Huwad na reporma sa lupa ng gubyerno, inutil
Habang lumalaon, lalong malinaw na nakikita ang pagiging huwad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng reaksyunaryong estado. Matapos ang 17 taon, ang mga magsasaka ay wala pa ring lupa at naghihikahos pa rin, kabilang na yaong umano�y benepisyaryo ng programa ng gubyerno.
Makikita sa mismong pag-aaral ng Department of Land Reform (DLR) nitong Abril na huwad, inutil at walang kinahinatnan ang CARP sa layuning palayain ang mga magsasaka mula sa kahirapan at pyudal na pagsasamantala.
Kung titingnan ang estadistika ng DLR, sa ilalim ng CARP ay makikitang patuloy na dumausdos ang kita ng mga magsasakang nakapailalim sa programa. Mula 1990 hanggang 2000, bumagsak nang 8.9% ang kinikita ng mga magsasakang saklaw ng CARP. Ang kita nila, sa tantya ng DLR, ay aabot lamang sa `66,000 kada taon. Kalahati lamang nito ang mula sa produksyong agrikultural.
Kung paniniwalaan ang DLR, mula nang ipatupad ang CARP, aabot na sa 3.5 milyong ektarya ang naipamahagi ng gubyerno. Walumpu�t dalawang porsyento (82%) umano ito ng target na 4.3 milyong ektarya. Pero sa katunayan, katulad ng paulit-ulit na idinidiin ng mga magsasaka ay kalakhan ng sinasabing naipamahaging lupain ay mga pampublikong lupain na malaon na nilang sinasaka at pinauunlad. Ang totoo, aabot lamang sa 1.5 milyong ektarya�maliit na bahagi lamang ng kabuuang pribadong lupain�ang ipinailalim sa CARP. Walumpung porsyento (80%) nito ay mga niyugan, 15% mga tubuhan at 5% mga komersyal na sakahan.
Nananatiling hawak ng malalaking panginoong maylupa ang daan-daang ektaryang mga lupain kung saan dumaranas ng malupit na pagsasamantala at paghihirap ang masang magsasaka. Ginamit nila ang samu�t saring mga probisyon ng batas sa reporma sa lupa upang mapanatili nila ang kanilang kontrol sa kanilang pyudal na propyedad.
Kabilang dito ang iskemang �stock distribution option� ng CARP kung saan mga sapi ng korporasyon at hindi lupa ang diumano�y ipinamamahagi ng mga panginoong maylupa. Ito ang isa sa mga pangunahing patakaran na ginamit upang panatilihin ang malawak na pag-aari ng mga Cojuangco sa Hacienda Luisita; at isa sa mga pangunahing patakarang nilalabanan ng mga manggagawang bukid roon. Ipinanawagan nila ang pagpapawalambisa nito at ang tuwirang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka. Bunga ng kanilang maigting na paglaban, naoobliga ngayon ang DLR na ipailalim sa rebyu ang 13 kaso ng SDO.
Mas masahol pa, karamihan sa mga lupaing umano�y ipinamahagi na ay binawi o kasalukuyang binabawi sa pamamagitan ng kanselasyon ng mga CLOA (Certificate of Land Ownership Award), EP (Emancipation Patent) at CLT (certificate of land transfer, mula pa sa programa ng repormang agraryo ni Marcos) dahil sa kabiguang hulugan ang mga ito. Noong 2000, ayon sa di kumpletong datos ng DLR, nakansela na ang 1,892 EP at CLOA na sumasaklaw sa 375,000 ektaryang lupain. Ngunit sa ibang pag-aaral, noong 1999 pa lamang, makikitang aabot na sa 32,598 EP at CLOA ang kinansela. Tiyak na mas malaki pa sa bilang na ito ang aktwal na kinansela ng gubyerno.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|