Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Ulat Koresponsal:
Mamamayan sa Gitnang Kabisayaan, masiglang lumahok sa pakikibakang anti-Estrada

 Read this article in English

Kaisa ng buong sambayanan, ipinagdiwang ng rebolusyonaryong kilusan at mamamayan sa Gitnang Kabisayaan ang matagumpay na pagpapatalsik sa rehimeng Estrada noong Enero. Kasabay ng dambuhalang pagkilos sa EDSA at sa iba�t ibang sentrong lunsod sa Pilipinas sa panahong iyon, naglunsad ng higanteng mga aksyong masa ang mga progresibong pwersa at mamamayan sa rehiyon sa loob ng apat na araw. Nahigitan ng mga aksyong protestang ito ang laki at igting ng mga pagkilos sa rehiyon sa huling mga araw ng diktadurang Marcos.

Ayon sa Pakigbisog, rebolusyonaryong pangmasang pahayagan ng Gitnang Kabisayaan, rumurok sa 50,000 ang nagtipon sa sentro ng Cebu City noong hapon ng Enero 19. Ang pamunuan at lokal na mga pwersa ng AFP at PNP, gayundin ang ilang pulitiko sa rehiyon, ay nahikayat ng laki ng pagtitipon na talikuran si Estrada at ang kanyang rehimen.

Ang malalaking demonstrasyong ito ay naging posible bunga ng puspusang paghahanda ng mga rebolusyonaryo at progresibong pwersa. Pinanday nila ang pinakamalawak na pagkakaisa ng mamamayan sa pamamagitan ng kumon at koordinadong mga pagkilos at pormal at di pormal na mga organisasyon. Sa kalauna�y humantong ang mga ito sa papalaking pagkilos sa antas lunsod, prubinsya at rehiyon, kasabay ng mga pambansang pagkilos.

Sa kasalukuyan, puspusan ang pagsisikap ng mga rebolusyonaryong pwersa sa rehiyon na konsolidahin ang mga tagumpay na nakamit sa malapad na prenteng anti-Estrada. Kasabay nito, tuluytuloy na isinusulong ng mga rebolusyonaryong pwersa ang paglulubos ng pakikibaka laban sa pangkating Estrada.

Kaugnay nito, tiniyak ng Arnulfo Ortiz Regional Operational Command ng Bagong Hukbong Bayan ang kakayahan nitong ilunsad ang mga kinakailangang taktikal na opensiba upang parusahan ang pinakapusakal na kakutsaba ng rehimeng Estrada sa rehiyon. Kasama rito ang mga kasabwat sa hweteng at iba pang kriminal na sindikato ni Estrada at yaong mga sangkot sa malakihang korapsyon at anomalya mula sa mga kikbak at suhol ng mga maka-imperyalistang proyekto sa rehiyon. Sa panahon ng rehimeng Macapagal-Arroyo, patuloy na isusulong ng Partido, hukbong bayan at rebolusyonaryong pwersa sa rehiyon ang matagalang digmang bayan at pinalalakas ang rebolusyonaryong kilusang masa at nagkakaisang prente.

Kagyat na binibigyang-atensyon ng rebolusyonaryong pwersa sa rehiyon ang konsolidasyon ng mga kabataang aktibista at kanilang mga organisasyon, na produkto ng kilusang anti-Estrada. Sa gayon, paparaming aktibista mula kabataang magsasaka, manggagawa, maralitang lunsod at mga estudyante ang nahihikayat na lumahok sa bagong-demokratikong rebolusyon. Kinikilala ng rebolusyonaryong pwersa ang kahalagahan ng patuloy na pagrekluta ng kabataan, sa partikular mga kabataang nakapag-aral, sa hukbong bayan para sa tuluy-tuloy na pagsulong ng matagalang digmang bayan.

 


Previous articleBack to topNext article

Mayo 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Walang makabuluhang pakinabang ang bayan sa nagdaang eleksyon

Sa ilalim ng bagong rehimen:
Mga ipinaglalaban ng manggagawang Pilipino

Panayam kay Ka Roger
Muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GRP, matagumpay na idinaos
Mga Ulat Koresponsal:
Laban sa pandarambong sa yaman ng Kordilyera

Mga Ulat Koresponsal:
Mamamayan sa Gitnang Kabisayaan, masiglang lumahok sa pakikibakang anti-Estrada
Mga Ulat Koresponsal:
Mga taktikal na opensiba, patuloy na inilulunsad sa Kabikulan

Mga Ulat Koresponsal:
Mga pagpaparusa sa Hilagang Mindanao, ipinaliwanag

Mga balita ng pakikibaka
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.