Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Kalagayan ng mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita:
Matabang lupa para sa rebolusyon

 Read this article in English

"Ang tanging solusyon sa mga suliranin ng mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita ay rebolusyong agraryong nasa balangkas ng pambansa-demokratikong pakikibaka." � Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid

Mahigit isang buwan nang tuluy-tuloy na pagkilos mula noong Mayo 20 ang isinagawa ng mga manggagawang bukid laban sa bagong patakarang ipinapataw sa kanila ng Hacienda Luisita Inc. (HLI). Libu-libong magbubukid mula sa 10 baryong saklaw ng asyenda ang lumahok dito. Nagkaroon na ng marahas na kumprontasyon dito bunga ng probokasyong ginawa ng pinagsanib na mga pwersa ng militar, pulis, CAFGU at mga gwardya ng asyenda na sama-samang nandarahas sa mga trabahador.

Ang 6,000 ektaryang lupaing bumubuo ng Hacienda Luisita sa Tarlac ay pag-aari ng angkan nina Peping Cojuangco at dating presidente Corazon Aquino. Mula pa sa rehimeng Aquino, ipinagmamalaki ito ng magkakasunod na rehimen bilang showcase ng tagumpay diumano ng repormang agraryo ng gubyerno. Ang 5,228 manggagawang bukid rito ay ginawang laru-laruan ng iba�t ibang iskema ng iba�t ibang rehimen para ikutan ang repormang agraryo. Noong huling bahagi ng dekada 1980, sinimulan sa asyenda ang land-distribution scheme na kaagad pinalitan ng stock-distribution scheme. Bawat iskemang ito ay tinatakan ng gubyerno na "tagumpay" at "modelo" sa pagpapatupad ng repormang agraryo. Subalit para sa mga manggagawang bukid rito, bawat iskema na ipinapataw sa kanila ay ibayong kahirapan at pagsasamantala.

Ipinataw noong Mayo 13 ang bagong patakaran sa paggawa ng HLI na siyang dahilan ng sama-samang pagkilos ng mga manggagawang bukid. Ang bawat manggagawang bukid ay pinagtatrabaho na lamang nang tatlong oras bawat linggo o kaya ay dalawa hanggang tatlong araw sa isang buwan at tatanggap ng sahod na P73.00 kada linggo o di kaya�y P291.75 bawat buwan. Bunsod ito ng bagong patakarang relyebo. Hindi na rin pinapayagan ang obertaym at hindi na rin bibigyan ng trabaho ang mga manggagawang bukid sa tag-ulan. Labag ito sa probisyon ng collective bargaining agreement (CBA) na napagkasunduan ng unyon at maneydsment ng HLI na ang bawat manggagawang bukid ay may garantiyang magtrabaho sa asyenda nang anim o pitong araw bawat linggo at tatanggap ng sahod na P194.50 kada araw batay sa walong oras na pagtatrabaho.

Batay pa rin sa bagong patakaran, kukuha na lamang ng 144 manggagawang bukid ang HLI sa bawat barangay kada linggo. Taliwas ito sa nilalaman ng CBA na dapat makapagtrabaho ang 523 katao bawat barangay kada araw. Ang arawang pamantayan upang mabuhay ang isang animkataong pamilya sa labas ng Metro Manila ay P396.00 o P12,000.00 bawat buwan. Nangangahulugan na papatayin ng HLI sa gutom ang mga manggagawang bukid at pamilya nila sa balak na pagpapasahod na P291.75 bawat buwan (o abereyds na wala pang P10 bawat araw). Mas masahol pa, wala na ring kikitain ang mga manggagawang bukid sa tag-ulan.

Upang lubusin ang pagsasamantala, ginagamit ni Peping Cojuangco ang mga militar at pulis sa pandarahas sa mga manggagawang bukid. Ang pagbubuo ng mga iskwad ng sibilyang pwersang panseguridad sa ilalim ng CAFGU ay ipinursige ni Benigno "Noynoy" Aquino III, kongresman ng ikalawang distrito ng Tarlac at anak ni dating Presidente Aquino. Ginagawa ring pribadong hukbo ni Cojuangco ang 69th IB upang protektahan ang asyenda laban sa mga nagpuprotestang mamamayan. Kakutsaba rin ng HLI ang korte sa pagsasampa ng kasong kriminal sa 14 na manggagawang bukid kaugnay ng karahasang naganap noong unang hati ng Hunyo. Ang United Luisita Workers� Union naman, isang dilawang unyong pinamumunuan ni Francisco "Boy" Sigua, ay kinakasangkapan ng HLI sa pagtatraydor sa laban ng mga trabahador.

Umaani ng suporta ng mamamayan ang pakikibaka ng mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita na pinamumunuan ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (AMBALA). Sinuportahan ito ng Central Azucarera de Tarlac Labor Union, ang pinakamalaking organisadong grupo ng manggagawa sa Tarlac at ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Tarlac, ang kaanib na organisasyon sa prubinsya ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

Ang lubhang napagsasamantalahan at aping kalagayan ng mga manggagawa sa asyenda at ang paggamit ng mga instrumento ng karahasan upang ipagkait ang kanilang mga karapatan ay nagtutulak sa kanila upang puspusang isulong ang kanilang pakikibaka.

 


Previous articleBack to topNext article

Hulyo 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Rebolusyonaryong pakikibaka, pag-asa para sa tunay na repormang agraryo

VLT/DPS, punung-puno ng katiwalian
Mga Ulat Koresponsal:
Mahigit 11,000 magsasaka, nakinabang sa rebolusyong agraryo sa Hilagang Silangang Mindanao

Mga Ulat Koresponsal:
Matagumpay na kampanyang Kontra-usura, inilunsad sa Cagayan

Kalagayan ng mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita:
Matabang lupa para sa rebolusyon
Guingona, pinatalsik sa DFA dahil sa pagkontra sa Balikatan
Panghihimasok militar ng US
US, niyayanig ng mga iskandalong pampinansya
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.