Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Balita

Kasunduan sa Karapatang Pantao, Pinirmahan ng NDF, GRP

Pinirmahan ng mga panel ng National Democratic Front (NDF) at ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) ang isang kasunduan hinggil sa karapatang pantao at pandaigdigang batas na makatao (international humanitarian law) noong Marso 16 sa Utrecht, The Netherlands. Ang kasunduan, na siyang unang pinirmahan ng dalawang panig mula nang masimulan ang substantive phase ng usapang pangkapayapaan noong 1995, ay pipirmahan naman ng mga prinsipal ng dalawang panel sa isang seremonyang gaganapin sa Maynila ngayong Abril. Isang raling pangkapayapaan ang ilulunsad rin sa buong kapuluan upang gunitain ang pirmahan.

Nagkaroon ng deadlock sa negosasyon sa loob ng maraming buwan sanhi ng di pagpayag ng GRP na isama sa kasunduan ang usapin ng kumpensasyon para sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Magbabalangkas na lamang ng ibang kasunduan hinggil sa kumpensasyon.

Ang susunod na paksa sa apat-na-puntong adyenda ng usapan ay hinggil sa repormang panlipunan at pang-ekonomya.

Pusakal na Opisyal ng Barangay, Pinarusahan ng BHB

Pinatawan ng rebolusyunaryong hustisya ng isang tim ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) si Zoilo Lopez, isang pusakal na opisyal ng barangay na maraming matinding pagkakasala sa mamamayan at rebolusyunaryong kilusan. Si Lopez, na kapitan ng Barangay Sampiruhan, Calamba, Laguna ay pinarusahan nang ika-10 n.g. noong Pebrero 15 sa tapat ng Sampiruhan Elementary School. Ayon sa pahayag ng BHB, utak si Lopez sa pagpaslang sa limang katao, sa tangkang pagpatay sa apat na katao at sa nakawan ng mga gamit sa pangingisda ng mga maralitang mangingisda sa Calamba. Isa rin siyang pusakal na mangangamkam ng lupa at tagapagpondo sa lambat paniktik ng lokal na reaksyunaryong gubyerno. Aktibo siyang lumalahok sa kontrarebolusyunaryong paniktik sa mga pinaghihinalaang myembro ng progresibong kilusan. Ayon pa rin sa BHB, sangkot si Lopez sa marahas na demolisyon ng mga manininda sa pamilihang bayan ng Calamba. Protektor din siya ng pagbebenta ng iligal na droga at iligal na pasugalan. Sa pagparusa nito kay Lopez, inilinaw ng BHB na kailanma'y hindi palalampasin ng rebolusyunaryong kilusan ng anumang pang-aapi, panunupil at pagsasamantala sa mamamayan.

Partido, Nagpugay sa Masang Kababaihan

Pinapurihan ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang masang kababaihang Pilipino sa okasyon ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis nitong Marso 8.

Sa kanyang pahayag sa himpapawid, nagpugay si Gregorio 'Ka Roger' Rosal, pambansang tagapagsalita ng PKP, sa libu-libong kababaihang kasapi ng Partido at mga rebolusyunaryong organisasyong masa.

Sa kabilang banda, ani Rosal, ang mayorya ng kababaihan ay biktima ng pagsasamantala, pangaapi at diskriminasyon. Ang diskriminasyon, ani Rosal, ay pabor sa imperyalistang globalisasyon. Ipinaliwanag niya na ang masang kababaihan ay inilalako sa mga imperyalista bilang maamo at murang lakas-paggawa. Konsentrado rin, aniya, ang kababaihan sa pinakamabababang uri ng trabaho sa mga import-dependent, export-oriented, low value added na empresa na naglipana ngayon sa bansa.

Inilinaw ni Rosal na hindi mapapawi ang mga suliranin ng kababaihan sa pamamagitan lamang ng mga batas laban sa sexual harassment at diskriminasyon. Hindi rin ito, aniya, malulutas sa pagkakaroon ng mas maraming babaeng mambabatas o ng mga sectoral representatives sa konggreso. Ani Rosal: "Walang saysay (ang mga ito) hangga't ang lehislatura at buong sistema ng gubyerno ay hawak ng mga pro-imperyalistang kumprador burges at panginoong maylupa na siya ring pangunahing nagsasamantala at nang-aapi sa mamamayan at masang kababaihan".

Lubos sa lalaya lamang ang masang kababaihan, ani Rosal, sa pamamagitan ng kanilang organisado at rebolusyunaryong pagkilos.

Testigo, Idiniin ang RAM sa Kasong Pagpatay kay Olalia

Matapos ang 11 taon, muling tumambad sa midya nitong Enero ang kaso ng pagpatay kay Rolando Olalia, lider ng Kilusang Mayo Uno, at ng kanyang drayber na si Leonor Alay-ay. Naganap ang karumal-dumal na krimen noong Nobyembre 1986 nang dukutin, tortyurin at paslangin ang dalawa.

Nabuhay muli ang kaso nang lumantad at tumestigo ang isa sa mga sundalong sangkot sa krimen. Inamin ni dating SPO3 Medardo Barreto na kabilang siya sa tim ng Reform the Armed Forces Movement (RAM) na inutusang dumukot at pumatay kay Olalia.

Pinatay si Olalia bilang bahagi ng pakanang destabilisasyon laban sa rehimeng Aquino na pinasimunuan ng mga paksyunalista sa Armed Forces of the Philippines. Sa naturang pakana na binansagang "God Save the Queen," nilayon ng RAM na udyukin ang mga militanteng organisasyon na maglunsad ng mga pag-aalsa bilang reaksyon sa pagkakapatay kay Olalia. Balak gawing dahilan ng RAM ang pagaalsa upang agawan ng kapangyarihan si Aquino sa isang kudeta. Naudlot ang planong kudeta nang mabunyag ito sa publiko.

Kabilang sa mga lider ng RAM na direktang isinangkot ni Barreto sa kaso ay si Kol. Eduardo 'Red' Kapunan. Bagamat hindi direktang binabanggit, sangkot din si dating Kol. Gregorio 'Gringo' Honasan (isa nang senador) at Sen. Juan Ponce Enrile (Kalihim sa Depensa sa panahong iyon).

Ayon kay Barreto, mula noong 1992 ay anim na sa kanyang kasamahang sundalong imbwelto sa kaso ang ipinapatay ng mga lider ng RAM upang mapanatiling lihim ang sirkumstansya ng pagpaslang kay Olalia. Nangamba si Barreto na siya na ang isusunod, kaya't nagpasya na siyang lumantad.

Samantala, inakusahan ng mga abugado ng pamilya Olalia at Alay-ay ang RAM na siyang nanloob sa opisina nila nitong Pebrero at nagnakaw sa mga papeles na may kinalaman sa kaso.

 


Previous articleBack to topNext article

03 Enero 1998
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Ang rebolusyunaryong dalawahang taktika sa reaksyunaryong eleksyon

Ibayong Lumulubog sa Kumunoy ng Pagkaalipin
Total Logging Ban sa Mindanao:
Kilusang Masa Laban sa mga Berdugo ng Kalikasan

Pangayaw Laban sa Alsons
Mga Lumad sa Timog Mindanao
Matatatag na Base ng Rebolusyon

Balita
Latian ng Liguasan
Luntiang Lupain, Nais Angkinin

Paglilinaw Hinggil sa Pagpapalaya kay SPO3 Martillano Magtagad
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.