Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Editoryal:
Labanan ang mga pasistang hakbang ng rehimeng US-Arroyo

 Read this article in English

May maisasangkalan na naman ang rehimeng Arroyo para buhayin ang mga hakbanging sumisikil sa mga kalayaang sibil. Ang tatlong magkakasunod na pambobomba sa mga syudad ng General Santos, Davao at Makati noong Pebrero 14 na ikinamatay ng di kukulangin sa 10 katao at ikinasugat ng ilampung iba pa ay ginagamit ngayong dahilan kung bakit kinakailangan umanong magpatupad ng mas mababagsik na hakbang laban sa terorismo.

Itinutulak ngayon ng rehimeng Arroyo ang mga pasistang panukala tulad ng National ID System, pang-aaresto nang walang mandamyento, pagkukulong nang hanggang 30 araw kahit walang nakasampang mga kaso, wiretappping at iba pang paraan ng electronic surveillance at pagpaparehistro ng mga subscriber identification modules o SIM ng mga prepaid subscribers ng mga serbisyo sa cellphone. Ito rin, sa kalahatan, ang mga hakbanging bigong itinulak noon ng rehimeng Ramos at Estrada.

Ang pag-aapruba sa mga panukalang ito, na malaon nang nakasalang sa kongreso at senado, ay tinukoy ng Malaca�ang na mga prayoridad sa harap ng diumano�y lumalalang banta ng terorismo.

Nais gamitin ng rehimeng Arroyo ang mga pasistang hakbangin para sa walang rendang pagsupil sa anumang tangkang paglaban sa paghahari nito. Kating-kati na ito sa buong-bwelong paggamit ng kamay na bakal laban sa sinumang tumututol sa anti-mamamayang mga patakaran ng rehimen tulad ng pagpapataw ng mga dagdag na buwis at ganap na pagpapaubaya ng pambansang patrimonya sa mga dayuhan sa pamamagitan ng Mining Act of 1995.

Ibayong pandarahas ang haharapin ng masang manggagawa sa kanilang paggigiit ng karapatang tumanggap ng nakabubuhay na sahod, magtamasa ng makataong kalagayan sa paggawa, mag-organisa, magwelga at tumanggap ng iba pang nararapat na benepisyo; ng masang magsasaka sa kanilang pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa; at ng mga propesyunal at iba pang panggitnang pwersa sa kanilang pakikipaglaban para sa makatarungang sweldo, seguridad sa trabaho at iba pang karapatan.

Ang pagsikil ng rehimeng Arroyo sa mga kalayaang sibil ng mamamayan ay pinapalakpakan ng amo nitong imperyalista dahil umaalinsunod ito sa internasyunal na kampanyang �anti-terorista� ng gubyernong Bush. Para suhayan ito, pinangakuan ang papet na gubyerno ng dagdag na ayudang militar.

Kasabay ng pagyurak ng rehimen sa mga demokratikong karapatan, nag-iibayo naman ang interbensyong militar ng US. Sa ngayon, ginagamit ng US ang mga magkasanib na pagsasanay at ang umano�y mga humanitarian mission para dagdagan nang dagdagan ang mga mga armadong tropang Amerikano na kumikilos sa loob ng Pilipinas. Titindi rin ang pang-eespiya di lamang ng mga lokal na ahensyang paniktik kundi maging ng US.

Layunin ng lahat ng ito na pataasin pa ang antas ng kontra-rebolusyonaryong digma, durugin ang anumang pagtutol sa ibayong paniniil ng mga pasistang armadong pwersa ng estado at supilin ang anumang paglaban sa mga dagdag na pahirap ng rehimeng Arroyo at ng amo nitong imperyalista, ng mga higanteng monopolyong korporasyon, ng malalaking burges kumprador at panginoong maylupa.

Sa kanayunan kung saan matagal nang naghahari ang batas militar, dadami ang mga kaso ng pananalbeyds, arbitraryong pang-aaresto at panghahalughog at walang taning na detensyon.

Sa harap ng gayong malaking banta sa pinakabatayang mga karapatan ng mamamayan, kailangan nilang magbigkis upang ilantad at tutulan, sansalain o tuluyan nang pigilin ang planong pagpapakawala ng rehimeng Arroyo ng terorismo ng estado sa buong kapuluan. Walang sasantuhin ang mga pasistang panukala ni Arroyo sa mga kumikilos nang ligal o iligal, hayag o lihim, armado at di armado. Tanging ang nagkakaisang lakas ng mamamayan ang makapipigil sa binabalak na walang pakundangang paglapastangan sa kanilang mga karapatan.

 


 Back to topNext article

21 Pebrero 2005
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Labanan ang mga pasistang hakbang ng rehimeng US-Arroyo
Matatagumpay na TO:
33 sundalo, napatay sa mga opensiba sa Compostela Valley at Isabela

Matatagumpay na TO:
Sa Southern Luzon

Matatagumpay na TO:
Tatlong tropa ng militar, pinatay ng dating mandirigma ng BHB

NAHRA, RPA-ABB:
Mga tagapagsalita ng pasistang rehimen

Sabwatang Arroyo-Marcos-Akbayan:
Katarungan para sa mga biktima ng batas militar, hinaharang sa kongreso

Sabwatang Arroyo-Marcos-Akbayan:
Maniobra ng mga magnanakaw

Kalagayan ng mga manggagawang bukid sa buong kapuluan
Makauring tunggalian sa Hacienda Luisita
Pakikiramay: Alay ng mga makata sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita:
Pagdamay, pakikiisa, paglaban

Sa Ibayong Dagat:
Imperyalistang agresyon sa Middle East
Iran, isusunod na?

Sa Ibayong Dagat:
�Outposts of tyranny� at iba pang katha ng guniguni ni Bush

Sa Ibayong Dagat:
Deklarasyon ng batas militar sa Nepal, tinututulan

Sa Ibayong Dagat:
Umiigting ang armadong pakikibaka sa Colombia

Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.