Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pananalanta ng pasistang estado: Mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao (Hulyo-Oktubre 2001)

 Read this article in English

Oktubre 21. Tinortyur at sinalbeyds ng pitong nagpapatrulyang tropa ng pinagsanib na PNP-SAF 1st Bn at PNP-Region 4 sa pamumuno ni Insp. Erickson Dilag ang apat na sibilyan sa Sityo Casunugan San Isidro, Barangay San Jose, Antipolo, Rizal sa paratang na sila ay mga Pulang mandirigma. Ang mga biktima, na nangangaso sa gubat nang sila�y patayin, ay sina Raul Magisa, 40; Emiliano de la Rosa, 46; ang anak niyang si Reynaldo, 26; at Dominador Anacleto, 30, pawang mga residente ng Antipolo. Lahat sila ay binaril nang malapitan, basag ang mga bungo, may mga saksak at taga sa katawan at bali ang mga buto sa daliri. Nang maipit sa pangyayari, nag-imbento ng mga paratang ang PNP at ipinagyabang ang kinumpiska nitong apat na shotgun, na sa aktwal ay ginamit ng mga biktima sa pamamaril ng baboy damo.

Oktubre 17 at 18. Muling lumalaganap sa Davao City ang pagsalbeyds ng mga grupong vigilante sa mga pinaghihinalaang kriminal. Pinatay noong Oktubre 17 sa Davao City ng mga nakamotorsiklong vigilanteng sina Sammy Jagonos at Wiseley Castrudes, kapwa 17 anyos, at kinabukasan, si Felcris Serojales, 19. Tinuligsa ng may 300 kasapi at tagasuporta ng Kabiba Alliance for Children�s Concerns ang pagpatay sa tatlo kasabay ng paggunita sa alaala ng iba pang kabataang pinatay sa lunsod ng Davao mula 1995.

Oktubre 13. Pinatay sa San Carlos, Bukidnon sina Ananias Tahuyan, 50, at Rodolfo Dazing, 42, tagasuporta at myembro ng San Luis Bukidnon Native Farmers� Association na nakikipaglaban para sa karapatan nila sa lupang ansestral ng mga Manobo. Pinakahuli lamang ito sa sunud-sunod na pagpaslang sa mga kasapi ng mga organisasyon ng mga Manobo. Noong maagang bahagi ng Setyembre, pinatay si Samuel Bento, pinuno ng Tribal Organization of San Jose sa Maramag, Bukidnon. Noong Setyembre 27, pinagbabaril ang bahay ni Datu Marcial Tahuyan, kapatid ni Ananias. Malubhang nasugatan sa pamamaril ang asawa ni Ananias na si Virginia. Noong unang linggo ng Oktubre, pinagbantaan ng isang upisyal ng gubyernong babarilin ang mga minorya kung ipagpapatuloy ang kanilang pakikipaglaban.

Oktubre 9. Marahas na binuwag ng may 70 armado at de-batutang pulis ng Philippine Economic Zone Authority ang piketlayn ng limang buwan nang nagwewelgang mga manggagawa ng Triple Eight Garments Manufacturing Corp. na karamiha�y kababaihan. Ang Triple Eight Garments ay nasa Cavite Export Processing Zone sa bayan ng Rosario. Una�y tinangkang buwagin ng mga pulis ang barikada ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagpapalusot dito ng mga eskirol na nakasakay sa van at motorsiklo. Nang di matinag ang mga nakabarikada, binomba sila ng tubig. Nabigo pa rin ito hanggang ipawasak ng mga upisyal ng kumpanya ang mga barung-barong ng mga manggagawa. Walong kababaihan ang nasugatan.

Oktubre 9. Dinakip ng Bulacan PNP sina Robert Veterbo, Nonato de Guzman, Virgilio Valdez, Igmidio Villanueva, Faustino Isidro, Bobet Francisco at Teodoro Flores sa Barangay Calumpang, San Miguel. Pinaratangan ng PNP ang pito na mga kasapi ng BHB samantalang pawang mga magsasaka sila sa naturang barangay.

Oktubre 8. Marahas na binuwag ng may 40 pulis kabilang ang mga elemento ng Special Weapons and Tactics, at mga gwardya ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang piket ng mga magsasakang kabilang sa Task Force Mapalad-Negros sa tapat ng DAR sa Quezon City. Hinihintay ng mga magbubukid si DAR Sec. Nani Braganza na nangakong makikipagdayalogo sa kanila nang buwagin ng mga pulis at gwardya ang kanilang hanay. Maraming manggagawang bukid ang nasugatan sa marahas na dispersal.

Oktubre 8. Pinaslang ng mga elemento ng Task Force Banahaw ang isang Mangyang kinilala bilang Lando Cabagay, 40, ang kapitan ng Barangay Bonbon, Mansalay, Oriental Mindoro, at lider ng Bayan Muna na si Roger Fernando. Sa parehong linggo, dinakip naman ng mga sundalo ng 204th Infantry Brigade si Rigmay Maranggat, lider ng Samahang Pantribo ng mga Mangyan sa Mindoro, habang namamalengke sa bayan ng Roxas, Oriental Mindoro.

Setyembre 20. Inambus at pinaslang sa Tartaro, San Miguel, Bulacan ng mga tropa ng 1st Scout Ranger Regiment at 56th IB ng Philippine Army si Wilfredo Mananghaya, tagapangulo ng Bayan Muna sa San Miguel at myembro ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Bulacan. Kabilang siya sa mga tumututol sa quarrying at iligal na pagtotroso sa naturang bayan.

Setyembre 7. Pinaslang at nilapastangan ng mga CAFGU at Marines ang bangkay ni Ibno Mallaji, isang magniniyog na pinaghinalaang myembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Sumisip, Basilan. Patungo siya sa moske nang hulihin ng mga tropa. Matapos makuhanan diumano ng ID ng MILF, kinaladkad siya sa isang kubo, itinali sa bato, kinulata, ipinako ang mga hita, tinadtad ng itak ang mga balikat at binaril sa noo. Sinunog pa ng mga pasista ang kanyang bangkay. Ang pamilya ni Ibno ay kabilang sa 78,736 mamamayang pinalayas sapul nang maglunsad ng mga "pag-atake" ang AFP laban sa Abu Sayyaf. Kaugnay ng mga paglabag sa karapatang-taong ito ang iligal na pag-aresto sa 59 Moro at pagsalbeyds sa siyam na iba pa. Isa sa mga pagsalbeyds ay ginawa mismo sa loob ng isang istasyon ng PNP sa Basilan.

Kaugnay din nito, noong huling bahagi ng Agosto ay pwersahang pinalikas, minortar at ninakawan ng mga naturang sundalo ang mamamayan ng Irreley, Guiong, Sumisip, Basilan.

August 20. Habang nagsasagawa ng demolisyon bandang 10:30 ng gabi sa isang maralitang komunidad sa bayan ng Dasmari�as, namaril ang mga gwardya ng security agency na pag-aari ni Gob. Ayong Maliksi ng Cavite. Tatlong sibilyan ang napatay kabilang ang buntis na si Marilyn Mil at apat na iba pa ang nasugatan sa 500 pamilyang pwersahang napalikas ng madugong demolisyon.

Agosto 9-10. Dinukot at sinalbeyds ng mga sundalo ng 22nd Special Forces Company si Johnny Kamareg, 55 taong gulang, isang magsasaka, sa Betwagan, Sadanga, Mountain Province. Dinukot siya noong Agosto 9. Noong Agosto 11 ay natagpuan ang kanyang bangkay sa isang kanal malapit sa kanyang sakahan. Pinalabas ng militar na isa siyang Pulang mandirigma na napatay sa engkwentro sa pagitan nito at ng BHB.

Agosto 6. Dinemolis ng mga elemento ng Special Weapons and Tactics at ng 40-kataong tim sa demolisyon ang mga bahay ng humigit-kumulang 50 pamilya sa Indang, Cavite.

Hulyo 31. Walang pakundangang pinaputukan ng mga elemento ng 5th SFC ng 4th SFBn sa pamumuno ni MSgt. Rolando Austria ang bahay ng sibilyang pinaghihinalaang hinihimpilan ng isang yunit ng BHB sa Sityo Malasena, Barangay Tala, Rizal, Laguna. Dito�y nasawi sina Merly Guia Yba�ez na pitong buwang buntis sa kambal niyang dinadala at ang limang taong gulang na anak niyang si Christian.

Hulyo 26. Pinalayas sa kanilang mga tahanan ang may 300 pamilya mula sa Pabahay 2000 sa General Trias, Cavite.

Hulyo 22. Pinag-babaril hanggang sa mapatay ng mga kasapi ng Philippine Army si Milagros Belga, 41, isang volunteer worker ng Karapatan, sa harap ng kanyang pamilya sa kanilang tahanan sa Magdalena, Laguna. Nang mag-usisa ang Karapatan sa Philippine Army, pilit nitong pinalilitaw na nakikipagtulungan sa kanila ang naturang ginang at ibinintang ang pagpatay dito sa BHB.

Hulyo 10, 2001, madaling araw. Pinagbabaril ng mga elemento ng 417th PPMG at 1st IB ang bahay ni Armando Arellano sa Igang, Lucban, Quezon. Napatay si Arellano, nasugatan ang asawa niyang si Myrna (may tama sa likod at balikat) at gayundin ang dalawa niyang anak na babae (Jocelyn, 14 taon, may tama sa kanang hita; at Rochelle, walong taon at may tama sa pigi). Pinalalabas ng militar na isang Pulang mandirigma ang pinatay nilang sibilyan.

Hulyo 7 at 11. Iligal na inaresto at binimbin ng PNP hanggang Agosto 10 sina Eduardo Cacayuran (hinuli noong Hulyo 7) at Avelino Dacanay (hinuli noong Hulyo 11) sa Bangued, Abra sa bintang na sangkot sila sa pagpatay kay Conrado Balweg.

Pagpatay sa mga hors de combat

Agosto 1. Dalawang Pulang mandirigma ang tinortyur at sinalbeyds nang makubkob sila sa Barangay Montelago, Naujan, Oriental Mindoro. Tinangka ring barilin ang isang kabataang naghudyat ukol sa presensya ng kaaway. Si Eman Florendo (Ka Minervo) ay nahuli nang buhay ng mga tropa nina Major Capote at 1Lieutenant Fortuno ng pinagsanib na 2nd Scout Ranger Coy at MIG 14. Pinagsisipa, kinulata, kinaladkad sa batuhan at ibinilad siya sa init ng araw habang nakababad ang kanyang katawan sa tubig lawa. Binaril siya sa dibdib. Si Erwin Bacarra (Ka Elre) naman na tinamaan lamang sa paa at wala nang laban ay tinadtad pa ng bala. Sa autopsy ay natuklasang binasag pa ang kanyang ari. Pagkapatay sa mga kasama, animo�y hayop na isinako ang mga bangkay nila. Planong ipahila lamang sa halip na isakay sa bangka ang mga bangkay subalit napigilan ito ng mga taumbaryo.

Hulyo 31. Pinatay ng kaaway si Herman de Castro (Ka Edwin) matapos itong dukutin mula sa San Pablo Community Hospital habang nagpapagamot. Si Ka Edwin ay nasugatan sa braso sa labanan sa pagitan ng BHB at isang platun ng Back to Basics Class 01-01 sa Sta. Lucia, Nagcarlan, Laguna noong Hulyo 31. Agad siyang dinala sa ospital ng mga kasama. Noong Agosto 1, kinuha siya sa ospital nina Lt. Col. Danilo Leyva at Sgt. Rodolfo de Guzman ng Task Force Banahaw upang dalhin umano sa ospital sa Fort Bonifacio. Ang mga papeles na dala-dala nila para mailabas si Ka Edwin ay sapilitang pinalagyan ng kanyang thumbmark (marka ng hinlalaki). Hindi dinala si Ka Edwin sa Fort Bonifacio. Noong Agosto 3 ay natagpuan ang kanyang bangkay sa Funeraria Guevara sa San Pablo City.

Hulyo 26. Pinabayaan ang sugatang si Ka Miro (Dino Noro�a, isang mandirigmang tubong Sta. Cruz, Laguna at anak din ng isang retiradong upisyal militar) matapos ang labanan sa pagitan ng BHB at mga elemento ng 59th IB sa Sityo Pulong Bestre, Barangay Tungkod, Sta. Maria, Laguna. Hindi malubha ang sugat na natamo niya sa labanan subalit napag-alaman na lamang makalipas ang ilang araw na siya�y namatay.

 


Previous articleBack to topNext article

Oktubre 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal: Pag-ibayuhin ang mga rebolusyonaryong pagkilos sa harap ng gerang agresyon ng US at ng tumitinding reaksyon
Ang digmang agresyon ng US sa Afghanistan
Ano ang Northern Alliance?
Tuluy-tuloy ang protesta sa Pilipinas laban sa digmang agresyon at reaksyon
Nagngingitngit na galit laban sa gubyernong US at UK
Mga Ulat Koresponsal: Mga suliranin ng mga magsasaka�t manggagawang bukid sa mga niyugan sa Kabikulan
Mga Ulat Koresponsal: Mga pakikibaka ng mamamayan laban sa Lepanto Mines
Mga Ulat Koresponsal: Rebolusyong agraryo sumusulong sa Cagayan Valley
Mga Ulat Koresponsal: Paglalabas ng Kalatas habang nasa gawaing masa
Sagot sa tuluy-tuloy na atake ng kaaway sa Gitnang Luzon: Puspusang pagtangan at pagpapakahusay sa pakikidigmang gerilya
Pagpaparami at pagpapalaganap ng Ang Bayan: Kumbinasyon ng kilusang masa at paggamit ng modernong teknolohiya
Pananalanta ng pasistang estado: Mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao (Hulyo-Oktubre 2001)
Naghuhuramentado ang mga terorista at mersenaryong AFP at PNP ni Macapagal-Arroyo sa kanayunan:
Pahayag ni Gregorio "Ka Roger" Rosal, Tagapagsalita, Partido Komunista ng Pilipinas

Mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.