Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Naghahanap ng mas maginhawang buhay

 Read this article in English

Mabilis na dumarami ang bilang ng nangingibang-bansang mga Pilipinong propesyunal na may mataas na kasanayan (highly skilled). Tumaas ang bilang nila mula 25% ng kabuuang nangibang-bansa noong kalagitnaan ng dekada 1990 tungong 31% noong 2000.

Kabilang dito ang mga nars, doktor, guro, inhinyero, akawntant at iba pang may mataas na kasanayan. Karamihan sa kanila ay pumupunta sa US, Canada, United Kingdom at iba pang bansa sa Europe.

Kawalan ng trabaho at di sapat na sahod ang mga pangunahing dahilan ng mga propesyunal na nangingibang-bansa.

Ayon sa datos ng reaksyunaryong gubyerno noong Enero, 10.6% ang mga walang hanapbuhay at 16.1% naman ang mga kulang ang hanapbuhay. Tuluy-tuloy pa itong nadaragdagan dahil sa lumalalang krisis sa ekonomya.

Palarin mang makakita ng trabaho, sadyang napakababa ng sweldong tinatanggap ng mga propesyunal. Halimbawa, umaabot lamang sa P5,000 bawat buwan ang kabuuang sweldo ng isang ordinaryong nars sa bansa. Mas malaki rito nang 43 ulit ang sweldo ng mga nars sa US (umaabot sa P215,000) at nang 17 ulit sa Canada (P85,000).

Labor export policy ng rehimen

Pinangangasiwaan ng gubyerno ang umaabot sa 200 rehistrado at di-rehistradong mga caregiver school sa Kamaynilaan. Ang mga eskwelahang ito ay nagsasanay ng mga nag-aaplay bilang mga caregiver (tagaalaga ng mga bata, matatanda at mga maysakit) sa ibang bansa.

Nagpapatupad ngayon ang gubyerno ng patakaran ng pag-eeksport ng paggawa (labor-export policy). Inaasahan ng rehimen na isasalba ng maramihang pangingibang-bansa ng mga manggagawa at propesyunal ang lugmok na ekonomya ng bansa sa pamamagitan ng dagsa ng mga remitans.

Sa ngayon, umaabot na sa 10 milyon ang mga Pilipinong naghahanapbuhay sa ibang bansa. Nadaragdagan pa ito ng 2,700 bawat araw. Ayon sa National Statistical Office (NSO), mula Abril hanggang Setyembre ng nakaraang taon, umabot sa P67.7 bilyon ang remitans ng mga OCW. Mas mataas ito nang 18.3% kaysa parehong mga buwan noong 2001.

"Brain drain"

Dahil sa maramihang pangingibang-bansa ng mga propesyunal, lalo na sa sektor ng kalusugan, lalong lumalala ang dati nang kakulangan sa mga doktor at nars sa mga ospital.

Ayon sa Alliance of Health Workers (AHW), sa 11 ospital, umabot sa 800 o 17% ng mga nars ang nangibang-bansa. Sa ngayon, ayon sa reaksyunaryong gubyerno, umaabot na sa 300,000 ang mga rehistradong nars na nangibang-bansa.

Sa kabila ng lahat ng ito, nagbibingi-bingihan pa rin ang rehimen sa pakikibaka ng mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor para sa mas mataas na sahod at mas mabuting kundisyon sa paggawa.

Sa isang lipunang hindi kinakalinga ng gubyerno ang mamamayan upang mamuhay nang disente at masagana, nararapat lamang na ibayo pang ipaglaban ng mga manggagawa at mga propesyunal ang kanilang kabuhayan at mga karapatan.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Mayo 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Ibayong labanan ang papatinding militarisasyon sa Mindoro at ibang lugar

Pagpaslang sa mga aktibista sa Mindoro:
Malawakang galit, sumiklab laban sa 204th Brigade

Davao City, laboratoryo para sa mga pasistang hakbangin
Pananalanta ng Pasistang Estado:
Tumitindi ang mga paglabag sa mga karapatang-tao

Ika-100 pagdiriwang ng Mayo Uno sa bansa:
Mga hamon sa kilusang manggagawa

Libu-libong manggagawa, dumagsa sa lansangan noong Mayo 1
Naghahanap ng mas maginhawang buhay
Kabulukan ng RPA-ABB, ibayong nabubunyag
Sa Ibayong Dagat:
Bitag

BALITA
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.