|
|
Daig pa ng Negros Alliance of Human Rights Advocates (NAHRA) ang AFP sa pagkakalat na nagrerekrut ang BHB ng mga batang mandirigma. Ayon sa NAHRA, aabot umano sa 13-18% ng mga Pulang mandirigma ay mga bata, at kabilang umano sa mga ito ang mga walong taong gulang. Nitong Pebrero, katuwang ng inutil na Commission on Human Rights, Philippine Human Rights Information Center, Philippine Army, Philippine National Police at iba pang pasistang ahensya ng reaksyunaryong gubyerno, inilabas ng NAHRA ang resulta ng umano�y pananaliksik nito tungkol sa mga batang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan. Nakalululang 20-25% umano ng kabuuang rekrut ng BHB ay mga menor de edad! Labis na ang desperasyon ng nagkukunwang mga tagapagtanggol ng karapatang-tao na siraan ang rebolusyonaryong kilusan. Tahasan na silang nakikiapid sa numero unong tagalabag sa karapatang-tao. Sukdulan ang pagkamuhi sa kanila ng rebolusyonaryo at lumalabang mamamayan, kabilang ang mga bata, na malaon nang dinadahas at sinusupil ng reaskyunaryong estado. Mabilis na nakikoro ang bandidong RPA-ABB sa mga �natuklasan� ng NAHRA. Ayon kay Carapali Lualhati, punong kumander ng RPA-ABB, ang BHB lamang ang gumagamit ng mga batang sundalo. At kailan ba naging awtoridad sa usapin ng karapatang-tao ang mga kriminal na bandido? Kailan pa sila naging tagapagsalita ng mamamayang biktima ng kanilang pangingikil at pagnanakaw? Malaon nang naglantad ang grupitong ito bilang mga mumurahing galamay ng reaksyunaryong gubyerno at nabubuhay na lamang sa mga mumong itinatapon ng rehimen at mga kriminal at kontra-rebolusyonaryong aktibidad sa ngalan ng �kasunduang pangkapayapaan.� Pinatutunayan ng dalawang impostor na grupong ito ang pinatinding kampanyang saywar ng rehimeng Arroyo laban sa rebolusyonaryong kilusan. Marapat lamang na ilantad ang kanilang mga kasinungalingan.
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|