Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Ulat Koresponsal: Paglalabas ng Kalatas habang nasa gawaing masa

 Read this article in English

Ang tuwiran at tuluy-tuloy na paglahok ng mga kasama sa istap ng Kalatas sa gawaing masa ay dati nang patakaran at kalakaran na muling pinagtibay at muling ipinatutupad sa Timog Katagalugan nitong mga huling buwan. Nakapwesto ang maliit na pwersa ng istap ng Kalatas ang rebolusyonaryong panrehiyong pahayagang masa sa Timog Katagalugan sa isang sonang gerilya upang makapagsagawa ng gawaing masa at makapag-ayos ng sariling base ng operasyon habang ginagampanan ang gawaing propaganda para sa buong rehiyon.

Nakasanib ang istap ng Kalatas sa isang regular na yunit sa gawaing masa (YGM). Laking-iskwad ang magkasanib na pwersa�sapat para magkaroon ng minimum na lakas-tauhan para sa paggampan ng gawaing masa, militar at propaganda. Sa mga panahong kailangang mas magkonsentra ang istap sa pangunahin nilang gawain�ang paglalabas ng Kalatas�natitiyak pa rin ng iba pang nasa YGM na hindi napapatid ang gawaing masa sa kanilang saklaw.

Malaki ang naitutulong ng paglubog sa masa at pagsanib sa YGM sa mga kasama sa Kalatas sa kanilang tuwirang pag-alam sa praktikal na pagkilos ng Partido, hukbong bayan at rebolusyonaryong kilusan sa sonang gerilya. Malaki sa partikular ang naitutulong nito sa wastong pagsasalarawan sa propaganda tungkol sa kongkretong buhay, kalagayan at pakikibaka ng hukbong bayan at masa sa kanayunan. Napupulsuhan at nakikilatis din nila ang mga pagtingin ng masa, ang pangunahing target na mambabasa ng Kalatas, at gayon, napauunlad ang nilalaman at estilo ng kanilang mga sulatin at dibuho.

Gayundin, malaki ang maitutulong nito sa pagtungtong sa lupa, tuluy-tuloy na pagpapanibagong-hubog at pagpapaunlad ng rebolusyonaryong kamulatan at militansya ng mga manunulat sa Kalatas na karamiha�y nagmula sa hanay ng petiburgesya.

Sa panahong pangunahing nakatutok ang istap ng Kalatas sa gawaing masa, gingampanan nila, kasama ang iba pang myembro ng YGM, ang lahat ng kaakibat na gawain nito�mula sa panlipunang pagsisiyasat, pag-oorganisa at pagbibigay ng pag-aaral sa masa hanggang sa paglulunsad ng mga taktikal na opensiba.

Sa pagkakaroon ng takdang eryang nakikilusan, nakapagpapaunlad rin ang mga kasama sa Kalatas ng sariling base para sa operasyon. Mula rito, nakapagpaparami rin sila ng mga ugnay sa mga kanugnog na sentrong bayan. Habang lumalawak ang nakikilusan at nauugnayan ng mga kasama sa Kalatas, mas dumarami ang mga aktibista at alyadong mapagkakatiwalaan at nakakatulong sa mga gawain at mas marami ang nagagamit na pasilidad para sa iba�t ibang pangangailangan sa paglalabas ng Kalatas at pagpatupad ng iba pang gawain.

Sa nakaraang isa�t kalahating taon, regular nang nailalabas ang mga quarterly (o tuwing tatlong buwan) na isyu ng Kalatas, bagamat nahuhuli. Mayroon ding mga espesyal na isyu na nailabas noong nakaraan at kasalukuyang taon.

Gayunman, tinutuklas pa ng istap ang wastong pagbabalanse at pagpapahusay sa integrasyon ng dalawang gawain, upang hanggat maaari ay maiwasang mapagbangga ang mga ito. Malinaw na pangunahing prayoridad ng istap ang mga gawain sa paglalabas ng Kalatas at iba pang gawain sa rehiyunal na propaganda, liban na lamang kung may mahigpit na sitwasyong militar. Samantalang nakabalangkas sa paglahok sa gawaing masa at pagkilos-gerilya ang paggampan ng istap sa mga gawain sa Kalatas, kinakailangan ng mataas na antas ng pleksibilidad sa pagsanib sa YGM at paglahok sa gawaing masa upang hindi naman makalimita ang mga ito sa mga gawain para sa rehiyunal na propaganda.

Pinagsisikapan ng istap na isakatuparan ang mas malaking bahagi ng kanilang gawain sa pagsusulat at paglalabas ng Kalatas habang nakasanib sa YGM at hinaharap ang mga limitasyon. Kabilang dito ang pagpaplano at talakayan hinggil sa magiging laman at daloy ng mga artikulo at pagbubuo muna ng mga artikulo sa pamamagitan ng sulat-kamay bago ito ipasok sa kompyuter. Nailulugar din ang pagguguhit at isang antas ng pamamatnugot.

Gayunman, pana-panahong kailangang bumukod ang istap ng Kalatas upang harapin ang mga gawaing nangangailangan ng ilang araw hanggang mahigit isang linggong tuluy-tuloy na pagkokompyuter, paggamit ng mga kagamitang na ngangailangan ng kuryente at pagtigil sa relatibong istableng lugar. Pana-panahong kailangan ding gumamit ng mga rekurso at serbisyo sa sentrong bayan o syudad, tulad ng internet.

Kailangan pa ring lutasin ang kahirapan sa pagkuha ng mga datos, karanasan at mga patakaran mula sa iba�t iba pang bahagi ng rebolusyonaryong organisasyon at kilusang masa sa rehiyon sa mga prubinsya, larangan at puting purok. Kaugnay nito, kailangang pangibabawan pa ang pagkakalimita ng istap sa isang partikular na sonang gerilya at kahirapan sa madulas na pag-ugnay mula rito sa iba pang organo at yunit sa rehiyon para tuwirang makipagtalastasan at makapangalap ng karanasan at impormasyon .

Malalaki pa ang mga hamong kinakaharap ng istap sa rehiyunal na propaganda sa Timog Katagalugan. Marami pang pagpapaunlad na maaari at dapat gawin. Kabilang na rito ang hamon sa napapanahong paglalabas ng mga isyu at mapagpasyang pagreresolba sa mga nabanggit na mga suliranin at usapin.

 


Previous articleBack to topNext article

Oktubre 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal: Pag-ibayuhin ang mga rebolusyonaryong pagkilos sa harap ng gerang agresyon ng US at ng tumitinding reaksyon
Ang digmang agresyon ng US sa Afghanistan
Ano ang Northern Alliance?
Tuluy-tuloy ang protesta sa Pilipinas laban sa digmang agresyon at reaksyon
Nagngingitngit na galit laban sa gubyernong US at UK
Mga Ulat Koresponsal: Mga suliranin ng mga magsasaka�t manggagawang bukid sa mga niyugan sa Kabikulan
Mga Ulat Koresponsal: Mga pakikibaka ng mamamayan laban sa Lepanto Mines
Mga Ulat Koresponsal: Rebolusyong agraryo sumusulong sa Cagayan Valley
Mga Ulat Koresponsal: Paglalabas ng Kalatas habang nasa gawaing masa
Sagot sa tuluy-tuloy na atake ng kaaway sa Gitnang Luzon: Puspusang pagtangan at pagpapakahusay sa pakikidigmang gerilya
Pagpaparami at pagpapalaganap ng Ang Bayan: Kumbinasyon ng kilusang masa at paggamit ng modernong teknolohiya
Pananalanta ng pasistang estado: Mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao (Hulyo-Oktubre 2001)
Naghuhuramentado ang mga terorista at mersenaryong AFP at PNP ni Macapagal-Arroyo sa kanayunan:
Pahayag ni Gregorio "Ka Roger" Rosal, Tagapagsalita, Partido Komunista ng Pilipinas

Mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.