Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Maikling kronolohiya

 Read this article in English

  • Setyembre 23, 2001 - Inilabas ng US Treasury Department ang Executive Order (EO) 13224 (Blocking Property and Prohibiting Transactions with Persons who Commit, Threaten to Commit, or Support Terrorism).
  • Hulyo 15, 2002 - Pinagtibay ng European Union ang teksto ng unang internasyunal na tuntunin sa mga karapatang-tao at mga hakbangin laban sa "terorismo". Nakasaad rito ang paglilimita sa mga karapatan ng mga itinuturing na "terorista" at mga prosesong gagamitin sa paglilitis sa kanila, kabilang ang proseso ng ekstradisyon (pag-angkin ng hurisdiksyon ng paglilitis sa ibang bansa) sakaling hilingin ito ng ibang bansa.
  • Agosto 9, 2002 - Inianunsyo ni US State Sec. Colin Powell na itinuturing ng gubyernong US na isang "foreign terrorist organization" (FTO) ang Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hulbong Bayan (BHB). Inilabas ang desisyong ito sa Federal Register alinsunod sa Immigration and Nationality Act, na isinabatas bilang bahagi ng Antiterrorism and Effective Death Penalty Act. Iginiit niya sa lahat ng gubyerno na "ihiwalay itong mga teroristang organisasyon, ipitin ang kanilang pinagkukunan ng pinansya at pigilan ang kanilang paglalakbay".
  • Agosto 12, 2002 - Idinagdag si Prof. Jose Ma. Sison (Ka Joema), ang Partido Komunista ng Pilipinas at ang BHB sa listahan ng mga "terorista" na inilakip sa EO 13224.
  • Agosto 13, 2002 - Sa bisa ng EO 13224 ng US, naglabas ang gubyernong Dutch ng Sanctieregeling Terrorisme 2002 III (Mga Hakbangin Laban sa Terorismo). Sa batayang ito�y dali-daling hinatulan si Kasamang Sison sa salang "terorismo" nang walang batayan ni paliwanag. Sinasagasaan nito ang istatus ni Ka Joema bilang isang political refugee na saklaw ng mga proteksyon ng Refugee Convention at ng European Convention for the Protection of Human Rights and Fundamental Freedoms (EVRM). Dahil dito, ituturing na ng gubyernong Dutch bilang isang ordinaryong kriminal si Kasamang Sison at kung gayon ay maaari nang ipailalim sa mga proseso ng paglilitis ng mga kriminal.

    Matatandaang kinilala ng Raad van State, ang pinakamataas na korte sa The Netherlands, si Ka Joema bilang isang political refugee noon pang 1992. Nangangahulugan itong may nakitang batayan upang bigyan siya ng proteksyon laban sa pag-uusig at pamiminsala ng gubyernong Pilipinas. Noong 1997, kinilala na rin ng gubyernong Dutch ang istatus na ito. Ngunit dahil sa tuluy-tuloy na presyur ng mga gubyerno ng US at Pilipinas, tumanggi itong bigyan si Ka Joema ng political asylum at ng karapatang manirahan (residence permit) sa The Netherlands. Nakaapila ang kanyang kaso sa European Courts of Human Rights simula 1998.

  • Agosto 15, 2002 - Inipit ng Dutch Finance Ministry ang joint bank account ni Ka Joema at ng kanyang asawang si Julie Sison na naglalaman ng 1,000 euros (P55,000). Sa bank account na ito idinedeposito ang mga benepisyong natatanggap ng mag-asawa mula sa Welfare Service at Social Affairs and Employment ng gubyernong Dutch. Dito kinukuha ng pamilyang Sison ang panggastos para sa kanilang mga batayang pangangailangan tulad ng pagkain, kuryente, segurong pangkalusugan at iba pa. Tumatanggap ng maliit na alawans ang mag-asawang Sison, dahil hindi pinahihintulutang maghanapbuhay ang mga political refugee.
  • Setyembre 10, 2002 - Ipinaabot ng Dutch Foreign Minister J.G. de Hoop Schefffer kay Kasamang Sison sa pamamagitan ng sulat na ipinatigil na ng gubyernong Dutch ang pagbibigay ng kanyang mga benepisyo sa bisa ng Sanctiergeling Terrorisme 2002 III. Kabilang dito ang tinatanggap nilang alawans para sa pagkain at iba pang batayang pangangailangan, ang probisyong pabahay at segurong pangkalusugan. Sa isang iglap, tinanggal ng gubyernong Dutch kay Ka Joema, Ka Julie at anak nilang si Jasm ang karapatang mabuhay nang makatao at may dignidad.

    Binigyan siya ng anim na linggong palugit upang humingi ng "konsiderasyon" na tanggalin ang mga prohibisyong ipinataw sa kanya sa batayang makatao. Tinanggihan ni Ka Joema ang alok dahil mangangahulugan ito ng kanyang pagsang-ayon sa gawa-gawang akusasyon ng terorismo at iba pang di makatarungan at mapang-aping paratang.

 


Previous articleBack to topNext article

22 Setyembre 2002
Edisyong Pilipino


Kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas ang mga pakana ng US upang ikriminalisa at usigin bilang mga "terorista" ang PKP-BHB, si Kasamang Sison at iba pang lehitimong mga rebolusyonaryo at progresibo!
Maikling kronolohiya
Kinukundena ng NDFP ang "teroristang" bansag ng US sa PKP, BHB at kay Jose Ma. Sison
TUTULAN ANG PANGGIGIPIT KAY KA JOEMA SISON!
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.