Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pasismo at Kontrarebolusyonaryong Dahas ng Estadong Neokolonyal

 Read this article in English

Habang mas lumalawak at lumalakas ang pagtutol at paglaban ng mamamayan, pinag-iibayo ng mga reaksyunaryong naghaharing uri ang pagpapanggap at panlilinlang gayundin ang pasistang pananakot at panunupil.

Nasasadlak ngayon ang estadong neokolonyal sa napakasidhing krisis. Niyayanig ito ng malawakang rebolusyonaryong paglaban. Pasistang karahasan ang pangunahing paraan upang ito�y ipagtanggol at maipagpatuloy ang pagsasamantala sa mga manggagawa at magsasaka. Ito rin ang diin ng gubyernong Estrada.

Lantaran ang pasistang paghahari sa kanayunan at walang patumangga ang paglabag sa mga kinikilalang pandaigdigang makataong batas sa pakikidigma. Sa kalunsuran, laganap ang panunupil sa karapatang-tao ng mga manggagawa, maralitang mamamayan at iba pang sektor sa kabila ng mga palamuting demokratikong proseso.

Paghaharing-Militar sa Kanayunan

Daan-daang libong pamilyang magsasaka ang pinahihirapan, dinadahas at pinalilikas ng pasistang militar sa mga lugar na inangkin ng malalaking korporasyong dayuhan at lokal sa pagmimina at pagtotroso. Sa kabundukan ng Mindanao, Hilagang Luzon at iba pang lugar, patuloy ang AFP sa pambobomba, strafing, malawakang pag-aresto at detensyon, at hamletting ng buo-buong mga komunidad.

Sa South Cotabato 240,000 B�laan at hindi mabilang na Manobo ang sapilitang pinalikas sa lupaing inaangkin ng Western Mining Corporation, isang kumpanyang Australyano.

Noon pang 1996 tinatangka na silang palikasin ng mga tropa ng 37th at 20th IB ng Philippine Army. Noong 1997 humalili ang 28th IB at mga CAFGU. Matagalan at paulit-ulit ang mga kampanyang militar, tulad ng walang-awang pambobomba upang itaboy ang mga katutubo. Ang limang sityo ng Brgy.

Mayon, Compostela, Davao ay binomba ng 60th IB noong Hulyo 12, 1998 at mahigit isanlibo ang marahas na pinalikas sa lugar. Mula 1992 hanggang 1998, binobomba tuwing bago mag-anihan ang komunidad ng Mahaysay, San Luis, Agusan del Sur.

Sa Brgy. Quipot, San Juan, Batangas, dinukot, ikinulong at pinahirapan ang magkapatid na Crisostomo at Francisco Baes noong Hunyo 19,1998 ng mga tropa ng PNP. Ang dalawa ay myembro ng militanteng Samahang Magbubukid sa Batangas na lumalaban sa malawakang pagpapalit-gamit ng lupa (land use conversion) sa prubinsya.

Sa mga baryong pinaghihinalaan ng pasistang militar na kinikilusan ng mga rebolusyonaryong pwersa, wala silang patumangga sa pananakot, pang-aaresto at pagpiit, pambobomba at pamamaslang.

Noong Disyembre 25, 1997, binomba at sinalakay ng 73rd at 29th IB ang apat na baryo ng Paquibato District sa lunsod ng Davao. Mga sibilyan ang binalingan ng militar bilang ganti sa matagumpay na pagdisarma ng BHB sa 18 CAFGU sa kalapit na lugar.

Noong Marso 19, 1997, binomba ng 68th IB ang Brgy. Lucapon, Sta. Cruz, Zambales sa paghihinalang may BHB sa lugar. Kinordon ang buong baryo, hinalughog ang mga bahay at inaresto ang mga pinaghinalaang sumusuporta sa BHB.

Panunupil at Panggigipit sa Kalunsuran

Laganap ang marahas na pagbuwag ng pulisya at militar sa mga welga. Mula 1995 hanggang 1997, may naitalang 71 kaso ng pananalakay sa piketlayn na kumitil sa buhay ng walong welgista. Sa loob lamang ng isang taon (1996-1997), naitala ang 187 kaso ng paglabag ng karapatang-tao ng higit 10,000 manggagawa.

Laganap ang paggamit ng mga batas at mekanismong kumikitil sa karapatang magwelga at nagtatali sa mga unyon sa walang katapusang prosesong legal. Tampok na halimbawa nito ang assumption of jurisdiction na nakapaloob sa RA 6715 o Herrera Law.

Nitong Hunyo, nagwelga ang mga manggagawa ng Philippine Airlines (PAL) upang igiit ang karapatan sa seguridad sa trabaho ng 5,000 sinesanteng empleyado.

Ginamit ni Estrada ang mga probisyon ng mapanupil na Herrera Law upang ipatigil ang welga at sapilitang ipinaloob ang mga manggagawa sa kasunduang pabor sa interes sa may-ari ng PAL na si Lucio Tan. Simula 1989, tumaas nang 125% ang ganitong kaso ng mga welgang ipinailalim sa hurisdiksyon ng Kagawaran sa Paggawa at Empleyo.

Sa 19 �export processing zones� sa bansa, tahasan nang ipinagbabawal ang pag-uunyon at pagwewelga. Marahas na pinalilikas ang mga maralita ng lunsod sa mga lupang inaangkin ng mga ispekulador sa real estate at malalaking komersyante. Sa loob lamang ng ilang buwan bago idaos ang APEC Summit noong Nobyembre 1996 sa bansa, itinatayang may 50,000 pamilya ang nawalan ng tirahan at hanapbuhay bunga ng mga operasyong demolisyon ng gubyerno.

Kahit ang ibang saray ng petiburgesyang lunsod ay hindi ligtas sa karahasan ng estado. Tuluy-tuloy ang panliligalig sa mga nagtataguyod ng karapatang-tao at kapakanan ng mamamayan, na minsan nang humantong sa pananalbeyds ng mga kilalang tumututol. Walang sinasanto ang mga elemento ng reaksyunaryong hukbo. Halimbawa ang walang pakundangang pananakot at panggigipit sa pamilya ni Rolando Olalia at mga abugado at tagasuporta nila nang buhayin nila ang kaso laban sa dati at aktibong mga upisyal ng AFP sa pagdukot, pagtortyur at pagpaslang kay Olalia at Leonor Alay-ay noong 1986.

Paglabag sa mga Makataong Batas sa Pakikidigma

Walang renda ang kalupitan at kahayupan ng mga pwersa ng AFP sa mga nabibihag na kasapi ng rebolusyonaryong kilusan. Marami sa mga nabibihag, lalo na sa panahon ng armadong sagupaan, ang karakarakang pinapatay, tinotortyur at pinupwersang magpakasangkapan sa paniniktik o di kaya�y sa kontrarebolusyonaryong psywar ng AFP-PNP. Ang nadadakip na kababaihang mandirigma ay madalas na pinahihirapan at ginagahasa bago patayin.

Sa Dikapanikian, Dingalan, Aurora, apat na kabataang kasapi ng isang katulong na yunit ng BHB ang pinagpapatay pagkaraang madakip ng mga tropa ng 54th at 70th IB sa pamumuno ni Tin. Raymundo Aguada noong Hunyo 9, 1998. Ang dalawang kababaihan ay ginahasa bago pinatay at tinadtad ng bala ang kanilang ari para itago ang kahayupang ginawa sa kanila.

Sa Villa Gracia, Maddela, Quirino, pinaslang ng mga tropa sa kumand ni Tin. Diaz (Bravo Company) at Tin. Gendraule (Charlie Company) ng 77th IB si Kasamang Egan (Sofronio Yba�ez) pagkatapos mabihag nang walang sugat sa isang kubkob noong Enero 24, 1998.

Sa Sto. Domingo, Jones, Isabela noong Enero 30, 1998, nabihag ng mga tropang nasa kumand ni 2Tin. Castro (Bravo Company) ng 21st IB si Kasamang Deo (Ernesto de la Pe�a) pagkatapos ng 30 minutong labanan. Sa halip na lapatan ng pangunang lunas ang mandirigma ng BHB na may sugat sa hita, hinayaan siyang maubusan ng dugo hanggang mamatay pagkaraan ng limang oras.

Paulit-ulit na nilalabag ng AFP-PNP ang mga kasunduan sa NDF na pinirmahan ng GRP (Gubyerno ng Republika ng Pilipinas). Ang paghuli, pagkulong at pagpapahirap kina Sotero Llamas at Danilo Borjal, kapwa konsultant ng NDF �negotiating panel�, ay malinaw na paglabag sa JASIG (Joint Agreement on Security and Immunity Guarantees). Nitong Enero 29, hinuli at tinakot ng militar si Antonio Jamora, isang myembro ng istap ni Borjal.

Upang manlinlang at bitagin ang BHB na pumasok sa walang taning na tigil-putukan, madalas magdeklara ang AFP ng mga pakitang-taong SOMO (suspensyon ng mga opensibang militar). Pero walang pakundangang nilalabag ng AFP ang sarili nitong SOMO. Noong Marso 28, habang umiiral ang SOMO (Disyembre 15, 1997 - Hunyo 30, 1998) ng rehimen, kinubkob ng 58th IB ang isang iskwad ng BHB sa Buenavista, Agusan del Norte. Tatlong mandirigma ang napaslang at dalawa ang nadakip. Ang mga nabihag na sina Remelo Basalan at Ruel Distresa ay ikinulong at itinago sa mga kamag-anak at kaibigan.

Sa Marilog District, Davao City, kinubkob ng 73rd IB ang isang yunit ng BHB nitong Mayo 2. Siyam na mandirigma, isang magsasaka at ang kanyang anak na 12 anyos ang pinaslang sa naturang operasyon. Para pagtakpan ang paglabag sa sariling SOMO, inakusahan nilang mga magnanakaw ng baka ang mga mandirigma.

Sa kabila ng pagpirma ni Presidente Estrada sa Komprehensibong Kasunduan sa Paggalang sa mga Karapatang-Tao at mga Internasyunal na Makataong Batas sa pagitan ng NDF at GRP, patuloy na ipinipiit ang mga bilanggong pulitikal na pinatawan ng mga kasong kriminal.

Kasama rito ang pagdakip, pagpahirap, patuloy na pagpiit at pagsampa ng kasong kriminal kay Ka Benzar (Amado Payot), isang kumander ng BHB na nahuli nitong Marso sa Cotabato. Hindi bababa sa 134 bilanggong pulitikal ang naitalang iligal na ipinipiit sa iba�t ibang bahagi ng kapuluan.

Patuloy at Tumitinding Pasismo

Sa kabila ng pagbagsak ng pasistang diktadurang USMarcos noong 1986, pinanatili ng sunud-sunod na papet na rehimeng Aquino, Ramos at Estrada ang pasistang makinarya ng AFP-PNP. Utos ng imperyalismong US ang mahigpit na pangangalaga rito bilang pinakamalaki at pinakasagadsaring tagapagtanggol ng imperyalistang paghahari sa bansa. Ang mga tangka ng papet na rehimeng Estrada na pauwiin ang mag-aamang Ver ang pinakahuli lamang sa mga pakana para linisin ang pangalan kahit ng mga pinakamasahol na pasistang berdugo ng AFP-PNP.

Kontrarebolusyonaryong dahas at pasismo ang nasa likod ng manipis na tabing ng �demokrasyang estilong- Pilipino� na ipinangalandakan ng dating presidenteng si Ramos at mga kapwa niya reaksyunaryo.

Ang laganap at patuloy na sumasahol na pasismo ay likas na katangian ng sistemang malakolonyal at malapyudal na binabayo ng napakatinding krisis. Kahit ang unang dalawang taon ng papet na rehimeng Aquino, noong may natitira pang momentum ang pag-aalsang antipasista na nagluklok dito sa kapangyarihan, ay tinampukan ng wala pang kapantay na pagpapalaki ng pwersa ng AFP, malawakang pagbubuo ng mga CAFGU at mga grupong vigilante, mga malakihang kampanyang militar sa loob at paligid ng mga sentrong bayan, at mga walang pakundangang pamamaslang sa mga lider at aktibistang makabayan gaya nila Lando Olalia, Leonor Alay-ay at Lean Alejandro.

Mula pa sa nakaraang papet na rehimeng Ramos, malinaw ang mga palatandaan ng tumitinding pasismo at mga paghahanda sa mas sistematiko pang pasistang pagmamanman at pagkontrol sa taumbayan gaya ng panukala ni Hen. Jose Almonte sa pambansang sistema ng identipikasyon. Sa ngalan ng kampanya laban sa kriminalidad, ang mga naturang pasistang panukala ay itinataguyod ng papet na rehimeng Estrada.

Sa kabila ng napakalalang krisis sa pananalapi at kabuhayan at malaking pagbabawas ng badyet para sa mga serbisyong panlipunan, ilalaan ng gubyernong Estrada ang P30.2 bilyong upang tustusan ang karagdagang tauhan at mga kagamitang militar. Naghahanda ito sa paglaban sa mga pakikibakang masa at rebolusyonaryong kilusan.

Kaugnay nito, balak ng rehimeng Estrada na magrekrut ng 3,500 dagdag na tauhan ng AFP sa loob lamang ng taong ito. Taliwas ito sa pahayag ng Kalihim sa Depensa na si Orlando Mercado na kaya na nilang gapiin sa militaristang paraan ang BHB at BIAF (Bangsamoro Islamic Armed Forces ng MILF), ang itinuturing ng Malakanyang at AFP na mga �pangunahing banta sa internal na seguridad.�

Dahil sa kakulangan ng pondo, pansamantalang isinaisantabi ang P331 bilyong programa sa modernisasyon ng AFP sa loob ng 15 taon. Ipinagpaliban ang pagbili ng mga modernong eroplano at barkong pandigma para ikonsentra ang lakas at rekurso ng reaksyunaryong hukbo sa mga kampanya ng �paglinis, paghawak at pagkonsolida� laban sa dalawang �internal na banta�. Nagkukumahog ngayon ang rehimeng Estrada na makakuha ng karagdagang suportang armas at pagsasanay mula sa US para sa AFP.

Subalit ang tumitinding pasismo ng estado ay tiyak na sasagutin ng ibayong paglaban ng sambayanan.

 


Previous articleBack to topNext article

09 Hulyo 1998
Edisyong Pilipino


Editoryal - Kleptokrasya at ang bulok na naghaharing sistema:
Ang Pangit na Mukha ng Burukratang Kapitalismo sa Rehimeng Estrada

Erap para kay Danding
Sino ang tunay na kriminal?
Ang Tiwali at Bulok na AFP at PNP

Visiting Forces Agreement
Magmimistulang base militar ng US ang buong Pilipinas

Pasismo at Kontrarebolusyonaryong Dahas ng Estadong Neokolonyal
Rebolusyonaryong Kilusan sa Metro Manila
Muling Pagbubuo at Ibayong Pagsulong

Hinggil sa Usapin ng Pambansang Minimum na Sahod
Mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.