Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Rebolusyonaryong Kilusan sa Metro Manila
Muling Pagbubuo at Ibayong Pagsulong

 Read this article in English

Kumpleto na ang muling pagtitipon ng mga proletaryong rebolusyonaryo at muling pagbubuo ng organisasyon ng Partido sa Metro Manila mula sa bingit ng pagkawasak. Masigasig na nagpapanibagong-lakas ang Partido at rebolusyonaryong kilusan sa ganap na mas maunlad na batayan ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto at mulat na pagtatakwil sa rebisyunismo, insureksyunismo at oportunismo laluna ng Trotskyistang pangkating Lagman.

Upang biguin ang walang habas na pananalakay ng mga kontrarebolusyonaryong kaaway sa loob at labas, muling tinipon ng Partido ang relatibong maliit na bilang pero matapat na mga proletaryong rebolusyonaryo at mga aktibistang masa.

Sa pakikibaka sa rebisyunismo at oportunismo ng pangkating Lagman, sa matapat na pagwawaksi sa malulubhang paglihis at pagkakamali sa nakaraan, at mulat na pagtataguyod sa Marxismo-Leninismo-Maoismo at pangkalahatang linya ng demokratikong rebolusyong bayan, higit pang naitaas ang kakayahan sa ideolohiya, pulitika at organisasyon ng Partido sa rehiyon.

Kasabay ng internal na konsolidasyon, aktibong pinamumunuan at isinusulong ng Partido ang rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayan, laluna ng masang manggagawa at iba pang maralita ng lunsod. Sa nakaraaang ilang taon patuloy na bumilis ang pagpapalitaw at pagsasanay ng mga bagong pwersang pumalit sa mga nangabulok, nagtaksil at nangawala.

Sukatan ng mabungang pagpapanibagong-sigla ng rebolusyonaryong kilusang masa sa rehiyon ang mahigit 35,000 manggagawang natipon sa raling paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa noong 1997, ang libulibo napakilos ng rehiyon sa rali laban sa pakanang charter change ni Ramos noong Setyembre 1997 at ang libulibong napalahok sa Lakbayan Laban sa Kahirapan noong Oktubre ng taon ding iyon.

Masigla ring tumugon ang masa sa mga panawagan para sa mga welga laban sa pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo at iba pang protestang masa. Masiglang lumalawak ang kilusang masa sa mga pabrika, komunidad at paaralan.

May ilandaang empresa ang tuwirang saklaw ng gawaing masa ng panrehiyong organisasyon ng Partido. Mabisang napamumunuan o di kaya�y naiimpluwensyahan ang karamihan ng mga unyon sa mga ito. Mula Abril hanggang Nobyembre 1997, dumami nang 31% ang bilang ng mga aktibistang manggagawa sa mga pabrika.

Mahigit 100 komunidad ng maralita ng lunsod na may ilampung libong naninirahan ang tuwirang saklaw ng kilusan ng maralitang lunsod sa rehiyon. Sa loob ng anim na buwan noong 1997, lumaki nang 11% ang kasapian ng mga organisasyong masa sa mga nasabing komunidad. Masiglang lumalahok sa mga protesta at pakikibakang masa ang mga maralita ng lunsod at lumalaki ang bilang ng mga manggagawa sa mga pabrika na napalalahok sa mga demontrasyon sa lansangan.

Ang kilusang estudyante sa rehiyon ay sumasaklaw sa ilampung paaralang may ilampung libong estudyante, ilang libong empleyado at ilandaang guro. Sa pamamagitan ng militanteng pakikibaka, naipanalo sa ilang eskwelahan ang pagtatayo ng konseho ng mga mag-aaral.

Napamumunuan, naiimpluwensyahan at nauugnayan ng mga aktibistang estudyante ang mga organisasyong akademiko at tradisyunal na halos 10,000 ang saklaw. Halos tatlong ulit ang inilaki ng bilang ng mga aktibistang estudyante sa rehiyon mula Abril hanggang Nobyembre 1997.

Umuunlad at sumusulong ang gawaing pangkultura sa mga komunidad at paaralan. Mulat na nailalakip ang pangkulturang pagtatanghal sa lahat ng pagtitipon at aksyong masang inilulunsad. Tampok na halimbawa rito ang paglahok sa ginanap na Lakbayan ng halos 90 mga dramatista, mang-aawit, mananayaw, pintor at iba pang alagad ng sining.

Rebolusyonaryong Kilusang Masa at Pakikibaka sa Metro Manila

Mula�t sapul, binigyan ng pinakamataas na pagpapahalaga ng Partido ang rebolusyonaryong kilusan at pakikibaka sa kapitolyong rehiyon bilang esensyal na rekisito sa matatag at lahatang-panig na pagsulong ng demokratikong rebolusyong bayan. Mahigpit na nauunawaan ito ng Partido dahil dito nag-umpisa ang muling pagtitipon at pagpapanibagong-sigla ng kilusan mula sa abo ng lumang pinagsanib na Partido at hukbong bayan na nilikida ng rebisyunismong Lava.

Pinamunuan ng mga proletaryong rebolusyonaryong kadre ang paglalatag ng pundasyon ng rebolusyonaryong kilusang masa sa kalunsuran noong dekada �60. Ito�y direktang paghahanda para sa muling pagtatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas sa patnubay ng MLKMZ noong 1968 at pagbubuo ng BHB noong sumunod na taon. Umunlad ang rebolusyonaryong kilusang masa sa kalunsuran. Mula rito, agad na nakapagtalaga ang Partido ng mga kadre mula sa Metro Manila at iba pang lunsod at sentrong bayan upang tumulong sa paglalatag ng mga sona at larangang gerilya sa kanayunan.

Ang pagsulong ng demokratikong kilusang masa sa rehiyon ay produkto ng masikhay na pag-oorganisa sa hanay ng kabataan-estudyante, manggagawa at mga propesyunal. Bunga rin ito ng pagpapalaganap ng linya ng demokratikong rebolusyong bayan sa pamamagitan ng mga sirkulo sa pag-aaral, mga lathalain at sulating progresibo. Inilunsad rin ang mga militanteng aksyong masa upang itaguyod ang demokratikong interes at kapakanan ng mamamayan at ilantad at labanan ang imperyalismong US at mga lokal na papet nito.

Mula sa mga pagpupunyagi noong dekada �60, rumurok ang panibagong pagsigla sa rebolusyonaryong kilusang masa sa rehiyon sa daluyong ng mga taong 1970- 72. Tampok dito ang Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970. Kaalinsabay ay nailatag sa pambansang saklaw ang rebolusyonaryong kilusang masa sa kalunsuran. Hindi kailanman binitiwan ng muling-tatag na Partido ang rebolusyonaryong gawain at pakikibaka sa kalunsuran kahit sa pinakamadilim na mga taon ng pasistang diktadurang US-Marcos. Ang sindak ng pasistang lagim ay nilabanan at inigpawan ng demokratikong rebolusyonaryong kilusang masa sa rehiyon.

Nakapagpalaki ang Partido, mula 800 kasapi bago ibagsak ang batas batas militar hanggang mahigit 1,000 bandang kalagitnaan ng dekada �70, sa kabila ng pang-aaresto at pagtatangka ng diktadurang lumpuhin at wasakin ang rebolusyonaryong kilusang masa sa kalunsuran. Patuloy din itong nakapag-ambag sa pambansang paglalatag ng mga larangang gerilya sa kanayunan.

Alinsunod sa estratehikong linya ng pagkubkob ng kalunsuran mula sa kanayunan, tinitiyak ng Partido sa tuwina na may sapat na bilang at kalidad ng mga piling kadre na nagsusulong ng ligal na kilusang demokratiko at rebolusyonaryong kilusang lihim sa Metro Manila, na ikinokoordina at sumusuporta sa armadong kilusan at pakikibaka sa kanayunan.

Rebisyunistang Pambabaluktot

Ang rebisyunistang pambabaluktot sa linyang ito ng pakikibakang lunsod sa Pilipinas ang nasa kaibuturan ng malulubhang paglihis at kamaliang insureksyunista, putsista, adbenturista at oportunista na labis na puminsala sa Partido at kilusan sa rehiyon mula ikalawang hati ng dekada �70.

Upang ilako ng Trotskyistang pangkating Lagman ang linya ng insureksyunismong lunsod, ipinalaganap nito ang maling pagsusuring kapitalista o atrasadong kapitalista na ang lipunang Pilipino. Batay sa ganitong pagsusuri, pangunahing pwersa na diumano ng rebolusyon ang uring manggagawa at gayo�y insureksyon at di matagalang digmang bayan ang nararapat na estratehiya ng rebolusyon.

Ipinalaganap nila ang mga pantastikong hakahaka tungkol sa pagkahinog ng sitwasyon noong 1989-1990 para sa insureksyong lunsod. Anila�y kagyat na ang pagsugod ng rebolusyonaryong pwersa sa mga estratehikong mapagpasyang pakikipagsagupa sa kalunsuran.

Sa kabilang banda, itinaguyod rin nila ang adbenturista at putsistang taktika upang �kalburuhin� ang pagpapasambulat ng insureksyon. Ito�y sa pamamagitan ng mga paraang ahenteng probokador, militarista at populista. Pangunahing sumusugal ang gayong mga paraan sa ispontanyong kamalayan at pagkilos ng masa at mga paksyunal na alitan ng mga reaksyunaryo.

Pinairal nila ang kaisipang maliit na grupo, ultrademokrasya at, bandang huli, paksyunalismo at linyang tahasang anti-Partido.

Ang lahat ng ito�y humantong sa wala pang katulad na mga pinsala, pagkawala ng inisyatiba, pasibidad ng Partido at kilusan sa rehiyon.

Ang gayong paglihis sa oryentasyon ng kilusang lunsod ay walang ibang patutunguhan kundi ang ganap na paghihiwalay ng pakikibakang lunsod sa kabuuang rebolusyonaryong pakikibaka. At kung hiwalay sa digmang bayan, hindi makasusustini at makapagpupunyagi sa mahabang panahon ang rebolusyonaryong kilusan sa lunsod. Sa kabilang banda, hindi rin magtatagumpay ang digmang bayan kung hindi sumusulong ang kilusang masa sa kalunsuran at kung walang lubos at tuluy-tuloy na suporta mula rito.

Ang tanging landas sa pagwawasto ay ang matatag at determinadong pagpupunyagi sa ligal na demokratikong kilusan sa lunsod at matiyagang pag-iipon ng solidong rebolusyonaryong lakas habang mahigpit na sumusuporta sa kilusan at digma sa kanayunan. Kailangang hinog ang kundisyon at sapat ang lakas bago ilunsad ang pinal na opensiba ng Hukbong Bayan at pangkalahatang pag-aalsa sa kalunsuran para agawin ang kapangyarihang pampulitika mula sa mga naghaharing uri.

Patuloy na Lahatang-Panig na Pagsulong

Nang lumabas sa Partido ang mga rebisyunistang taksil na pinamunuan ng hibang na si Filemon �Popoy� Lagman, unti-unting muling nakabangon at nakapagpalakas ang organisasyon ng Partido sa Metro Manila sa pamamagitan ng pagpupunyagi sa pagbubuo sa ideolohiya at masikhay na gawaing masa.

Mula sa malubhang dislokasyon noong 1992, hindi lamang muling nabuo ang mga komiteng pandistrito at iba pang antas ng organisasyon ng Partido sa rehiyon kundi puspusan nang pinalalakas ang mga ito.

Sa kabilang banda, mabilis na nalalansag ang mga pwersang tinangay at nilinlang ng pangkating Lagman. Pagkaraan ng ilang putok ng maiingay ngunit malalabnaw na palabas para sa masmidya, mabilis na naubusan ng hangin ang mga pakulo ng pangkating Trotskyista. Walang pakundangan silang nangayupapa at nakipagkompromiso sa mga reaksyunaryong naghaharing uri. Inindorso nila ang antinasyunal at antimamamayang Pilipinas 2000 ng reaksyunaryong papet na rehimeng Ramos. Bunga nito, mabilis na nalantad at nahiwalay ang pangkating Lagman sa malawak na masa.

Ibayo pa itong nanghina at nabawasan ng lohistika nang humiwalay kay Lagman ang Alex Boncayao Brigade ni Sergio Romero bunga ng mga alitang personal at paksyunal. Dahil sa pagkamulat sa tunay na katangian ng pangkatin, muling lumalapit sa rebolusyonaryong kilusan ang mga unyon at iba pang pwersang nilinlang at tinangay nina Lagman.

Nasa mainam na pusisyon ngayon ang Partido at rebolusyonaryong kilusan masa sa Metro Manila upang ibayong isulong at pamunuan ang ligal na demokratikong kilusang masa sa gitna ng lumalalang krisis ng naghaharing sistema. Sumisidhi ang galit ng mamamayan bunga ng mabilis na pagsahol ng pambubusabos at pang-aapi. Napakapaborable ng obhetibong kalagayan para mapangahas na isulong at palakasin ang kilusan at pakikibakang anti-imperyalista, antipyudal at antipasista.

Masigla nang sumusulong ang mga protesta at pakikibakang masa. Kailangang isustini at mas palakasin pa ang momentum na ito upang ipagtanggol at isulong ang interes ng pinagsasamantalahan at aping mamamayan. Tungkulin ng panrehiyong organisasyon ng Partido sa Metro Manila na pamunuan, suportahan at palaganapin nang ubos-kaya ang paglaban ng masa. Kailangang palakasin at pag-ugnay-ugnayin ang mga ito sa mga malawakang pakikibakang pang-ekonomya at pampulitika ng sambayanan na matinding bumabatikos at humahambalos sa paghaharing neokolonyal, pyudal at pasista.

Malaki na ang inabot na pag-unlad ng Partido at rebolusyonaryong kilusang masa sa rehiyon ng Metro Manila mula nang mailarga ang Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto. Gayunpaman, malalim at masaklaw pa ang dapat abutin ng pagpuna at pagtatakwil sa mga pagkakamali upang puspusan at tuluy-tuloy ang pagwawasto. Natural lamang na malaganap sa sentrong lunsod ang mga kontrarebolusyonaryong impluwensya at ideya. Kailangang tuluy-tuloy itong bantayan at labanan.

Sa patnubay ng mga saligang prinsipyo at sa determinadong pagwawasto ng mga pagkakamali, higit nang mapagmatyag ang Partido at rebolusyonaryong kilusan sa Kamaynilaan sa anumang pag-usbong ng mga pagkakamali�t paglihis. Tiyak na magkakamit ito ng mas malalaki pang tagumpay sa hinaharap.

 


Previous articleBack to topNext article

09 Hulyo 1998
Edisyong Pilipino


Editoryal - Kleptokrasya at ang bulok na naghaharing sistema:
Ang Pangit na Mukha ng Burukratang Kapitalismo sa Rehimeng Estrada

Erap para kay Danding
Sino ang tunay na kriminal?
Ang Tiwali at Bulok na AFP at PNP

Visiting Forces Agreement
Magmimistulang base militar ng US ang buong Pilipinas

Pasismo at Kontrarebolusyonaryong Dahas ng Estadong Neokolonyal
Rebolusyonaryong Kilusan sa Metro Manila
Muling Pagbubuo at Ibayong Pagsulong
Hinggil sa Usapin ng Pambansang Minimum na Sahod
Mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.