Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Panghihimasok ng militar ng US

 Read this article in English

Sinimulan na nitong Abril 22 ang Balikatan 02-2 na nilalahukan ng 2,665 tropang Amerikano. Ito na ang pinakamalaking Balikatan kumpara sa lahat ng mga idinaos sa nagdaan. Kalahok din sa pagsasanay na ito ang 2,900 sundalong Pilipino. Ang mga pagsasanay na tatagal hanggang Mayo 6 ay kasalukuyang inilulunsad sa Clark Air Base sa Pampanga, Crow Valley sa Tarlac, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija at sa Marine Jungle Base sa Ternate, Cavite.

Kaugnay nito, nagpahayag ng pangamba ang mga komunidad ng Aeta (katutubong mamamayan sa Gitnang Luzon) hinggil sa pagtatayo ng AFP ng mga detatsment sa kanilang mga lugar at ang tiyak na pagdami ng mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao rito. Itinatayo ng AFP ang naturang mga detatsment bilang paghahanda sa Balikatan. Nagpapatupad rin ng curfew sa mga komunidad na inaakusahan ng AFP na kumakanlong sa BHB.

Bago nito, naglikha ng ingay ang rehimen hinggil sa panawagan ng tagapangulo ng Partido Komunista na maglunsad ng digmaan para sa pambansang kalayaan sakaling direkta nang salakayin ng mga tropang Amerikano ang rebolusyonaryong kilusan at mamamayan. Ginamit ito ng rehimen upang muling pagbantaan ang rebolusyonaryong kilusan at lahat ng sumusuporta rito.

Dagdag dito, 40 pamilyang Aeta ang pinalalayas sa kanilang mga tahanan sa Sityo Tarukan, Barangay Sta. Juliana, Capas, Tarlac malapit sa Crow Valley Gunnery Range. Pilit silang pinatitira sa mga eskwelahan dahil magpapaputok daw ng mga tunay na bala ang mga kalahok sa Balikatan 02-2.

Ang Crow Valley ay saklaw ng lupaing ansestral ng mga Aeta. Kinamkam ito ng US upang gawing ekstensyon ng dating Clark Air Base sa Pampanga. Sa ngayon, umaabot sa 300 pamilyang Aeta ang nakatira at nagsasaka sa Crow Valley.


Balikatan 02-1, daragdagan ng pwersa at pahahabain

Pormal na inaprubahan ni Macapagal-Arroyo nitong Abril 19 ang pagpasok ng karagdagang 340 tropang Amerikano sa Basilan. Ang pagpasok ng 280 US Navy Seabees at 60 Marines ay una nang iniutos ni US Defense Sec. Donald Rumsfeld. Ayon kay Brig. Gen. Emmanuel Teodisio, co-director for training ng Balikatan 02-1, tutulong ang mga sundalong Amerikano sa pagtatayo ng mga imprastruktura. Paghahanda ito para sa matagalang pagbabase ng mga tropang Amerikano sa bansa.

Bago nito, ipinahayag ni Macapagal-Arroyo ang kanyang pagsuporta sa balak na palawigin ang Balikatan 02-1. Pinalalabas ng rehimen na ang ekstensyon ay ayon sa kahilingan ng mga residente ng Basilan na tapusin ang mga sinimulang proyektong imprastruktura ng tropang Amerikano. Sa simula pa lamang, malinaw na walang plano ang US na sumunod sa nakasaad sa Terms of Reference.


Paglabag sa karapatang-tao, laganap sa Basilan

Umaabot na sa 113 residente ng Basilan, kabilang ang limang kababaihan, ang inaresto ng pulisya at militar mula nang simulan ang kampanya ng pagtugis sa bandidong Abu Sayyaf noong Hulyo 2001. Marami sa mga inaresto ay nananatiling nakakulong kahit may karapatan at kakayahan silang maglagak ng pyansa para sa mga kasong isinampa sa kanila. Wala ring itinatakdang petsa ng paglilitis para sa mga detenido.

Noong nakaraang taon naglabas ng memorandum ang Department of Justice na nagpapahintulot sa pang-aaresto kahit walang mandamyento (warrantless arrest). Ipinangangatwiran dito ang deklarasyon ni Macapagal-Arroyo na may kawalang pag-iral ng batas sa Basilan (state of lawlessness).


Korte Suprema, nagpasya pabor sa Balikatan 02-1

Sa hakbang na pabor sa pagyurak sa kasarinlan ng Pilipinas, nagpasya ang Korte Suprema sa botong 10-3 na "ligal at konstitusyunal" ang Balikatan 02-1. Hindi umano nang-abuso sa kapangyarihan si Gloria Macapagal-Arroyo. Wala rin umano sa katayuan ang Korte Suprema na husgahan kung ang mga pagsasanay ay mga operasyong militar sa aktwal.


Mga Moro sa Cagayan de Oro, kumilos laban sa Balikatan

Mahigit 200 Moro ang nagrali sa Cagayan de Oro City nitong Abril 6 para tutulan ang pananatili ng mga tropang Amerikano sa Basilan at Zamboanga at batikusin ang "digmang walang hangganan" ni George W. Bush. Noong Marso 17, naglunsad rin ng porum ang mahigit 50 Maranao mula sa Cagayan de Oro at Marawi City.

Bago nito, binuo noong Pebrero 23 sa Cagayan de Oro City ang isang multisektoral na koalisyon laban sa Balikatan 02-1, ang Out of Minda Now! Saklaw ng koalisyon ang 104 na taong simbahan, propesyunal, estudyante, kababaihan, abugado at mga kinatawan ng iba pang sektor mula sa Cagayan de Oro at iba pang bahagi ng Misamis Oriental. Binuo rin kasabay nito ang kontra-Balikatang koalisyon ng kabataan, ang Youth in Mindanao.


Mga pagkilos sa US at Canada, inilunsad

Daan-daang myembro ng Filipino Workers' Association (FWA) at iba pang mga manggagawa at aktibista sa San Francisco, California ang naglunsad ng anti-imperyalistang martsa sa Oakland noong Marso 23.

Sa Vancouver, Canada, mahigit 100 Pilipino ang nagtipon noong Marso 18 para sa talakayan hinggil sa panghihimasok ng US sa Pilipinas. Karugtong ito ng March 17 pandaigdigang araw ng pagkilos na ipinanawagan ng Migrante International upang wakasan na ang presensyang militar ng US sa Pilipinas.

 


Previous articleBack to topNext article

Abril 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Manggagawa, manguna sa pakikibaka para lubusang ihiwalay ang rehimeng Macapagal-Arroyo!

1902-30: Maningning na makauri at anti-imperyalistang kasaysayan ng kilusang paggawa sa Pilipinas
DOLE Order 18-02:
Pagtataguyod sa kontraktwalisasyon

Ang pang-aapi ng kontraktwalisasyon sa mga manggagagawa
Kontraktwalisasyon sa SM
Mga anti-manggagawang desisyon ng Korte Suprema
Lumalalang disempleyo
Panghihimasok ng militar ng US
Pandarambong ng mga Marcos, ibinabaon na sa limot
Mga Ulat Koresponsal: Kumpanya pinarusahan, pulis inambus sa Agusan del Norte
Mga Ulat Koresponsal: Rebolusyonaryong kilusan sa Hilagang-Silangang Luzon, nagpupugay sa mga tagumpay
Mga Ulat Koresponsal:
Mga paglabag sa karapatang-tao, lumalala sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo

Desperadong pag-atake ng Israel sa Palestine
Walang pakundangang terorismo ng Israel sa Palestine
Kinukundena ng buong mundo ang panibagong pananalakay ng Israel sa Palestine
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.