![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Siyam na sundalo ng 45th Infantry Battalion at 53rd Reconnaissance Company ang namatay sa naganap na labanan sa pagitan ng mga gerilya ng BHB at militar sa Barangay Dicamay Uno, Jones, Isabela noong Marso 19. Nagpapatrulya noon ang 15-kataong tropa ng AFP bandang alas-6 ng umaga nang mamataan sila ng isang nakahimpil na platun ng BHB sa ilalim ng Benito Tesorio Command. Kagyat na nagplano ng pananambang ang mga Pulang mandirigma. Nagsimula ang labanan bandang 6:30 ng umaga at nagtagal nang dalawang oras. Ang mga natirang tropa ng kaaway ay sumiksik sa makapal sa kahuyan kaya hindi sila ganap na nalipol. Matagal nang nakaalis ang mga gerilya sa lugar pero dahil sa matinding takot ay hindi matulungan ng higit na mas malaking tropa ng AFP na nasa kalapit lamang na lugar ang napalaban nilang mga kasamahan. Saka pa lamang nasaklolohan ng AFP ang kanilang mga napalabang tropa bandang alas-5 ng hapon, matapos bombahin ng dalawang Tora-Tora at masingganin ng isang Huey na helikopter ang lugar na pinaglabanan. Dagli nilang isinakay sa helikopter ang kanilang mga patay at sugatan upang di makita ng masa. Ang mga napalabang sundalo ay bahagi ng anim na platung tropa na nag-ooperasyon sa mga munisipalidad ng Jones at Echague may isang linggo na bago ang labanan. Reaksyon ito ng 5th Infantry Division sa ginawang pagdisarma ng BHB kay Congressman Giorgidi Aggabao ng Isabela, kamag-anak ni Danding Cojuangco at malapit na alyado ni Gov. Faustino "Junior" Dy. Kasama rin ni Aggabao na dinisarmahan ang dalawang meyor, isang bokal at mga badigard nila. Layunin din ng operasyong militar na pigilin ang pagdagsa ng mga kandidato sa halalan na kumuha ng Permit-To-Campaign sa rebolusyonaryong pamahalaang bayan. Hinaharas din ng mga nag-ooperasyong militar ang mga myembro ng ligal na progresibong partido at iba pang mga organisasyon at indibidwal na lumalaban sa dinastiyang Dy ng Isabela. Lantaran nilang ikinakampanya si Governor Dy at mga galamay nito. Malaon nang hawak ng pamilyang Dy ang reaksyunaryong pulitika sa Isabela. Bukod kay Gov. "Junior" Dy, kabilang sa mga Dy na humahawak ng poder sa prubinsya si Meyor Caesar Dy ng Cauayan at Congressman Faustino Dy III ng ika-3 distrito ng Isabela. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|