Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga ulat koresponsal:
Tuloy ang pakikibaka para sa lupa sa Hacienda Luisita

 Read this article in English

Halos limang dekada na ang nakalilipas mula nang unang mangako ang pamilyang Cojuangco na ipamamahagi sa mga manggagawang bukid ang Hacienda Luisita. Magpahanggang ngayon, wala ni isang manggagawang bukid ang nabiyayaan ng pangakong ito. Sa halip, unti-unting tinatanggal sa kanila ang mga batayan ng pag-angkin hindi lamang ng lupang ilang dekada na nilang binubungkal kundi pati ng mga lupaing kinatitirikan ng kanilang mga bahay at komunidad. Unti-unti silang itinataboy sa asyenda upang bigyang-daan ang di produktibong ispekulasyon sa lupa at malawakang pagpapalit-gamit nito.

Napasakamay ng pamilyang Cojuangco ang Hacienda Luisita nang gawing kundisyon ang pagbili nito kasabay sa pagbili sa Central Azucarera de Tarlac (CAT) mula sa TABACALERA, isang kumpanyang Amerikano, noong 1957. Upang mabayaran ang CAT, ginarantiyahan noon ng reaksyunaryong gubyerno ang pangungutang ng mga Cojuangco sa isang bangkong Amerikano sa kundisyong �ipamamahagi ang Hacienda Luisita sa maliliit na magsasaka alinsunod sa programa ng Administrasyon sa panlipunang katarungan.�

Pinautang din ng Government Service Insurance System (GSIS) ng P7 milyong ang pamilya upang hiwalay na bayaran ang asyenda. Ito ay sa kundisyong ang mga loteng bumubuo sa asyenda ay hahati-hatiin sa hanay ng mga kasam�. Walang ipinuhunan ang mga Cojuangco sa pagkakabili nila sa CAT at Hacienda Luisita kundi ang pangakong ibabalik sa mga lehitimong may-ari nito ang kanilang karapatan sa lupa.

Gayunpaman, bigo ang unang henerasyon ng mga manggagawang bukid na papanagutin ang pamilyang Cojuangco. Gamit ang kanilang kapangyarihan sa reaksyunaryong gubyerno, nagmaniobra, nanlinlang at gumamit ng dahas ang mga Cojuangco upang tiyakin na hindi kailanman mapapasakamay ng mga manggagawang bukid ang mahigit 6,000 ektarya ng asyenda. Lalong lumakas ang burukrata-kapitalistang kapangyarihan ng pamilya paglipas ng panahon.

Umabot ito sa sukdulan nang mailuklok bilang presidente ng bansa si Corazon Cojuangco-Aquino, nakababatang kapatid ni Jose �Peping� Cojuangco na siyang may pinakamalaking bahagi sa Hacienda Luisita. Nagmaniobra si Aquino upang iatras ang mga desisyon ng reaksyunaryong korte na nag-uutos ng pamamahagi ng lupain ng asyenda. Sa ilalim ng kanyang rehimen, isinabatas ang mapanlinlang na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Iniluwal ng CARP ang iskemang stock transfer. Dito, maaaring itakda ng panginoong maylupa ang halaga ng lupa at gawin itong mga sapi.

Sa halip na ipamahagi ang lupa, mga sapi na lamang ang ipamamahagi sa mga manggagawang bukid. Upang matiyak ng panginoong maylupa na mapupunta sa kanya ang pinakamalaking bahagi ng mga sapi, karaniwang pinaliliit ang halaga ng mga lupang agrikultural at pinalalaki ang iba pang gamit sa produksyon na tuwiran nitong hinahawakan.

Stock distribution option

Sa Hacienda Luisita, tinawag ang iskemang ito na Stock Distribution Option (SDO) at ipinatupad simula 1989. Sa ilalim ng SDO, hindi lamang muling nakalusot ang pamilyang Cojuangco sa ilang dekadang pananagutan nito. Sa pamamagitan ng pamamahagi ng walang saysay na sapi sa Hacienda Luisita, Inc. (HLI), inilatag nito ang batayan upang angkinin ang asyenda nang wala nang anumang ligal na sagka. Pinahina nito ang pusisyon ng mga manggagawang bukid bilang mga lehitimong may-ari ng lupa at unti-unting pinapawi ang kanilang karapatan dito.

Hindi ipinagbawal sa ilalim ng SDO ang pagbebenta ng lupa ng mga may-ari nito. Gamit ang kapangyarihan nito sa lokal na gubyerno, ipinabago ng pamilyang Cojuangco ang klasipikasyon ng 3,290 ektarya o halos 67% ng buong asyenda tungo sa lupang maaaring ipailalim sa kumbersyon. Limandaang ektarya ang agad na ibinenta sa Itutsu at Hasama, mga korporasyong Hapon. May ilandaang ektarya rin ang nakalaan para sa konstruksyon ng bahagi ng Subic-Clark-Tarlac Expressway Project na nakatakdang ilatag noon pang 2003.

Upang maiwasang mapunta sa mga manggagawang bukid ang kita sa pagbebenta ng lupa, ang kapital ay pinaiikot ng pamilyang Cojuangco sa HLI at iba pang korporasyong pag-aari ng kanilang angkan. Ibinebenta muna ng mga Cojuangco ang lupain sa iba pa nitong kumpanya sa mababang halaga bago ito ibenta sa mga dayuhang korporasyon sa mas mataas na halaga. Halimbawa, noong 1996, ibinigay ng HLI ang 300 ektarya sa Centennary Holdings Incorporated (CHI), isa ring kumpanya ng mga Cojuangco, kapalit ng P12 milyong halaga ng sapi nito. Noong 1998, ibinenta ng CHI ang naturang 300 ektarya sa halagang P750 milyon! Noong 2001, nagrehistro ng netong kita na mahigit P125 milyon ang CHI habang ang HLI, orihinal na may-ari ng lupa, ay nagtala lamang ng P14 milyong kita. Naubos ang netong kita ng CHI sa gastusin para sa matataas na upisyal ng kumpanya at iba pang �pangkalahatang gastusin.�

Buo ang kontrol ng pamilyang Cojuangco sa pagpapatupad ng iskemang SDO. Lubusan nitong kinokontrol ang Board of Directors ng HLI hindi lamang dahil hawak nito ang kontrol sa kalakhan ng mga sapi sa HLI. Sa loob ng 14 na taon, hawak din ng mga Cojuangco ang mga halal na kinatawan ng mga manggagawang bukid at superbisor na nakaupo sa Board. Nakipagsabwatan ang mga ito sa mga maniobra at panlilinlang ng pamilyang Cojuangco.

Paglaban ng asyenda

Sa harap ng lahat ng mga ito, walang mapagpipilian ang mga manggagawang bukid kundi labanan ang unti-unting pagtataboy sa kanila mula sa kanilang lupain. Noong Setyembre 2003, ipinamalas nila ang kanilang pagkadismaya sa iskemang SDO nang iboykot nila ang eleksyon para sa kanilang mga kinatawan sa Board of Directors ng HLI. Itinakwil nila ang mga dilawang lider na malaon nang

Hindi sa lahat ng pagkakataon epektibong magagamit ng mga Cojuangco ang kanilang burukrata-kapitalistang kapangyarihan.
nakikipagsabwatan sa pamilyang Cojuangco at muling iginiit ang kanilang lehitimong karapatan na magmay-ari ng lupa sa asyenda.

Bago ito, nakipagkaisa ang mga manggagawang bukid sa welga ng mga manggagawa ng CAT noong Pebrero 2003. Kasabay ng kanilang pagtutol sa iskemang SDO, tinutulan din nila ang pagpapaliit ng bilang ng araw ng paggawa (man days), pagkakait ng mga benepisyo, ang malawakang kumbersyon ng lupa sa asyenda at militarisasyon ng kanilang mga komunidad. Hiningi nila sa mga ahensya ng gubyerno ang kagyat na pagbabasura ng iskemang SDO at pagpapatupad sa nauna nang mga dikreto at kasunduang ligal kaugnay ng pamamahagi ng lupa sa asyenda.

Papaigting ang laban sa pagitan ng pamilyang Cojuangco at mga manggagawang bukid. Upang epektibong malabanan ng mamamayan sa loob ng asyenda ang papasahol na panlilinlang at pandarahas ng mga Cojuangco, kailangang tiyakin ang pagpapatatag ng kanilang mga organisasyon at pagpapalawak ng kanilang mga alyansa sa loob at labas ng asyenda.

Hindi sa lahat ng pagkakataon epektibong magagamit ng mga Cojuangco ang kanilang burukrata-kapitalistang kapangyarihan. Maaaring samantalahin ang girian na likas sa hanay ng mga reaksyunaryo at samantalahin ang mga kahinaan ng pamilya laluna sa panahong wala sa naghaharing pangkatin ang kanilang angkan.

Gayunpaman, hangga�t hindi naibabagsak ang malapyudal na kaayusang nagpapanatili sa pamilyang Cojuangco at iba pang malalaking panginoong maylupa, patuloy na ipagkakait sa lahat ng mga kasam� at mahihirap na magsasaka ang kanilang lupa. Tanging ang pambansa-demokratikong rebolusyon sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan ang lubusang makalulutas sa suliranin ng magsasaka sa lupa.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Abril 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Paghandaan ang pagpapatupad ng JMC

Pulang pagpupugay kay Silvino �Ka Bino� Clamucha
Mga ulat koresponsal:
Mga intriga ng AFP, pinabulaanan

Mga ulat koresponsal:
Tuloy ang pakikibaka para sa lupa sa Hacienda Luisita
Sa ibayong dagat: Bagong antas ng pakikibaka sa Iraq
Sa ibayong dagat:
Sharon Plan, isang tusong pakana

Balita:
Mga kasapi ng KARAPATAN, ginawang hostage ng militar

Balita:
KAGUMA, 33 taon na

Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.