![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Isang M60 machine gun at sari-saring kalibreng baril ang nasamsam ng isang platun ng BHB nang salakayin nito ang detatsment ng 77th IB sa Balbalan, Kalinga noong tanghali ng Pebrero 28. Dalawang sundalo rin ang nasugatan sa mismong reyd at isang sarhento ng 21st IB ang namatay kinabukasan nang tambangan ng BHB ang mga pwersa ng kaaway na naglulunsad ng pursuit operation laban sa kanila. Bukod rito, apat pang pwersa ng kaaway ang napatay at pito ang sugatan sa iba pang mga taktikal na opensibang inilunsad ng BHB mula huling linggo ng Pebrero hanggang unang linggo ng Marso sa iba't ibang dako ng Pilipinas. Sa South Cotabato, isang Sgt. Oldarico Camarista ang napatay habang nasugatan ang anim na CAFGU nang ambusin ng BHB ang nagpapatrulyang mga tropa ng 27th IB sa Sityo Bung-it, Barangay Palo 19 sa hangganan ng Tampacan at Koronadal City noong gabi ng Marso 4. Samantala, dalawang elemento ng paramilitar na Revolutionary Proletarian Army (RPA) na lulan ng motorsiklo ang tinambangan at napatay ng BHB sa Sityo Estaka, Barangay Humay-Humay, Guihulngan, Negros Oriental noong Marso 3. Bago ito, isang elemento ng 5th Scout Rangers ang nasugatan sa pakikipag-engkwentro sa BHB noong Pebrero 23 sa Barangay Kabitan, Mandaon, Masbate. Sa Barangay Pinawpawan, Igbaras, Iloilo, tinambangan ng BHB noong Pebrero 21 ang mga tropa ng 12th IB Cadre Coy, kung saan napatay ang isang elemento ng CAFGU. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|