![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Umani ng tagumpay ang mga magsasaka sa Guimaras at Panay sa kanilang kampanyang kontra-gutom noong nakaraang Agosto. Sa iba.t ibang paraan at pagkakataon, daan-daang magsasaka ang sama-samang naggiit ng subsidyong bigas sa mga lokal na gubyerno.
Sa Dumarao pa rin, hindi napigilan ang mga magsasaka sa Stockfarm, Barangay Bungsuan ng mga panlilinlang at pananakot ng mga tauhan ng Bureau of Animal Industry at 314th Provincial Mobile Group ng PNP. Iginiit nila sa pamahalaang prubinsyal na bigyan sila ng subsidyo. Resulta ng kanilang sama-samang pagkilos, iniuwi nila ang 48 sakong bigas. Napilitan namang mangako ang mga lokal na gubyerno sa Ilo-ilo na magbigay ng subsidyo sa mga magsasaka sa Janiuay, Maasin at Oton. Si Mayor Frankie Locsin ng Janiuay ay nangakong maglaan ng P65,000 mula sa natipid ng bayan para sa relief. Laganap ang kagutuman sa buong isla ng Panay. Bagsak ang produksyon ng palay, asukal at niyog. Bagsak din maging ang nakukuhang ani mula sa dagat. Tinatayang aabot sa isang milyong metriko toneladang palay ang mababawas sa buong produksyon ng palay sa Region 6 para sa 2002 dulot ng sunud-sunod na mga sakuna at ng El Ni�o. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|