Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Ubos kayang labanan ang VFA!

Minsan pang pinatunayan ng rehimeng Estrada ang sagad-sa-butong pagkapapet nito sa imperyalismong US at walang pakundangang paglapastangan sa pambansang soberanya at kapakanan. Noong Mayo 27, sa pakikipagsabwatan ng Malakanyang at ng Senado, niratipikahan ang Visiting Forces Agreement (VFA). Labing-walong senador ang nagkanulo sa pambansang interes at bumoto para rito. Samantala, limang mambabatas�sina Teofisto Guingona, Loren Legarda, Sergio Osme�a III, Aquilino Pimentel Jr. at Raul Roco�ang hindi sumang-ayon sa kasunduan.

Dahil sa ratipikasyon, at sa dati nang umiiral na Military Defense Treaty, malaya na muling makapaglulunsad ng mga malakihang ehersisyong militar ang mga tropang militar na Amerikano sa teritoryo ng bansa. Ang mga sundalong Amerikanong makagagawa ng krimen habang sila'y narito ay hindi mananagot sa mga batas ng Pilipinas. Ang mga daungan at paliparan ng bansa ay magmimistulang pag-aari ng imperyalismong US. Malaya nang pumasok at lumabas dito ang mga tropa at gamit pandigma, kabilang na ang mga sandatang nukleyar, nang hindi nirerekisa at walang binabayarang buwis o taripa. Sa madaling sabi, ang anumang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ay maaaring gawing baseng pandigma ng imperyalismong US anumang oras. At bilang tahasang pagsuko ng soberanya ng bansa, ang mga sundalong Amerikanong makagagawa ng krimen habang sila'y narito ay hindi mananagot sa mga batas ng Pilipinas.

Malaon nang inaasahan ang pagratipika ng papet na gubyernong Estrada sa VFA. Kasabwat ang US, naglunsad ng kampanya sa masmidya na labis na nagpalaki sa usapin ng pinag-aagawang mga isla ng Spratly. Ito'y upang lumikha ng takot hinggil sa diumano'y banta na sasalakayin ng Tsina ang Pilipinas at bigyang-matwid ang pagiging payong panseguridad raw ng VFA kapag nangyari ito. Pati pinuno ng grupong relihiyosong El Shaddai at isang artista sa pelikula ay ginamit upang linlangin ang bayan hinggil sa diumano'y mga benepisyong makukuha sa kasunduan. Subalit hindi nagpalinlang ang mamamayan.

Ilang linggo bago nagbotohan sa Senado, lalong pinaigting ng mga militante at makabayang organisasyon ang kanilang mga pagkilos laban sa VFA. Isang serye ng mga rali, piket at iba pang anyo ng protesta ang inilunsad sa harapan at sa loob mismo ng Senado. Sa isang pagkakataon, tinangkang supilin ng mga maka-VFA na senador ang pagpapahayag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas nang ipakulong nila ang mga lider nito.

Noong Mayo 5, ang mga militanteng kababaihan sa pamumuno ng GABRIELA ay nagkapit-kamay upang bumuo ng human chain mula sa embahada ng US hanggang sa Senado.

Noong bisperas ng botohan, naglunsad ng protest caravan ang mga militanteng organisasyon mula sa Kamaynilaan, Timog Katagalugan, Hilaga at Gitnang Luson para ipahiwatig ang matibay na pagkakaisa ng mamamayan laban sa VFA.

Noong Mayo 27, nagtipun-tipon sa harapan ng Senado ang mga sumali sa protest caravan mula sa iba't ibang rehiyon upang manindigan para sa pambansang kalayaan. Kasabay nito, naglunsad rin ng mga kilos protesta ang mga militanteng grupo sa mga mayor na syudad sa Kabisayaan at Mindanao.

Maging mga konserbatibong lider ng maimpluwensyang simbahang Katoliko ay nakihanay sa nagpoprotestang mamamayan. Sa isang pahayag, nanawagan ang arsobispong Katoliko na si Jaime Cardinal Sin sa mga senador na ibasura ang VFA. Aniya, ang VFA ay hindi kasangkapan ng, kundi banta sa, kapayapaan. Nagpahayag din ng pagtutol sa VFA ang Catholic Bishops Conference of the Philippines. Libu-libong mamamayan mula sa iba't ibang parokya ng Maynila ang namobilisang dumalo sa rali sa harap ng Senado.

Sa pagkakaratipika ng VFA, nangako ang mga progresibo at militanteng grupo na hindi nila tatantanan ang kanilang paglantad at pagtutol sa mga gagawing pagsasanay-militar ng mga tropang Amerikano at sa iba pang akto ng agresyon at panghihimasok ng imperyalistang US sa bansa.

 


Previous articleBack to topNext article

00 Mayo 1999
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Pagkaisahin ang mamamayan, labanan at gapiin ang pasistang kampanya ng rehimeng Estrada!

Desisyon na pormal na kilanlin ang de facto nang terminasyon ng gubyernong Estrada sa negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP
Taktikal na opensiba ng BHB laban sa panrehiyong kampo ng pulisya sa Bohol:
84 na armas, nasamsam ng BHB

Mga Pahayag
Patraydor na pag-aresto kay Vicente Ladlad, kinundena ng PKP
Isa pang taong krisis at paghihirap...
Paghuhubad sa lumalagong estadistika ng gubyerno

Isa pang taong krisis at paghihirap...
Pagsusuri sa ekonomya: lagpas sa usapin ng estadistika

Isa pang taong krisis at paghihirap...
Ipaglaban ang kagalingang pang-ekonomya ng mamamayan!

Bangayang Lastimoso-Lacson:
Away ng mga sindikatong kriminal sa PNP

Ang maralitang-lunsod:
Lugmok sa kahirapan

Laban ng maralitang-lunsod, laban ng uring manggagawa
Kalayaan ng mamamayang Timores:
Patuloy ang laban sa East Timor

Sumusulong:
Sa Cagayan-Apayao

Sumusulong:
Sa Silangang Kabisayaan

Ubos kayang labanan ang VFA!
Pahayag hinggil sa Visiting Forces Agreement
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.