![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Noong 1997 naman, kinampihan ng korte ng Maynila ang Landcom, isang kumpanyang kunektado sa kumprador na si Lucio Tan, laban sa 500 maralitang pamilya sa usaping pag-aari ng isang 1,500 metro kwadradong lote sa Malate. Mahigit dalawang dekada na ritong naninirahan ang mga naturang pamilya. Di nagtagal, isa namang demolisyon ang naganap nang agawin ng National Government Center Housing Project (NGCHP) ang 150 ektaryang lupain sa Commonwealth Ave., Lunsod ng Quezon. Ang SWAT at demolition team ng lunsod ang gumiba sa mga bahay doon nang walang "notice of eviction" ni utos mula sa korte. Tatayuan daw ng palengke at pagpapalawakan ng kalsada ang naturang lote. Sa ilalim ng rehimeng US-Estrada, tinatayang may 43,000 maralitang pamilya sa mga lunsod ng Mindanao ang mapalalayas sa kanilang mga tahanan dahil sa mabilis na pagpapalit-gamit ng mga lupain at pagdagsa ng dayuhang pamumuhunan. Noong Disyembre 2, 1998 ay may 13,000 pamilya na ang nawalan ng tahanan sa 426 ektaryang rantso sa Baninsil, Siniwal, General Santos. Magpahanggang ngayon, maraming kaso�nakatala o hindi�ng mga komunidad ng maralitang-lunsod na "binubura sa mapa" para pagtayuan ng mga "proyektong pangkaunlaran". (Tingnan ang talahanayan) Sa katunayan, ang mga "proyektong" ito ay katumbas ng pagbebenta ng mga lupang pampubliko sa mga dayuhan at burgesyang kumprador alinsunod sa utos ng IMF sa bangkaroteng gubyerno.
Pinatutunayan ng mga kasong ito, at ng marami pang iba, na ang pinaglilingkuran ng reaksyunaryong estado ay ang malalaking kapitalistang dayuhan at lokal, mga panginoong maylupa at burukrata. Ang inilalapat nitong solusyon sa suliranin ng mga maralita tulad ng pagamyenda ng batas o panibagong paggawa ng mga proyekto ay pawang mapanlinlang at kontra-mahirap, panandalian at pampalubag-loob lamang. Ang napakalaking hulugan o upa sa mga proyektong pabahay, halimbawa, ay hindi mahabul-habol ng mga maralitanglunsod, at ginagawa lamang negosyo ng mga nangangasiwa sa proyektong pabahay. Ang National Housing Authority mismo ng gubyerno ay pang-354 sa nangungunang 7,000 korporasyon noong 1994 dahil umabot sa P7.5 bilyon ang kabuuang pag-aari nito. Ang masaklap pa'y perang kinakaltas mula sa sahod ng mga manggagawa (PAG-IBIG Fund) ang ginagamit na puhunan sa negosyong pabahay. Kasalatan sa serbisyong panlipunan. Salat sa mga batayang serbisyong panlipunan ang mga maralitang komunidad. Dahil sa napipilitan ang mga maralita na sa kung saang mga sulok ng lunsod na lamang manirahan, bihirang may malinis na tubig sa kanilang komunidad. Masahol pa, wala ring mga sentrong pangkalusugan na may sapat na pasilidad rito. Bunga nito, nagiging napakabulnerable ng mga maralitang-lunsod sa mga sakit at epidemya. Maraming mga bata ang biktima ng malnutrisyon. Abot-langit ang edukasyon para sa kabataang maralitang-lunsod. Imbes na makapag-aral, may 200,000 mga batang lansangan na sa murang edad ay napupwersa nang maghanapbuhay upang matulungan ang mga magulang sa pagtataguyod ng pamilya. Sa kabila nito, 2% lamang ng P579-bilyong pambansang badyet para sa 1999 ang inilaan sa kalusugan. Samantala, halos 10% ng badyet ang inilaan ng pamahalaan sa militar na kasangkapan pa ng reaksyon sa pagwasak sa buhay ng maraming maralita. Wala rin sa mga prayoridad ng estado ang edukasyon, gayundin ang iba pang serbisyong panlipunan. Kawalan ng trabaho. Habang walang trabaho ang mahigit kalahati ng pwersang paggawa ng bansa, 65% ng mga "may trabahong" maralitang-lunsod ay walang regular na empleyo at umaasa sa pagtitinda o iba pang sari-saring panandaliang hanapbuhay. Noong 1998, daan-daan libong maralitang-lunsod ang nawalan ng hanapbuhay nang magsara ang mahigit na 60% ng mga kumpanya sa bansa. Sa hanay din ng mga maralitang-lunsod hinuhugot ang mga kontraktwal at kaswal na manggagawang pinagtatrabaho sa sweldong pambusabos at isinusubsob sa mga miserableng kalagayan ng paggawa. Sadyang nagsisilbi sa interes ng mga kapitalista ang pagdami ng mga maralitang-lunsod bilang higanteng reserba ng pwersang paggawa. Sa pagawaan, biktima rin sila ng pag-atake sa mga karapatang manggagawa, gayundin ng panggagantso ng mga luma at bagong dilawan. Higit kailanman, animo'y mga tupang isinakripisyo ng reaksyunaryong estado ang mga maralita upang matamo ang kumpyansa ng mga dayuhang mamumuhunan. "World class labor" daw ang kalagayang napakababa ng sahod, malawakan ang kaswalisasyon at laganap ang paniniil at pagbabawal sa mga unyon. Sa halip na iahon sila mula sa kahirapan, ang totoo�y lalo lamang inilulugmok sa karukhaan ng makadayuhan at kontra-mamamayang mga patakaran ng pamahalaan ang mga maralita. Kayat isang malaking kahungkagan ang panghahambog ng nagbabalatkayong �makamahirap� na rehimeng Estrada na pagdating ng 2004 ay naiahon na nito sa kahirapan ang may 10 milyong pinakamahihirap na Pilipino. Ang pakikibaka ng mga maralitang-lunsodMaglilimang-taon nang tinututulan ng nagbuklod na mga maralita ng Calumpit, Malolos, Balagtas, Marilao, Bocaue, Meycauayan at Guiguinto, lalawigan ng Bulacan, ang Manila-Clark Rapid Northrail System. Sa ilalim ng proyektong ito, nakatakdang wasakin ang tirahan ng 10,500 pamilya sa tabi ng riles ng PNR. Ang mga maralitang pamilya ay pawang mga magsasakang itinulak sa kalunsuran ng pagpapalit-gamit sa lupa at matinding militarisasyon sa Kabisayaan, Bikol, Ilokos at mismong sa Bulacan. Hindi sila pumapayag sa bayad at relokasyon na iniaalok ng pamahalaan sapagkat wala silang makukuhang hanapbuhay doon. Ang ganitong mga pakikibaka ng maralitang-lunsod ay mahigpit na inuugnayan, inoorganisa at pinamumunuan ng rebolusyonaryong kilusan. Layunin nitong buuin ang malawak na pagkakaisa ng maralitang-lunsod upang labanan ang ibayong mga pahirap ng gubyernong Estrada. Mahalagang ibatay ito sa matama at malalim na pagunawa ng mga maralita sa kanilang kasaysayan at kalagayang nakaugat sa kasaysayan at kalagayan ng malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino. Sa militanteng pagbubuklud-buklod ng mga komunidad ng maralita, kasama ang mga organisasyon ng kababaihan, kabataan, at iba pang anakpawis, nahihinang ang kanilang lakas upang igiit ang kanilang mga demokratikong karapatan at hangarin, kabilang na ang kanilang kagalingang pangekonomya. Habang may natatanging kalagayan at kahilingan ang mga maralitang-lunsod, ang mga ito ay pawang nakaugat sa kabuuang pang-aapi sa kanila bilang mga manggagawa at mala-manggagawa. Puno�t dulo ng kanilang paghihirap at kadusta-dustang kalagayan ang makauring pagsasamantala at pangaapi ng mga imperyalista, malalaking asendero at burgesya kumprador. Kung kayat mahigpit ang pangangailangan para sa mga maralita na ikawing ang pakikibaka ng kanilang mga komunidad sa pakikibaka ng inaaping mamamayan, laluna sa kilusang manggagawang Pilipino. ![]()
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|