ng isang kaalyadong CAFGU, matagumpay na naisagawa ng BHB ang reyd sa detatsment na binabantayan ng iisang sundalo ng AFP at dalawang elemento ng CAFGU.

Mga taktikal na opensiba, tuluy-tuloy sa Kabikulan

Labintatlong iba�t ibang kalibreng armas ang nasamsam at siyam na elemento ng kaaway ang napatay sa anim na magkakahiwalay na taktikal na opensiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Kabikulan ngayong Enero at mga huling araw ng nakaraang buwan, ayon sa ulat koresponsal ng Romulo Jallores Command ng Bikol.

Nitong Enero 29, isang pulis ang napatay, samantalang isa pa ang malubhang nasugatan nang tambangan sila ng mga mandirigma ng BHB sa Barangay Mercedes, Pilar, Sorsogon.

Pinarusahan nitong Enero 10 ng isang tim ng BHB si Roberto San Agustin, elemento ng CAFGU sa ilalim ng pusakal na 42nd IB sa Barangay Beguito Biejo, Libmanan, Camarines Sur. Bukod sa pangunahing tagakolekta ng tong, nagrerekluta rin ng mga impormer si San Agustin at direktang gumigiya sa mga operasyong militar laban sa BHB. Nasamsaman siya ng isang .38 na paltik.

Dagdag pa ng ulat koresponsal, sinunog ng isang tim ng BHB ang isang bus ng Superlines nitong Enero 4 sa Sinuknipan, Del Gallego, Camarines Sur dahil sa patuloy na pagtanggi ng kumpanya na magbayad ng rebolusyonaryong buwis.

Dalawang sundalo ng "A" Coy, 22nd IB ang inisparo at napatay ng isang tim ng BHB sa Barangay Banquerohan, Legazpi City noong Disyembre 31, 2000. Namatay kaagad sina Sgt.Alfredo Paitan at isang Pfc. Alex Vivar at nakumpiska sa kanila ang isang .45 at isang .38.

Ayon din sa Romulo Jallores Command, magkakasabay na nireyd ng mga kasapi ng BHB ang tatlong bahay ng PNP at isang despotikong panginoong maylupa sa Camarines Norte noong Disyembre 28, 2000.

Ginawaran ng BHB ng kamatayan ang despotiko at kriminal na panginoong maylupa na si Francisco "Ike" Villafuerte, kamaganak ni Gob. Luis Villafuerte ng Camarines Sur. Si Villafuerte ay pusakal na mangangamkam ng lupang kinukultiba ng 48 pamilya at utak sa paninira at panununog ng ari-arian, pambubugbog, pagpapakulong at pagpatay sa mga magsasaka. Ahente din siya ng Military Intelligence Group at direktang nakikipag-ugnayan sa pamunuan ng dibisyong sumasaklaw sa Kabikulan. Nakumpiska sa kanya ang tatlong .45, dalawang granada at iba pang gamit-militar.

Ikalawang target si SPO4 Anatolio "Hudas" Villablanco, elemento ng Jose Panganiban Police, sagad-sagaran at napatunayang malaki ang kasalanan sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayan. Ginawaran siya ng parusang kamatayan noong umaga ding iyon sa Sta.Elena, Jose Panganiban, Camarines Norte. Nakumpiska sa kanya ang isang M16 at isang .38.

Isang M16, isang .38, mga bala at iba pang gamit-militar ang nasamsam sa dalawa pang sinalakay na bahay ng mga pulis sa parehong lugar.

Samantala, pinarusahan ng BHB-Masbate noong Disyembre 25, 2000 ang pusakal na si SPO3 Edwin Espiloy at ang kanyang kapatid na si SPO1 Efrahem Espiloy, mga elemento ng Monreal Police sa Masbate, sa kanilang bahay sa Barangay Real, Monreal. Nakuha sa magkapatid ang isang M14, isang 9 mm at isang .38.

Pinarusahan din ng tatlokataong tim ng BHB ang traydor at abusadong si Edwin Nacional, presidente ng Balikloob Foundation Inc. noong Disyembre 22, 2000 sa Marquez Street, Barangay 14, Legazpi City. Ang Balikloob Foundation ay instrumento ng reaksyunaryong rehimen sa pagpuproyekto ng pagsuko ng mga mandirigma at kadre ng BHB at sa paghikayat sa mga itong maging ahente sa paniktik ng berdugong sandatahan.

Rehimeng Macapagal-Arroyo, hinamon; Pakikipag-usap sa RPMP-RPA-ABB, kinundena sa Negros

Hinamon ni Jessie Lipura, dating konsultant sa usapang pangkapayapaan, ang rehimeng Macapagal-Arroyo na magpatupad ng programang makatao at kinundena ang plano nitong itaguyod ang pag-uusap sa Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa-Pilipinas-Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB).

Si Lipura, na nadakip nitong Enero 6 sa Barangay Taloc, Bago City, Negros Occidental at nakalaya pansamantala nitong Enero 30 sa bisa ng pyansa, ay nakapanayam ng midya paglabas niya sa kulungan.

Ayon kay Lipura, inaantabayanan ng taumbayan ang paghapag ng rehimeng Macapagal-Arroyo sa ipinagmamalaki nitong people�s agenda na kinabibilangan ng pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP at ang pagpapalaya sa lahat ng bilanggong pulitikal.

Sinabi ni Lipura na dapat nang abandunahin ng pamahalaang Arroyo ang programang Oplan Makabayan ng dating rehimeng US-Estrada, at hugutin na ang mga tropang militar sa Mindanao at iba pang bahagi ng Pilipinas upang wakasan ang todo-gera at ang matinding militarisasyon sa kanayunan. Ang pagpapadala ng mga tropang militar sa kanayunan, aniya, ay hindi solusyon sa mga pundamental na problema ng lipunan, kundi nagbubunsod pa ng patuloy na pananalanta sa mamamayan. "Ang militar ang siyang lumalabag sa mga karapatang-tao ng mamamayan," ani Lipura.

Mariin din niyang kinundena ang pinaplanong pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at kontra-rebolusyonaryong RPMP-RPA-ABB. Aniya: "Ang tanging mabebenepisyuhan sa usapang ito ay ang dating Ambasador na si Eduardo Cojuangco Jr." Dagdag pa niya, "Ang RPMP-RPA-ABB ay hindi nagtatanggol sa interes ng masa at sa halip, ang maliit na grupong ito ay gwardya at bayaran ni Cojuangco."

Isang sundalo ng 21st IB, patay sa engkwentro

Isang korporal ng 21st IB ang napatay at limang iba pa ang nasugatan nang makasagupa ang isang tim ng BHB sa Barangay Salecsec, Balbalan, Kalinga nitong ika-22 ng Enero. Nagsasagawa ng operasyong militar ang mga tropa ng kaaway nang ang mga ito ay paulanan ng bala ng mga Pulang mandirigma.

Serye ng protesta, inilunsad sa Payatas

Nitong Enero 29, dumagsa sa munisipyo ng Quezon City Hall ang Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) at July 10 Payatas Victims� Organization (J10PVO) upang tutulan ang muling pagpayag ng gubyerno ng Quezon City, sa pangunguna ng alkalde nitong si Ismael Mathay Jr., na muling tambakan ng basura ang Payatas, Quezon City kahit walang maialok na relokasyon sa puong-libong pamilyang naninirahan at naghahanapbuhay dito. Ang piket na ito ay bahagi ng serye ng mga pagkilos na inilunsad noong Enero 15 ng KADAMAY at J10PVO upang tutulan ang napaka-peligrosong pagtatambak ng basura sa Payatas, kung saan daan-daan ang nasawi nang guhuan ng basura noong Hulyo 2000 at muli, nitong Enero 26.

Pagmasaker sa Tarlac-14, kinundena

Kinundena ni Kasamang Serafin Magdiwang, tagapagsalita ng BHB-Tarlac, ang makahayop na pagmasaker ng mga berdugong AFP at PNP sa 14 na Pulang mandirigma at upisyal ng rebolusyonaryong kilusan noong Enero 15 sa Barangay San Vicente, may ilang kilometro lamang ang layo sa Tarlac City. Sa isang pahayag, sinabi ni Magdiwang na karamihan sa mga biktima ay may tama ng bala sa ulo.

RHB, mamamaslang ng mga inosente

Tahasang kinundena ni Jose Agtalon, tagapagsalita ng Josepino Corpuz Command ng BHB ang walang-kaabug-abog na pagpaslang ng mga elemento ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan sa mga sibilyan na sina Eric "Ricky" Canlas, Jesse Bagtas at Noel dela Cruz. Si Canlas ay boluntir ng DSWD at upisyal ng Pampanga Radio Communication sa Barangay San Antonio, Mexico, Pampanga. Pinaslang siya ng mga RHB bago matapos ang taong 2000 sa paghihinalang tagasuporta siya ng BHB. Sina Bagtas at dela Cruz naman ay pinatay ng RHB noong Disyembre 18. Sila�y pawang mga ordinaryong manlalako ng isda sa nasabing lugar.

Depensiba sa Batangas, nagawang opensiba ng BHB

Nagawang opensiba ng BHB ang depensibang sitwasyon nang makapanlaban sa tangka ng mga elemento ng Philippine Marines na kubkubin ang isang pangkat ng mga mandirigma sa Sityo Nangkaan, Barangay Mataas na Pulo, Nasugbu, Batangas nitong Enero 7.

Napatay ng mga Pulang mandirigma ang dalawang kawal ng Marines samantalang isa pang sundalo at isang pulis ang nasugatan sa 30-minutong sagupaan. Nasamsam ang isang M14 mula sa mga nasawing sundalo. Upang pagtakpan ang sinapit na kahihiyan, ang pangyayari ay tinawag ng Marines na "engkwentro" sa halip na nabigong kubkob laban sa BHB.

Asyenda sa San Narciso, Quezon, sinalakay

Sinunog ng mga mandirigma ng BHB noong Disyembre 30 ang mga kagamitan at sasakyan na pagaari ni Domingo Reyes, isang panginoong maylupa na patuloy na tumatangging magbayad ng rebolusyonaryong buwis at nangangamkam ng lupa sa mga magsasaka. Si Reyes din ang nagmamay-ari ng Ocean Palace Mall sa Lucena City at Viva Shipping Lines na regular na bumibyaheng Marinduque-Lucena.

Kabilang sa mga gamit niyang sinunog ang pitong sasakyan (apat na dump truck, isang trak ng bumbero, isang traktora at isang backhoe) at ilan pang makinarya sa asyenda.

 


Previous articleBack to top 

Enero 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Anihin ang mga tagumpay ng pakikibaka sa pagbabagsak sa rehimeng US-Estrada!
Patuloy na palakasin at paigtingin ang rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayang Pilipino sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo!

Parusahan si Estrada!
Bagong gubyernong Macapagal-Arroyo:
Nanunumbalik ang rehimeng US-Ramos

Paksyon-paksyon sa pulisya at militar
Ang papel ni Eduardo "Danding" Cojuangco sa huling mga buwan ni Estrada sa Malakanyang
Ang mga dambuhala, militante at mapayapang aksyong masa na nagpatalsik kay Estrada
Campaign Plan Balangai:
Patuloy na pasistang pananalakay sa Timog Katagalugan

Mga Pahayag:
Hinggil sa mga bihag ng digmang nasa pangangalaga ng BHB

Mga Pahayag:
Hinggil sa pambobomba sa Metro Manila

Mga Balita ng Pakikibaka
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.