|
|
Noong Disyembre 7, 1975�dala ng matinding takot ng reaksyunaryo at anti-komunistang gubyernong Indones sa FRETILIN�sinalakay ng Indonesia ang East Timor. Idinahilan ng Indonesia ang paghingi ng "saklolo" ng maliliit na grupong maka- Indonesia at ang kaguluhang dala ng transisyon upang bigyang-matwid ang madugong pananalakay nito sa teritoryo. Pumasok ang mahigit 40,000 sundalong Indones. Mahigit 60,000 (o 10% ng populasyon noon) ang agad na minasaker sa unang dalawang buwan pa lamang ng okupasyon. Noong Hulyo 1976, marahas na sinaklot ng Indonesia ang teritoryo. Batas militar ang pinairal ng gubyernong Indones sa East Timor sa sumunod na 23 taon. Sa buong panahong ito, umabot sa 200,000 o sangkatlo ng populasyon ang pinatay sa pagtatangkang burahin ang lahing Timores sa teritoryo. Sa pagitan ng 1977 at 1979, ipinatupad ng gubyernong Indones ang malawakang hamletting upang putulin ang suporta sa FRETILIN na noo'y namumuno sa armadong paglaban. Libu-libong kababaihan, matanda at bata ang ikinulong, pinahirapan at ikinonsentra sa mga "kampo" kung saan sapilitan ang paggawa at marami ang namamatay dala ng sakit at matinding gutom. Pinaghiwa-hiwalay ang mga pamilya at maraming babae ang ginawang baog upang hindi na makapagluwal ng susunod na salinlahing Timores. Dagdag dito, ipinagbawal ang paglalakbay ng sinumang dayuhan sa teritoryo sa loob ng mahigit isang dekada. Labas sa Australia, na pinangakuan ng Indonesia ng karapatang umangkin sa mayayamang deposito ng langis sa Dagat Timor, hindi kinilala ng United Nations (UN) at ng mga bansa sa ilalim nito ang awtoridad ng Indonesia sa East Timor. Ngunit dahil kontrolado ang UN ng mga imperyalistang bansang may "estratehikong" interes para suportahan ang anti-komunistang gubyernong Indones, hanggang pagbibitiw lamang ng maririing pagbatikos ang naging aksyon ng pandaigdigang organisasyon.
Ang pananalakay ng Indonesia ay sinulsulan ng imperyalismong US. Mga eroplanong pandigma at nakalalasong kemikal tulad ng napalm at Agent Orange na galing sa US ang ginamit ng armadong hukbong Indones sa pananalakay nito sa East Timor. Hanggang sa kasalukuyan, ang US ang pangunahing nagsasanay, nag-aarmas at tumutustos sa reaksyunaryong hukbong Indones. At ni minsan ay hindi iniatras ng US at ibang makapangyarihang bansa sa UN ang kanilang suporta sa pasistang pamahalaang Suharto. Bunga ng pananalakay sa East Timor, hindi lamang napasakamay ng papet na rehimeng Indones ang likas na yaman ng teritoryo, tumayo rin ito bilang sentro ng anti-komunismo sa Timog-Silangang Asya. ...kasaysayan ng pakikipaglabanSimula't sapul, hindi nanahimik ang mamamayang Timores. Sa buong kasaysayan nito, hindi nagapi ang kanilang hangarin para sa isang malaya at demokratikong East Timor. Matagumpay na itinaboy ng libu-libong mamamayang Timores ang mga sundalong Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Matapos nito, kasama ng iba pang mamamayan sa buong kapuluan, kumilos ang mamamayang Timores upang pabagsakin ang kolonyal na kapangyarihang Portuges sa kanilang isla noong dekada '50. Nang napaalis ang kolonyalistang Portuges, itinatag ng FRETILIN noong 1975 ang FALINTIL (Pambansang Hukbo para sa Pagpapalaya ng East Timor). Sa pamamagitan ng pakikidigmang gerilya, unti-unti nitong ginapi ang armadong hukbong Indones at ipinundar ang independyenteng kapangyarihang pampulitika. Nabuo ang malawak na pagkakaisa ng mamamayang Timores laban sa pananakop ng Indonesia. Dagdag sa FRETILIN na kumatawan sa iba't ibang inaaping sektor at uri ng lipunang Timores, nakipagkaisa ang iba pang partido tulad ng UDT (Unyon ng Demokratikong Timores) at mga organisasyon tulad ng RENETIL, ang pinakamalaking organisasyon ng mga mag-aaral sa East Timor. Ang pakikibaka ng mamamayang Timores ay umani ng malawak na suporta at simpatya mula sa iba't ibang panig ng mundo. Sa kabila ng mga kahirapan sa pagsusulong ng rebolusyonaryong pakikibaka, kabilang na ang pagdakip at pagbilanggo kay Xanana Gusmao, lider-rebolusyonaryo ng FRETILIN at FALINTIL, masigasig na sumusulong ang pakikibaka ng mamamayang Timores. Ang mapanlinlang na alok na "espesyal na awtonomya"ng gubyernong Indones ay matatag na hinaharap ng nakikibakang mamamayan ng East Timor. Noong nakaraang Pebrero, nagbigay-direktiba si Xanana Gusmao sa FALINTIL na muling simulan ang armadong pakikidigma nito bilang pagdepensa sa mamamayan laban sa pag-igting ng pasistang pananalakay ng gubyernong Indones. Suportahan ang pakikibakang Timores!Lubos na sinusuportahan ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang pakikibaka ng mamamayang Timores laban sa pananakop ng gubyernong Indones. Kaisa nila ang Partido sa pagtataguyod ng kanilang hangad na kalayaan at demokrasya. Nakikipagkaisa rin ang PKP sa mga biktima ng paglabag sa karapatang-tao sa henosidyong isinasagawa ng armadong hukbong Indones sa panunulsol ng lokal na reaksyunaryong uri at imperyalismong US. Kaugnay nito, iginigiit ng PKP ang kagyat at ganap na pagpapalaya kay Xanana Gusmao at ng iba pang rebolusyonaryong mandirigma at lider na matagal nang ipiniit ng reaksyon.
Kailangang papanagutin ang gubyernong Indones at amo nitong imperyalismong US sa walang pakundangang pagpatay, pagpapahirap at pagkulong sa mga Timores. Nananawagan ang PKP sa mamamayan ng East Timor na ibayong paigtingin ang pakikibaka, laluna ang armadong pakikibaka, laban sa gubyernong Indones at gayundin sa imperyalismong US sa lahat ng larangan. Naniniwala ang PKP na kailangang paunlarin at tulungan ang mga kilusang mapagpalaya ng mamamayan at bansa sa Ikatlong Daigdig laban sa imperyalistang pandarambong. Kailangan ding tutulan ang lahat ng anyo at paraan ng imperyalistang panghihimasok. Tiwala ang PKP na sa tuluy-tuloy at sama-samang paglaban ng mamamayang inaapi sa Asya-Pasipiko, tiyak na magagapi ang dominasyon ng imperyalismong US sa rehiyon. (1)Dutch ang tawag sa mamamayan ng bansang The Netherlands.[Back]
| ||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|